Ika'y Malaya

8 0 0
                                    


Higit kang malaya
Kahit saan man mapadpad
Saan mang dako o sulok
Maari mong marating ang tuktok

Ano man ang iyong naisin
Ano mang bigkasin o wikain
Walang sino man ang makapipigil
Sa kahit anong nais dinggin

Malaya mong maipapahayag
Ang mga awitin at tula
Malaya kang makapagiisip
Kahit ang hindi mo inaakala

Ngunit sa pagiging malaya
Dapat ang isip ang nauuna
Hindi lang puro bibig
Na kura lang ng kura

Ipahayag mo ang iyong minimithi
Isigaw ng buong lakas ang boses at tinig
Dahil sa mundong iyong ginagalawan
Maaring mabuhay kung ano ang nasa isipan

Malaya kang tunay
Ako'y hanga sa iyong lakas
Hahamakin ang lahat upang maipakita
Ang isip at gawi na walang kasing talas

Sa iyong kalayaan
Nawa'y gamitin ito sa kabutihan at huwag pasisiil
Kung ano ang mas nakabubuti sa nakakararami iyong piliin
Upang ang kalayaan na nakamti ay hindi na muling mapipigil

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 16, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Makata - Tagalog PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon