Chapter 6: Real Deal

1.4K 51 2
                                    

His POV

Iginala ko ang paningin sa apat na sulok ng silid. Karamihan sa mga kaklase ko ay nagdadaldalan at ang iba naman ay natutulog na.

Ang lamya magturo ng prof sa unahan. Wala talaga talagang magkakaroon ng interes makinig sa kanya.

"Hey, Theodore" siyang lapit ni Von saka naupo sa tabi ko.

"Oh?"

"I have something to ask.." kamot batok na sabi niya. "Pwede humingi ng pabor?"

"Depende. Anong klaseng pabor? Make it straight to the point.."

"I like your bestfriend.." napatunghay ako bigla tila nabuhay ang dugo ko sa sinabi niya. Nawala ang antok ko bigla.

Nabibingi ba 'ko? O baka naman mali ako ng narinig?

Tumahimik ako ng ilang segundo bago nakakalokong tumawa, alanganin siyang sumabay sa tawa ko. Tila tinitimbang kung ano ang magiging reaksyon ko.

"Tell me that you're joking.." seryoso na sambit ko. Diretso ang tingin sa mata niya. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang mariin niyang paglunok.

"Dude, I'm serious. Gusto ko sana siya l-ligawan.."

Hindi ko gusto ang narinig.

"Fck no.." madiin na tugon ko.

"Galit ka?"

"Madami pang babae dyan. Iba na lang ligawan mo.."

"Dude, parang awa mona. Marami ngang babae sa mundo pero siya lang ang gusto ko. Iyong nararamdaman ko dude.. iba na.. sa t'wing nakikita ko siya para akong lumulutang. I fell inlove with her just by staring at her lovely face"

"Then that's not love. You're just atrracted to her just because of her looks..

Ang totoong nagmamahal, hindi lang tumitingin sa pisikal na kaanyuan. Sa halip ay dapat tanggap mo kahit pa anong makita mong kamalian ang mayroon siya.

Fck, ano ba 'tong naiisip ko. Ang baduy!

"But.. I really like her.."

"Adik, kaya ka lumulutang kakasinghot mo ng katol"

"May sinasabi ka, dude?"

"Here's the real deal, Von. Hindi sa pinipigilan kitang ligawan siya. Pero ang totoo n'yan hindi mo siya magugustuhan kapag nakilala mona ng lubusan. Maamo ang mukha 'non, kaya hindi mo talaga malalaman ang tinatago niyang bagsik.."

"What do you mean? Siya ang mabagsik?"

"Tsk, oo! If you only knew. Masama siya magalit. Mainitin ang ulo. Masungit, moody, maikli ang pasensya. At ang pinakaayaw niya sa lahat.. alam mo kung ano?"

"Ano??" naghihintay talaga siya sa sasabihin ko. Ganyan nga makinig ka mokong.

"Iyong mga katulad mo na mahilig sa alak at yosi.."

"Now I understand.. salamat sa mga sinabi mo ngayon alam kona kung ano ang mga dapat kong baguhin at iimprove sa sarili ko..

"What?! Hindi mo ba narinig ang mga sinabi ko? Masama ang ugali niya.."

"Para sa akin lahat tayo ay may masamang ugali at ipapakita lang natin iyon sa mga taong hindi tayo tinatrato ng ayos" nagigting ang panga ko sa sagot niya.

"Tsk.. handa mong itigil ang bisyo para lang sa babae?"

"Oo. Basta sa babaeng mahal ko.." naikuyom ko ang kamao.

My Boy BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon