"Ano ba!" wala ba siyang magawa sa buhay at buhok ko ang pinagtitripan niya? Kita naman na nagbabasa ako e. Hindi tuloy ako maka-pokus."Huwag kang malikot, nagugulo ang hairstyle. Mas maganda siguro 'kung pataasin natin ng ganito. Hahaha! 'Yan okay na" naisara ko ang librong binabasa ng itapat niya sa'kin ang salamin.
"Cookie!" bago ko siya madakma ay kumaripas na ito ng takbo palabas ng kwarto. Dumampot ako ng unan at sumunod sa kanya. Humanda sa'kin ang mokong na 'yun!
Maingat akong nagtago sa tabi ng ref, akala niya siguro ay basta ko na lang palalagpasin ang ginawa niya. Busy siya sa pagkain ng chocolate cake, tira iyon sa binili namin kagabi sa red ribbon. Bago pa siya makasubo ulit ay hinampas ko siya ng unan sa likod kaya kumayat ang icing sa mukha niya.
Halos maubusan ako ng hininga kakatawa, natigilan lang ako ng pahidan niya 'ko ng icing sa mukha! Kainis talaga 'to! Walang gusto'ng magpatalo kaya sa huli pareho kaming nanlalagkit sa icing. Nasa ganoon kaming kalagayan ng pumasok si Manang Lena sa kusina.
"Jusmiyo, ano ba 'yang mga itsura niyo? Para kayo'ng mga bata. Hala sulong doon at maglinis kayo ng katawan. Ako na ang bahala mag ayos dito" wika ni Manang.
"Si Cookie kasi Manang, pinagtripan ang buhok ko" napailing siya.
"Teodoro, ayusin mo ang buhok ni ineng. Tutal ikaw naman pala ang gumawa.."
"Don't you like the style Manang? Ang cool kaya" proud pa'ng sabi niya.
"Style ba kamo? Aba, e daig pa ang sinabong ng manok 'yan ah. Umakyat na kayo sa taas. Magluluto pa ako ng hapunan" sinamaan ko si Theo ng tingin bago ako nauna'ng umakyat sa kwarto.
Abala ako sa paghahanda ng damit pamalit ng pumasok siya at walang pasabi na nahiga sa kama ko. Pinabayaan ko na lang siya at nagpatuloy sa ginagawa.
"Cream.. mamaya na ang alis ko" gusto ko'ng magtakip ng tenga. Ayoko'ng pakinggan ang anuma'ng sasabihin niya. Dahil tiyak na magiging emosyonal ako.
"Okay" tipid na sagot ko. Tama na, 'wag ka ng magsalita pa.
"Wala ka ba'ng ibang sasabihin?" nakaharap ako sa cabinet kaya nakatalikod ako sa kanya. Mabuti iyon para hindi niya makita ang nagiging reaksyon ko. "Matagal akong mawawala. Habang wala ako, alagaan mo muna ang sarili mo. Mami-miss ka ni Cookie.." ang luha'ng kanina ko pa'ng pinipigilan ay tuluyan ng umagos sa pisngi ko ng yakapin niya ako mula sa likuran.
Ang lahat ng ginagawa niya'ng pangaasar, pangungulit, pang ba-badtrip. Lahat iyon ay mami-miss ko. Alam ko naman e, ganoon ang paraan niya para lambingin ako. Kaya ultimo'ng maliit na bagay na gawin niya ay inis na inis ako. Dahil sa huli, alam kong iiwan niya din ako.
Tinanggal ko ang pagka-kayakap ng braso niya sa bewang ko. Pasimple kong pinahidan ang luha sa mukha saka ako diretso'ng nagtungo sa banyo. Agad akong sumandal sa likuran ng pinto at tinakpan ang bibig para pigilan ang hikbi'ng kumakawala.
'Bakit kasi kailangan mo pa'ng umalis? Hindi ko kaya nang wala ka, Cookie'
BINABASA MO ANG
My Boy Bestfriend
Teen FictionPenlix, simpleng dalaga na ang tanging hangad ay makapagtapos ng pagaaral para makamit ang pangarap niyang maging isang Nurse --- ngunit para matupad ang pangarap, kailangan niyang tumira sa iisang condo kasama ang kanyang.... BOY BESTFRIEND.