Penlix' POV
Bawat minuto ay napapatingin ako sa relo ko. Ilang minuto na lang kasi late na ako pero hanggang ngayon wala pa ring taxi.
Munti na akong mapatalon sa gulat ng bumusina ang isang sasakyan sa tapat ko. Nagbaba siya ng salamin at bumungad ang mukha ni Raze.
"Goodmorning. Sakay na"
No choice
Ang energetic niya ngayong umaga nasobrahan siguro siya sa kape.n
"Goodmorning inabangan moko no?"
"Assuming haha, nagkataon lang na nakita kita"
"Talaga lang ah. Libre moko mamaya"
"Lakas mo talaga haha. Sige ba basta tulungan moko mag review"
Tumango ako.
"San ka nga pala galing? Ilang araw kang nawala"
"Pano mo nalaman? Stalker ka no!"
"Ako stalker?! Haha, hindi ba't sabi ko ako ang iniistalk! Sa gwapo kong to stalker? Haha"
"Yabang mo naman! E pano mo nalaman na wala ako sa condo?"
"Dumadaan ako sa unit mo. Pag bored ako!"
"Asus, talaga lang ah. Namiss mo lang ako"
"Paano kung namiss nga kita?"
Natigil ako sa pagtawa, namula ang mukha ko sa sinabi niya.
Hininto niya ang sasakyan saka lumapit sakin. Konti na lang ay madidikit na ko sa bintana sa sobrang pag iwas.
Wala na akong uurungan lalapat na ang ano labi niya sa labi ko ng bigla na lang siyang tumawa.
"Baliw ka talaga! Wag ka ngang magbiro ng ganyan"
"Ang sabihin mo pati ikaw hindi mo maresist ang charm ko! Haha"
Ang lakas talaga ng self confidence ng lalaking to. Alam kaya ng mga fans niya na ganito siya kayabang? Hmm.
Nangaasar talaga ang loko, pagbuksan ba naman ako ng pinto sa may parking lot. May nakakita tuloy na estudyante sa ginawa niya.
Maiissue kaming dalawa sa ginagawa niya. Pero ano naman ang importante walang katotohanan.
Inihatid niya ko sa tapat ng room. Ang daming estudyante ang nakapansin sa kanya.
"Sis, si Raze oh!"
"Gosh hinatid niya si Penlix?!"
"Oh no! Ang landi niya!"
"Tuna, wala bang thank you kiss diyan hinatid kaya kita"
"Thank you kiss ka diyan! E kung thank you punch kaya, gusto mo?"
"Hahaha oh tama na namumula kana naman hindi nga lang sa kilig haha!"
Naku kung hindi pa siya umalis mababatukan kona siya.
Napangiti ako kahit papaano ay nawawala ang problema sa isip ko.
Papasok na sana ako ng may humawak sa braso ko. May hula na ako kung sino siya pero mabilis pa rin ako nagdasal sa isip na sana mali ang akala ko.
"Is he your boyfriend?" seryoso niyang tanong at malamig akong tinignan.
"Hindi, k-kaibigan ko siya.."
"Uh huh, friend? Lalaking kaibigan? Ilang araw lang akong nawala may ibang kaibigan kana agad?"
Ano bang gusto niyang palabasin? Na ang bilis kong makahanap ng ibang lalaki? Sa ilang araw na nawala siya si Raze ang naging sandigan ko.
"Mabait naman siya saka---"
"No! Hindi siya tulad ng inaakala mo, he's a playboy! Masasaktan ka lang niya"
Natawa ako sa sinabi niya. Kung alam mo lang na ikaw ang nalakasakit sakin ano mayang gagawin mo? Aware akong playboy si Raze, pero sa maikling panahon na nakilala ko siya. Nagtitiwala ako.
"Ayos lang handa ako"
"Naririnig mo ba ang sarili mo?! You should'nt let a guy like him hurt you"
But you did hurt me!
Wala akong lakas para makipagusap sa kanya. Tumalikod ako at tuluyan ng pumasok sa loob naiwan siya sa labas. Tinawag niya pa ako pero hindi na lang ako lumingon.
BINABASA MO ANG
My Boy Bestfriend
Teen FictionPenlix, simpleng dalaga na ang tanging hangad ay makapagtapos ng pagaaral para makamit ang pangarap niyang maging isang Nurse --- ngunit para matupad ang pangarap, kailangan niyang tumira sa iisang condo kasama ang kanyang.... BOY BESTFRIEND.