Chapter 17: Cappucino

1.3K 45 5
                                    

Theodore's POV

"Here's the copy of the cctv tape" sabi
ng operator at inabot ang flashdrive.

Pagpasok ay naupo ako sa sofa.

Humingi ako ng kopya para malaman ang totoong nangyari kay Terese ng mahulog siya sa hagdanan.

Sinubukan kong kausapin si Terese tungkol sa nangyari, but it seems like she's afraid of something. I don't know.

Hindi niya kayang ikwento kaya mas minabuti namin na tignan na lang cctv record.

I inserted the flashdrive. Pinagkiskis ko ang palad. Saktong dumating si Mommy galing supermarket dala ang mga pinamili niya. Tinulungan ko itong dalhin ang mga iyon sa kusina.

"My, the operater already hand me the flashdrive. The cctv record"

Tumango si Mommy, isinenyas nitong pindutin kona ang remote.

Ngayon ay napapanood namin ang anggulo kung saan naglalaro si Terese  ng kanyang doll house sa may second floor, at ilang sandali pa ay dumating si Sophia.

Lumapit siya kay Terese. Sinubukan
niyang makipaglaro pero agad ding nagsalubong ang kilay niya na animo'y hindi nagustuhan ang sinabi ng kapatid ko.

Napatayo ako sa pagkakaupo sa sumunod na pangyayari. Nang hilahin niya si Terese sa kwelyo ng bestida nito para itayo at iniharap sa kanya. Papisil niyang hinawakan sa panga at pinagsisigawan.

'Shit!'

Nanlambot ang tuhod ko. How can she do this to Terese?! Walang kalaban-laban ang kapatid ko sa kanya.

Gusto ko ng patayin ang video pero
hindi ako makakilos. Natatakot ako sa maaari pang mangyari.

Sa bilis ng pangyayari ay napunta sila sa may amba ng hagdanan, itinulak niya si Terese at nagdiretso ito pababa hanggang sa mawalan ng malay.

"Oh, God!" naiiyak na nasapo ni Mommy ang noon. Hindi marahil makapaniwala. Maging ako ay hindi matanggap ang nagyari.

'This is hilarious!'

Biglang bumalik sa akin ang sandaling tumatakbo si Sophia, humihingi ng tulong. Ayon sa kanya ay nadulas si Terese sanhi para mahulog ito. Kasinungalingan!

Nagmamadaling umakyat si Mommy papunta sa kwarto ni Sophia, sumunod ako.

* KNOCK!! KNOCK!!*

Halos magiba ang pinto sa lakas ng katok ni Mama. Galit na galit ito sa sinapit ng anak.

"Tita, why po---" nakangiting lumabas si Sophia.

*PAK!*

Dumapo ang palad ni Mommy sa pisnge niya. Nanlalaki ang mata ni Sophia, tinignan kaming nagtatanong.

Bago pa makapagsalita si Sophia ay
nahila na ni Mommy ang buhok niya at gigil na sinabutan.

"How dare you! Ang kapal ng mukha mong saktan ang anak ko! Tinanggap ka namin ng maayos dito tapos ito pa ang igaganti mo?!"

"T-Tita.. hindi ko po alam ang sinasabi nyo.." lumuluha ng sabi ni Sophia. Magulo na ang buhok niya at gusot na ang damit.

"Sinungaling! Recorded ang lahat ng ginawa mo, tinulak mo ang anak ko kaya nahulog sa hagdan! Nagawa mo pang magkunwari na humihingi ng tulong tapos malalaman kong ikaw ang may kagagawan?! Anong klase ka!" namumula na ang mukha ni Mommy sa halong inis at galit.

My Boy BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon