Penlix' POV
Hindi ako makapaniwalang nandito na si kuya. He's back!Maging si kuya ay hindi rin maalis ang tingin sa akin. Mahigpit na ipinaloob niya ako sa mainit na yakap.
"I miss you, Jade. Did you miss me too, prinsesa ko?" malambing ang tono nito at hinaplos ang buhok ko.
"Of course, kuya!" mas lalong humigpit ang yakap namin sa isat-isa.
Laking pasasalamat ko ng paniwalaan ni kuya ang dahilan ko kung bakit pugto ang aking mata. Ang sabi ko ay kakatapos ko lang manood ng nakakaiyak na pelikula.
"Batok nga agad pasalubong mo sakin, e!" angil ko ng sabay kaming bumaba ng hagdan para kuhanin ang kanyang mga maleta.
"Haha! You did call me Paris without kuya, huh!" sumbat niya naman at ginulo ang buhok ko.
Naalala kong ayaw nga pala ni kuya kapag tinatawag ko siyang Paris lang. Haha! Eh, ano bang magagawa ko. Nagulat kasi talaga ako ng bigla siyang sumulpot sa harap ko, nagmo-moment pa naman ako nung time na yun!
Bumungad sa amin ang tatlong malalaking maleta. It's official, dito na talaga magi-stay si kuya for good. I'm so happy!
Ngunit agad ding napalitan ng pangamba ang mukha ko ng maalalang walang kaalam-alam si kuya sa sitwasyon ko ngayon. At sa sandaling malaman niyang buntis ako ay tiyak na hahanapin niya kung sino ang ama nito! Ayokong magalit si kuya kay Theo.
Kahit na iniwan na lang niya kami basta sa ere. I still care for him, even though he's not when it comes to me and our baby. Until now,
hindi ko pa rin talaga maintindihan kung bakit ganoon na lang magbago ang isip ni Theo na iwan na lang kami basta sa puder ng mga magulang ko.Nang dahil ba sa kinausap siya ni Papa? Ng dahil lang doon ay natakot siya at nasindak sa mga salita nito? Sana man lang ay naging malakas siya, para sa anak namin. Kahit hindi na para sa akin.
"Kanina ay ang saya-saya mong makita ang gwapo kong mukha. Tapos ngayon naman ay para kang pinagsaklupan ng langit at lupa. Now tell me, do you have a problem prinsesa ko?" umupo siya sa tabi ko.
Gustong-gusto kong sabihin kay kuya ang lahat katulad nung dati ng mga bata pa kami, kung paano niya akong tulungan makalusot sa mga problemang kinasasangkutan ko. That's my kuya. He's always there by my side to protect me, like Theo.. but now everythings change.
Kailangan ko ng tanggapin na sinukuan na kami ni Theo. Mas pinili niyang iwan kami kesa sa ipaglaban.
"Kuya.."
"Anong problema ng prinsesa? Don't be shy"
sabi pa ni kuya."I'm sorry kuya.. ang daming nangyare ng wala ka.. pero maniwala ka sakin hindi ko sinasadya ang mga nangyare. Nadala lang ako" ang kanina'y nagbabadya kong luha ay tuluyan ng tumulo.
I'm crying now infront of my kuya. He let my head rest on his shoulders. Hinahaplos ni kuya ang buhok ko sanhi para makaramdaman ako ng kadamay.
Hinayaan ako ni kuya na makatulog at hindi niya ako tinanong tungkol sa sinabi ko. And secretly I thanked him for that.
Nagising akong nakahiga sa aking kama sa kwarto ko. At nakita ko si kuyang nakatitig sa akin na nakaupo sa may sofa.
"Feel better, princess?" nahihiya akong ngumiti at tumango.
Kadadating lang ni kuya tapos ganito na agad ang ipinakita ko sa kanya. Ang pagbreakdown ko. Marahil sa pinaghalong lungkot at inis sa sarili, iyon na lamang ang naging paraan ko para mailabas ang saloobin ng hindi nalalaman ni kuya ang lahat.
BINABASA MO ANG
My Boy Bestfriend
Teen FictionPenlix, simpleng dalaga na ang tanging hangad ay makapagtapos ng pagaaral para makamit ang pangarap niyang maging isang Nurse --- ngunit para matupad ang pangarap, kailangan niyang tumira sa iisang condo kasama ang kanyang.... BOY BESTFRIEND.