Chapter 8: Cries

1.4K 51 2
                                    

Penlix' POV

Ibinuhos ko ang laman ng bag sa sahig ngunit bigo kong mahanap ang cellphone.

Umandar na naman ang pagiging burara ko. Hindi ko iyon pwedeng mawala. Saan ko naman kaya 'yun naiwan. Hays.

Marami kaming memories ni Theo doon.

Nagsimula na namang mangilid ang luha ko sa halong frustration at stress.

Pagod akong naupo sa sofa at sinubukan alalahanin kung saan ko iyon maaaring nawala.

Hawak ko pa kanina sa court tapos sunod akong nagpunta sa unit ni Landrix. Tama. Doon nga!


Pagkatapos maghilamos at toothbrush ay dumiretso na ako sa elevator para puntahan ang unit ni Landrix sa seventh floor.

Tatlong beses akong kumatok bago niya ako pinagbuksan ng pinto. At gusto kona agad bumalik sa pinanggalingan ng bumungad sa akin ang hubad niyang katawan! Tanging towel lang na nakapulupot sa bewang ang harang sa pribadong bahagi niya.

Maagap akong nakabawi ng tingin, narinig ko pa ang halakhak niya na para bang natutuwa sa naging reaksyon ko.

'Hindi ata uso ang saplot sa isang 'to'

"Goodmorning" nakangiting bati niya.

"Magbihis kana!" pikit mata ko siyang tinulak papasok, na hawakan ko pa ang basa-basa niyang katawan!

Sarado na ang pinto at narinig ko pa rin ang halakhak niya.

"Pwede ka ng pumasok.." natatawang sabi niya ng pagbuksan ako ng pinto sa pangalawang pagkakataon.

May suot na siyang gray fitted t-shirt at short.

Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob dahil nagawa 'kong puntahan ang bawat sulok ng unit niya ng hindi nagpapaalam. Gusto ko ng mahanap ang cellphone ko!

Ramdam kong nakasunod siya sa likod ko. Natignan ko sa sofa, kusina pero wala pa rin.

Huli kong pinuntahan ang banyo ng maalalang nag- CR ako dito kahapon.

Pagpasok ay kapansin-pansin ang brief niyang nakalagay sa gilid ng lababo. Parang si Theo lang... ang dugyot!

Wala rin sa CR. Nasaan na ba kasi 'yon??

"Kape ka muna" alok niya ng maipatong ang dalawang tasa sa lamesa.

Sa sobrang abala ko sa paghahanap ay hindi kona napansin ang pagtitimpla niya ng kape.

Medyo napagod ako sa paghahanap kaya minabuti kong magpahinga muna saglit at tanggapin ang kape'ng hinanda niya.

Katamtaman ang lakas na hinipan ko iyon bago sumimsim ng kaunti. Hmm... sarap!

Kamuntikan ko ng maibuga ang kape sa mukha niya ng may ilapag siya sa lamesang katapat ko.

Ang kanina ko 'pang hinahanap na cellphone ay nasa kanya pala!

"Naiwan mo sa sofa kagabi. Panay ang vibrate kagabi pa, may tumarawag siguro"

Nang buksan ko iyon ay low battery.

Hindi na ako nahiya ng manghiram ng charger at nakicharge.

34 missed calls

53 messages

Lahat iisang numero ang nakalagay at nakapangalan kay Theo. Sinubukan kong basahin ang ilang mensahe.

Goodmorning Cream!

My Boy BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon