I breathed deeply after what my mom said. Pagkagaling ko sa pinapasukan ko rito sa Maynila ay ito agad ang kanyang ibinungad sakin, ang pabalikin ako sa probinsyang kinagisnan niya. Ayaw na ayaw ko pa naman roon dahil walang signal! Parang nasa ibang dimension ka ng mundo!
At ano ang gagawin ko doon mag-aararo? Mag-aalaga ng mga inahing manok ni Lolo? No way!
"Ma, ayaw ko nga roon, nagbabakasyon naman tayo roon every summer ah!" reklamo ko habang magkaharap kami sa sala.
"Macey, kailangan nating bumalik roon! Doon mo tatapusin ang pag-aaral mo."
"Paano itong bahay? Ibebenta nyo to?"
"Nagkasakit ang Lolo mo at kailangan natin ng pera, anak."
Nakita kong naging problemado ang mukha ni Mama habang nakasapo ang mga kamay sa noo. Agad akong nakonsensya at nakaramdam ng guilt.
Kami na nga lang dalawa sa buhay, pinapasakit ko pa ang ulo ni Mama.
Dalawang taon ng wala si papa kaya si Mama na ang nagtaguyod sakin. Mabuti naman ang pamumuhay namin rito sa Maynila, engineer si papa noon at si mama naman ay isang secretary sa parehong kompanya. Pareho silang disye otso noong pinanganak ako ni Mama. At kahit gusto akong ipasok noon nila Papa sa private school dahil nag-iisa naman raw ako, pinili ko paring sa public nalang.
Ngayong nasa high school na ko ay sa private school na ko nag-aaral dahil na rin scholar ako. Half Scholar nga lang, pero okay na rin yun.
Tumabi ako kay Mama at niyakap siya.
"Ma, sorry na po."
"Gusto mo ba talaga rito anak? Ibenta natin tong bahay at lilipat tayo sa maliit na apartment para makatipid tayo. Ibibigay natin ang perang makukuha natin rito sa lolo mo, kung ayaw mo sa probinsya. Pero mapipilitan akong ilipat ka sa public school."
"Ma, okay na po saking mag-aral doon, ang importante mapagaling natin si Lolo, ako nalang rin ang magbabantay sa kanya sa bakasyon para makatipid din tayo."
nag-aalinlangan kong sabi."Sigurado ka anak? Akala ko ba ayaw mo roon?"
"Si Mama! Kaninang ayaw ako, pinipilit ako! Ngayong okay na sakin, pinagpipilitan namang dito ako." nagbibiro kong sabi.
Pero ayaw ko talagang doon mag-aral.
"Okay, okay. Pero sa private school ka mag-aaral doon. It's not like here in Manila na mahal ang tuition, kaya okay lang kung sa private ka parin mag-aaral doon."
"Kahit sa public school nalang, Ma."
"Hindi, sa private school ka mag-aaral anak. Sayang kaya talino mo, mana ka pa naman sakin." niyakap ako ni Mama at hinalikan sa buhok.
"Ma, kung magnegosyo nalang kaya tayo roon?"
Basag ko sa katahimikan."Pinag-iisipan ko nga yan anak. Pero tsaka na kung makakaipon ako para mas maayos ang negosyo natin, okay ba yon?"
"Opo Ma."
MADALING lumipas ang mga araw nang hindi ko namamalayan. At ngayon nga ay sakay na kami ng bus papunta sa probinsya.
Noon, hindi ko ma-imagine na doon nag-aaral pero ngayon...di lang nai-imagine, nakikita ko na talaga. How cruel my life is.
Unti-unting umandar ang bus kasabay ng pagpatak ng ulan. Madilim dilim pa pero marami ng mga tao sa terminal dahil bakasyon na. Kitang kita ko ang mga taong nagsitakbuhan at nagsilungan. Unti unti rin silang lumalabo sa paningin ko dahil sa salaming bintana na nagbabasa na ngayon. At kasabay noon ay ang naramdam kong lamig. Niyakap ko ang sarili.
"Okay ka lang ba dyan anak?" tanong ni Mama.
Gusto kong sabihing hindi, dahil iyon naman talaga ang nararamdaman ko, na ang totoo ay napipilitan lang akong umu-o dahil ayaw kong maging problema ni Mama. Pero ayaw ko ring maging pabigat sa kanya. Hindi man nya sabihin, alam kong nahihirapan rin sya. Simula nang maaksidente si Papa, tumamlay si Mama at naging malungkutin. Alam ko ang pinagdaan nilang dalawa ni papa noon para mataguyod ako sa murang edad nila. Tambay lang kasi noon si papa at si Mama naman ay nag-aaral noon ng kolehiyo sa Manila. Umuwi sila noon sa probinsya nang malamang buntis si Mama pero hindi matanggap ni Lolo na ang bunsong anak ay nabuntis ng isang tambay lang at sa murang edad pa nito dahilan para mapalayas si Mama kaya napilitan silang bumalik sa Maynila. Matapos akong maianak ay bumalik si Mama ng pag-aaral at ganun din si Papa para patunayan ang sarili pagkalipas ng dalawang taon. Nang bisitahin namin sina lola ay natanggap muli ni lolo si mama, doon nila ako iniwan nina mama hanggang sa makapagtrabaho sila, kinuha nila ako nang nag pitong taong gulang na ko.
"Okay lang ako Ma." Nginitian ko siya at sumandal sa kanya.
"Huwag kang mag-aalala anak, may signal na daw roon kaya hindi ka mabo-bore, magpapalagay rin tayo ng wifi sa bahay."
Gusto kong umiyak ngunit sa takot na makita ni Mama ay tumango nalang ako at unti unting ipinikit ang mga mata.
Sana nga magiging okay ang lahat.
BINABASA MO ANG
Wishing Heart
RomanceI was in grade ten when my mother decided to transfer me in our hometown's school. Ayaw ko man ay wala akong nagawa kundi sundin ang kagustuhan ng aking ina. At katulad ng ibang probinsya, walang signal doon na ayaw na ayaw ko! Hello? We are already...