Chapter 2

2 0 0
                                    

Chapter 2

Abs ng Garcia

Malapit na ko sa batis nang marinig ko ang tunog ng message tone ng cellphone ko. Kinuha ko ito sa bulsa ng suot ko at binasa ang mensahe.

From Unknown Number: Hi Macey. This is Andrey, save my number please :)

Mahina akong natawa sa nabasa. Really? May mga playboy pa ata rito sa probinsya. I thought sa syudad lang ito nag-eexist? Not that I'm judging the person, hula ko lang naman.

Binalik ko sa bulsa ko ang cp ko at nagpatuloy sa paglalakad. Naririnig ko na ang tawanan nila at ang lagaslas ng tubig. Maraming mga tao ata ngayon dahil weekends.

Sa gitna ng paglalakad ko ay naalala kong kasama pala ng mga pinsan ko ang mga kaklase nila dahilan kung bakit nakaramdam ako ng hiya.

Baka bonding nila 'to! Argh, ano ba kasing pumasok sa utak ko at nagpunta pa ko rito?

Tumigil ako sa paglalakad at nakitang ilang metro nalang at nasa kamalig na malapit sa entrance ng batis na ako. Nakakaingganyo man pakinggan ang lagaslas ng batis ay tumalikod ako para sana bumalik sa pinanggalingan.

"Mimi!" napatigil ako sa paglalakad at napapikit nalang nang marinig na tinawag ang palayaw ko. Alam kong ako ang tinawag dahil kilala ko ang boses na yun.

Pumihit ako paharap upang harapin si Kylie, pinsan ko.

"My gosh Mimi!" napahawak ako sa magkabilang tainga ko nang marinig ang tinis ng boses na yun. Agad kong naramdaman ang mahigpit na yakap mula kay Kylie.

"Buti nianhi ka! Pinuntahan kita kanina sa bahay ni Lola pero ingon si Tita na tulog ka pa raw kaya tumulak na kami rito. Buti't tanda mo pa ang daanan." galak na galak nitong sabi bago ako binitiwan.

"Ah, tanda ko pa naman insan."
Tatlong taon na kong di nakakapunta rito sa probinsya kaya siguro akala niya di ko na tanda ang daanan.

Ang totoo nyan si Mama lang talaga ang nagpupunta rito sa probinsya sa nakalipas na tatlong taon. Sinasabi kong gusto kong makasama ang mga pinsan ko sa father side sa bakasyon dahil tuwing bakasyon lang din sila umuuwi rito sa Pilipinas. Naiintindihan naman ni Mama at pinangako kong ngayon sanang bakasyon ay dito ako pero ginawa pa ata ni Lord na isa o higit pang mga taon.

Hinawakan ako nito sa palapulsuhan at hinila papunta sa mga kaibigan nito.

Kita kong malaking nagbago sa batis. May mga cottages na ito na sa tingin ko ay pinadevelop ng mayor para sa mga tourista. At gaya ng hula, maraming tao. Puno ang mga cottages. Kita ko rin na maraming naliligo sa batis. Syempre Sabado ngayon.

Huminto kami sa isa sa mga cottages.
Agad kong naramdaman ang isang pamilyar na yakap na hindi ko na ata makakalimutan. Niyakap ko ito pabalik.

"Namiss kita..Kailan ka pa dumating? Bakit ngayon mo lang naisipang magbakasyon ulit ha?" nanginginig ang boses ng isang babae at ramdam ko ang lungkot at pagkagalak sa kanyang boses.

"Jenny, namiss rin naman kita at sorry kung ngayon lang ulit ako nakabalik...Dito na rin ako mag-aaral." ngiti ko sa bestfriend ko rito sa Garcia.

"Talaga? Niloloko mo na naman ata ako."

"Di ah. Totoo." ngiti ko at niyakap ulit ito ng mahigpit.

"Mamaya na kayo magdrama diyan." tumawa si Kylie kaya nagtaas ako ng tingin ako nakita kong nakatutok sakin lahat ng kanilang mga mata at atensyon. Bigla akong nakaramdam ng hiya.

"Guys, here's my cousin,Macey. Siya yong sinasabi ko sa inyo."
pahayag nito nang nasa harap na kami ng mga kaibigan nya.

Tiningnan ko isa isa ang mga kaibigan nya at nakita kong marami rami rin pala ang barkada ni Kylie at mukhang mga mayayaman pa ata ang iba. May ibang namumukhaan ko at ang iba ay hindi.

Wishing HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon