Chapter 1
Mangga
Napabangon ako bigla nang marinig ko na naman ang tilaok ng inahing manok ni lolo isang umaga. Dalawang araw na mula nang dumating kami ni Mama rito pero sa dalawang araw noon ay nabibigla parin ako sa tilaok ng mga manok. Dahil dito, maaga na rin akong nagigising di tulad sa Maynila.
Kakamot kamot sa ulo akong bumangon at dumiretso sa banyo ng kwarto ko. Naligo agad ako at ginawa ang daily routine ko bago lumabas sa kwarto at bumaba na.
Alas kwatro 'e medya palang pero sa dalawang araw ko rito ay nalaman kong sa ganitong oras nagigising ang mga tao rito.
Dalawang palapag ang bahay nina lolo at medyo may kalumaan na. Kung sa labas titingnan ay parang nasa sinaunang panahon pa pero ang looban naman ay makabago. Pero ang ibang kagamitan ay mga antigo pa. May antigong sala set, ang aparador, ang lalagyan ng tv, ang hagdanang nasa panahon lamang ng mga kastila makikita at ang chandelier na makaluma pero elagante parin tignan.
Medyo may kadiliman pa pero naririnig ko na ang ingay ng radyo ni lolo sa labas. Ganito lage kapag nagigising ako, si Lolo na nagkakape sa terasa habang nakikinig sa kanyang radyo at si lola na nagdidilig sa kanyang mga bulaklak ang nadadatnan ko sa umaga.
Huni ng mga ibon, tilaok ng mga manok, ingay ng mga insekto, lagaslas ng tubig na nanggagaling sa tabo ni lola at ang radyo ni lolo lamang ang naririnig ko sa buong kabahayan. Hindi ko alam kung kailan ako masasanay sa ganito, dahil sa totoo lang mas sanay ako sa tunog ng mga sasakyan, pito ng traffic enforcer at ang busina ng mga sasakyan sa syudad.
"Anak, gising ka na pala. Halika't magkape." sabi ni Mama nang makita akong nakatingin sa teresa mula sa aming tanggapan.
Narinig ko ang mga yabag ni Mama na papalapit sakin.
"Okay ka lang ba?" bakas ang pag-alala sa kanyang boses.
Nilingon ko si Mama at nginitian.
"Oo naman po."
"Alam kong di ka pa sanay sa buhay probinsya anak, kaya pagpasensyahan mo na sana."
"Ma naman, okay nga lang." niyakap ko sya at hinalikan sa pisngi.
"Anak alam kong di okay sayo to."
"Ma, kung di man okay sakin to, kailangan pa rin naman diba? Kailangan kong maging okay dahil ito ang dapat. Atsaka gusto kong tumulong. Kaya okay lang talaga Ma."
Ganoon lumipas ang oras ng umaga ko, ang pagpapaintindi kay Mama na okay lang. Nang mag-alas dos ay lumabas ako ng bahay para maglakad lakad. Unang beses kong lumabas mula nang dumating kami.
Nagpapahinga si Lolo at si Lola naman ay nakita kong kausap si Ante Lisa, ang nakakatandang kapatid ni Mama na nakatira lang sa katabi ng bahay ni lola. Nasa silong sila ng malaking mangga na katapat lang ng malaking bahay ni lola. Mas matanda si lolo ng limang taon ni Lola at sa edad na 70 nito ay sa awa ng Diyos ay malakas parin itong mananim at maglakad, hindi bakas sa kanyang katawan na nasa 70 na pala ito.
"Magandang hapon po." bati ko sa dalawa ng makalapit ako bago nagmano.
"Eh, ba't ngayon ka lang ninaog apo? Di mo naabutan ang mga pinsan mo, manlaag daw sila."
"Ah, 'la, okay lang po. Makikita ko naman ata sila kaya okay lang po."
"Paubanan nalang kita kay Jun-jun patungo sa kanila. Sa batis ang punta nila kauban ang mga classmates nila. Isasama ka sana nila pero natutulog ka daw sabi ng Mama mo." sabi naman ni ante.
"Ay naku Ante wag na po! Kabisado ko pa naman ang daanan papunta doon." ngiti ko.
"Sigurado ka?" tumango ako at nagpaalam na sa kanilang dalawa.
BINABASA MO ANG
Wishing Heart
RomanceI was in grade ten when my mother decided to transfer me in our hometown's school. Ayaw ko man ay wala akong nagawa kundi sundin ang kagustuhan ng aking ina. At katulad ng ibang probinsya, walang signal doon na ayaw na ayaw ko! Hello? We are already...