Chapter 4
Dare
Bumalik kaming dalawa ni Kylie sa cottage, sabi niya naroon daw si Ate Jem at ang mga kaibigan nito.
"Macey, halika't ipapakikila kita sa mga kaibigan ko." hinila ako ni ate Jem pagkarating namin doon at hinarap ang dalawang lalaki at dalawang ring babae. Naka-jersey shorts ang mga lalaki at nakatshirt at ang mga babae naman ay katulad ng suot ni ate Jem na short shorts at sleeveless shirt.
"Guys, ito nga pala ang aking pinsan, si Macey. Mace, ito naman sina Drew, Daisy at Anna. Mga college friends ko sila." masayang pakilala niya sakin sa kanila.
"Hello po." ngumiti ako sa kanila at isa isang tinanggap ang kanilang mga nakalahad na kamay.
"And Mace, this is my boyfriend Jack. Jack, meet Macey, pinsan ko."
Binalingan ko ang tinutukoy ni Ate Jem na boyfriend niya raw. Infairness may taste si Ate ah, syempre maganda siya kaya dapat lang gwapo rin ang kanyang boyfriend.
Ngumiti ito sakin at naglahad ng kamay.
Tinanggap ko ito at nginitian.
"Nice to meet you Macey."
"Well, Macey, napakilala ka na ba nitong pinsan mo sa mga kaibigan niya?" tanong nito at binalingan ang mga nakaupo at nakatingin samin na mga kaibigan ni Kylie.
Tumango ako.
"Ah ganun ba." Bumaling ito kay Kylie. "Hindi pa ba kayo uuwi? Mag-aalas singko na." sabay tingin nito sa sout na relo.
"Mamaya na kami uuwi Ate, magn-night swimming kasi kami." sagot ni Kylie na nasa tabi ko.
"Ah sige, mauuna na kami. Ikaw Macey sasabay ka ba sa kanila o sasama ka samin pauwi?" tanong nito sakin.
"Ate naman! Ngayon nga lang ulit yan nakabalik rito sa batis papauwiin mo na. Dungan nalang kami ni insan Ate." hinawakan ni Kylie ang braso ko.
"Baka mapagalitan tayo niyan ni Tita Kylie. Mas mabuti kung sasama nalang siya samin."
"Ate hindi naman kami magpapagabi talaga. Mga Alas otso nakauwi na kami."
"Okay lang Ate Jem, sabay nalang kami ni Kylie. Tsaka itetext ko nalang si Mama." ngumiti ako ng tipid.
"Okay sige, no drinks okay? Baka ako pa pagalitan ni Tita eh. O sige na't aalis na kami."
Tumango ako.
"Kylie."
"Yes Ate?"
"Huwag mong painumin itong pinsan mo."
"Oo na...Paiinumin ko siya." binulong niya ang huling salita pero narinig ko naman at hindi naman ata narinig ni Ate Jem dahil tumango na ito at nagpaalam na sakin at sa mga kaibigan ni Kylie bago umalis na kasama ang mga kaibigan niya.
Pagkaalis niya ay agad naman akong hinila ni Kylie at pinaupo katabi ni Jenny. Muntikan pa itong sumubsob sa mesa kung hindi ko lang nahawakan. Nasa kaliwa ko si Jenny at nasa kanan ko naman si Kylie.
"Maglalaro muna tayo ng spin the bottle bago maligo ulit ah?" tumatawang sabi ni Kylie bago kinuha ang wala ng laman na bote ng alak sa mesa.
Napakunot noo ako nang mapansin ang pananalita nito at kilos. Lasing na ata 'to. Ngayon ko lang napansin na namumula na ito at hindi na makapagfocus ang mga mata. Mabuti't 'di ito napansin ni Ate Jem?
"Umiinom ka naman diba insan? Huwag ka ng magdeny dahil sabi ni Tita nalasing ka na raw." tumatawa ito habang tinuturo ako.
Napailing ako. Oo, nakainom na ko't nalasing. Hindi na ko ignorante sa mga inumin dahil sa Maynila ay madalas akong umiinom kasama ang mga kaibigan ko. Katunayan nga ay mga hard liquors ang pinipiling inumin ng mga kaibigan ko roon. Sanay akong uminom pero hindi ko yun aaminin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Wishing Heart
RomanceI was in grade ten when my mother decided to transfer me in our hometown's school. Ayaw ko man ay wala akong nagawa kundi sundin ang kagustuhan ng aking ina. At katulad ng ibang probinsya, walang signal doon na ayaw na ayaw ko! Hello? We are already...