Chapter 3
Ka-I love you
"Magkakilala na kayo?" takang tanong ni Kylie.
"Hindi. Ah..I mean, o-oo. I've met them kanina insan." sagot ko kay Kylie.
"Yeah, we've met awhile a go Ky, I didn't know you have a cousin a side from Rodrick and Yvonne?"
Tinutukoy nito ang dalawa kong pinsan na anak ni Tito Simon, ang panganay na kapatid nina Mama at Ante Lisa. Nasa kabilang bayan ang mga ito dahil taga-roon ang napangasawa ni Tito. Si Kuya Rodrick ay nagtatrabaho na bilang abogado (sumunod kasi sa yapak ng ama) at si Ate Yvonne naman ay nasa huling taon na ng kolehiyo.
I saw Jake beside Andrey's cousin, Justin. May sinabi si Justin na tinanguan ni Jake.
"She's from Manila kasi at tuwing bakasyon lang yan nagpupunta rito." paliwanag ni Kylie.
Nginitian ko si Andrey nang tumingin ito sakin.
"Eh, bakit hindi kita nakita last year?" takang tanong nito, bakas sa boses ang interes.
"Umupo na nga muna kayo Jake!" narinig kong sabi ng isa sa mga kaibigan ni Kylie.
Nakita kong umupo na silang lahat at nagkaanyayaan ng kumain.
"Ngayon lang ulit kasi ako nakabalik rito after three years.""Kaya pala, two years pa kasi kaming narito sa Garcia."
Nakuha nito ang atensyon ko.
"Ahm, saan kayo galing kung ganoon?"
"I'm from States. Doon ako nag-aral from Grade 1 to 10. And came back here to help my father with our business." masaya nitong sabi pero nakita kong malungkot naman ang mga mata nito, o guni-guni ko lang yun?
Gusto kong tanungin siya kung masaya ba siya sa rito pero pinigilan ko ang sarili.
"Maganda roon, diba? Mas madaming opportunities." nagtataka kong tanong.
"I like it there but I love this place. Natutunan ko na rin itong mahalin at ang mga tao rito. Ikaw? Bakit mo piniling bumalik rito? Or you'll just stay for a vacation?"
"Nope, I'll stay here for good. Nagkasakit si Lolo kaya pumarito ako. At nagtitipid rin kami ngayon." sinundan ko yun ng tawa.
"Uy, uy! Unsa na ah! May sariling mundo na kayong dalawa diyan, nakakalimutan niyo na kami!" tawa ni Kylie at binuntutan ito ng mga kantsawan ng mga kasama.
Agad nag-init ang pisngi ko at hilaw na napangisi.
"Uy huwag nga kayong ano. Nahihiya na si Macey!" pigil ni Andrey nang lumala ang kanilang kantsawan.
Nahagip ng tingin ko si Jenny na bago palang ang dating, tumabi ito sa pinsan ni Adrey, na kaharap ko. Binulungan ni Justin si Jenny at agad itong napatingin saming dalawa ni Adrey.
Ngumisi ito sakin kaya agad ko itong inilingan dahil alam ko na ang iniisip nito.
Natigil ang tawanan nila nang may tumunog na cellphone. Agad kong hinagilap ang phone ko dahil ringtone ko ito.
Irene calling...
Nagdadalawang isip akong sagutin ito, alam ko kung anong itinawag nito. Matalik at pinagkakatiwalaan ko itong kaibigan sa Manila at ito lang ang nakakaalam kung nasaan ako ngayon.
"Uy, boyfriend mo insan?" nanunuksong sabi ni Kylie sabay tingin kay Andrey. "Paano na si Andrey nyan?" nagkatawanan ulit sila, umiiling na rin si Andrey habang natatawa.
Umiling ako.
"Kaibigan ko. Excuse me lang ah, sasagutin ko lang." Paalam ko sa kanila at umalis na sa grupo. Nagpunta ako malapit sa malaking puno na pinagtalian nina Andrey ng kanilang kabayo.
BINABASA MO ANG
Wishing Heart
RomanceI was in grade ten when my mother decided to transfer me in our hometown's school. Ayaw ko man ay wala akong nagawa kundi sundin ang kagustuhan ng aking ina. At katulad ng ibang probinsya, walang signal doon na ayaw na ayaw ko! Hello? We are already...