Prologue

106 5 0
                                    

Sabi ni papa noong 4 years old ako, may nagkagusto daw sa aking  halimaw.

Paano ko nalaman na halimaw ang nagkagusto sa akin?

Isang umaga, inaapoy ako ng lagnat at halos hindi na ako makatayo sa aking kama...

Nagkataon na masyado ang paniniwala ni papa tungkol sa mga multo at mga aswang kaya kung sino-sino agad ang tinawagan niyang mga albolaryo para magamot ako.

Sabi ni mama, dapat na sa doktor ako patignan at hindi sa kung sino-sinong tao na hindi naman namin kakilala ang manggagamot sa akin.

Pero palaban si papa so nauwi din kami sa pagpunta sa albularyo.

Siyempre ano pa nga ba ang aasahan sa mga albolaryo, kung ano anong orasyon ang ginawa sa akin. Nariyat sinalat yung pek...pek...pek...peklat ko sa leeg ko na sabi ng albularyo na hugis dimonyo daw.

Ipinagbubuntis palang daw ako ni mama ay nakatadhana na daw talaga ang aking kapalaran. May kinalaman daw dito ang peklat ko sa leeg.

Pero hindi naman ako naniniwala don, nakuha ko tong peklat na ito noong 3 years old ako habang naglalaro kami ng mga pinsan ko sa playground sa amin at para sa akin walang anumang bahid ng hugis ng dimonyo ang makikita sa peklat ko.

Pagkatapos hawakan ng albularyo ang peklat ko ay bigla siyang kumuha ng kandila at ipinatak sa balde ng  tubig na may buhok, pawis, luha, kaunting patak ng aking dugo, pilikmata, balahibo, pati nga laway ko eh, at ang pinakamalala ay pati ang dumi ko sa pusod kinuha at inilagay sa balde.

Pagkatapos magpatak ng anim na beses ay biglang tumirik ang mata ng albularyo.

Akala namin ng pamilya ko ay sinasapian na, nun pala napuwing lang. Halos maloka ako sa albularyo dahil diba sa mga pelikula kapag tumitirik tirik ang mata ng mga albularyo ay may masamang pangitain na nakikita.

Anyway, pagkatapos mawala ang pagkapuwing ng albularyo ay agad nitong tinignan ang kandila na ipinatak nito sa balde.

Ayon sa kaniya ay may nabuo daw na imahe ng isang halimaw, may nanliligaw daw sa akin na halimaw.

Isang halimaw na ngayon lang niya nakita sa talambuhay niya bilang isang albularyo.

Pagkatapos nun ay binigyan ako ng listahan ng mga kung ano anong bibilhin at ipapampaligo na mga dahon dahon.

After that, umuwi na kami.

Hindi na ako nabigla dun sa sinabi ng albularyo dahil palagi namang ganun ang sinasabi ng mga albularyo. Kundi namatanda o nakulam ay may nanliligaw na maligno.

Lumipas ang ilang araw, nawala na ang lagnat ko.

Akala ko tapos na, pero dun lang pala nagsisimula ang lahat.

                         >author<

Hi guys, I hope you like my story.

Help me to discover my story by simply voting for my chapters thanks.

                            >♡<


My boyfriend is a MONSTER!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon