Halos 11:40 PM na ako nakatulog dahil sa kaiisip kung ano na kaya ang nangyari sa apat na yun?
Sanay naman ako na nagpupuyat dahil sa kanonood ko ng anime.
Isa rin kase akong otaku kung hindi niyo naitatanong.
Kaya halos umaga na kung matulog ako, pero iba sa pagkakataong ito! Hindi kase mapakali ang isipan ko sa kaiisip kung bakit bigla na lang nawala ang mga kaibigan ko.
Di naman sila ganito dati ehh, Oo minsan nagtatampo sila at hindi sila nagpapakita sa akin pero panandalian lang, mga ilang oras lang ay babalik na ulit sila na parang walang nangyari.
Pero bakit ngayon, buong araw ko silang hindi nakita? Ganun ba kasakit ang mga sinabi ko sa kanila?
Bahala na nga! Sigurado akong bukas lang ay nandiyan nanaman sila at kukulitin nanaman ako.
Ilang minuto pa ang lumipas at nakatulog na rin ako ng tuluyan...
*Kinabukasan....*
"Umaru tanghali na" wika ng isang tinig ng babae na kilala ko ang tono...
Pero hindi katulad ng boses na palaging gumigising sa akin...hindi ang boses ni Mica na nakasanayan kong araw-araw na gumigising sa akin.
"Anak...bumangon ka na... Malalate ka na sa klase mo... " nagsalitang muli ang tinig.
Sa mga oras na iyon ay napagtanto ko na si mama ang gumigising sa akin.
Minulat ko na ang aking mga mata at ska bumangon na sa kama.
"Anak, bakit tanghali ka na yatang nagising ngayon? Di ka naman ganyan dati ah?" wika ni mama na nakaupo sa kama kama ko.
"Mama, wala na po kasing gumigising sa akin...nasaan na kaya sila?" bigla nanamang nabalot ng kalungkutan ang puso ko.
"Anak naman, kaaga-aga eh ang lungkot-lungkot mo na agad... Di magandang simula ng araw yan." payo ni mama sa akin na tumayo na ngayon mula sa pagkakaupo sa kama ko at saka lumapit sa akin sabay hawak sa balikat ko.
"Eh mama, nakakapanibago lang lo kase." nanginginig na wika ko nang maramdaman ko na lang na nanggigilid na pala ang luha ko.
Bakit ako naiiyak? Ganun ba ako kasamang kaibigan?
Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni mama sabay sabing...
"Wag kang mag-alala anak, nandito naman kami ng papa mo at handa ka naming samahan" pagkatapos banggitin ni mama ang mga katagang iyon ay tuluyan ng tumulo ang mga luha ko..
Sobra akong naguiguilty dahil pakiramdam ko ay ang napakasama kong kaibigan...sila na nga lang ang mg kaibigan ko pero anong ginawa ko?sinaktan ko ang puso nila...
Ilang minuto di akong umiiyak, nang mahimasmasan ay agad na akong naligo. Si mama naman ay lumabas na ng kwarto ko at naghanda na ng agahan.
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay agad na akong nagtungo sa hapag kainan upang kumain ng agahan.
Sa pagkakataong ito ay kami lang ni mama ang kumain ng agahan di tulad ng dati na sabay-sabay kami nila papa dahil maagang umalis si papa dahil sa emergency sa opisina nila.
Mga sampung minuto ang lumipas at tapos na akong kumain.
Agad kong kinuha ang bag ko at pumasok na sa kotse.
"Mang juan tara na po" mahina kong wika kay mang juan.
Aaminin kong hindi pa rin ako nakakaget-over sa nangyari pero kailangan kong magpakatatag, tuloy lang ang buhay.
BINABASA MO ANG
My boyfriend is a MONSTER!
Gizem / Gerilimthis is a story of a loner girl na nkabukas ang third eye. Dahil sa kakaibang katangian ni girl, pangkaraniwan na lang sa kanya ang makakita at makipag usap sa multo. Until one day, nakatagpo siya ng isang bagay na hindi pa niya nakikita sa talambuh...