chapter 3: Where's my Ghosties?

81 4 0
                                    

Bago pa man ako makalabas ng pintuan ay may biglang gumulo sa isipan ko...

Totoo kaya yung sinabi ng albularyo na may nagkagusto sa aking halimaw?

Kung ganon nasaan na kaya sya ngayon?

Ayy basta bahala na nga, bakit pa ako mag-aaksaya ng panahon para sa halimaw na yan eh may Sam na ako..

Oo nga pala malalate na ako sa klase..

"Papa alis na po ako." wika ko sabay kaway kay papa na kumakain pa din ng agahan kasama si mama.

Naglakad ako patungo sa kotse kung saan naghihintay si mang juan; ang driver namin, mag iisang taon na siyang nagtatrabaho sa amin.

"Mang juan alis na po tayo." wika ko kay mang juan pagkapasok ko sa kotse. Agad naman itong nag-umpisang magmaneho.

"Ayyy mang juan daan po pala tayo sa Pandayan, may bibilhin po kasi ako" pahabol sa salita ko habang inuumpisahan na ni mang juan na paandarin ang kotse.

"Ok po ma'am pero pakibilisan lang po dahil malalate na kayo sa klase." mahinahong paalala ni mang juan habang patuloy pa rin sa pagmamaneho.

Siguro nagtataka kayo kung bakit loner ako sa school pero ang daldal kong tao?..

Ganyan talaga ako dahil nga sa puro multo ang lagi kong kasalamuha  sa buong buhay ko.

Asusual kasama ko nanaman ang barkada kong  ghosties.

Habang nasa backseat ako ng kotse ay katabi ko nanaman ang apat na pinakamagugulong tao este multo na nakilala ko.

Kaya napilitan nanaman akong magheadset.

Kasalukuyang nagpapakitaan ng mga sugat sa katawan ngayon ang mga ghosties.

Si Lea ay ipinapakita ang malaking sugat niya sa noo dahil sa pamumukpok ng bato noong nirape siya..

Si James naman ay ipinapakita ang mga biyak sa katawan dahil sa pagkasagasa ng truck...

Si Mica naman na ipinapakita ang butas na ulo at nakikita ko pang sinusundot-sundot pa niya ng daliri ang utak niya...At ang pinakahuli  sa lahat..

Si jhonny na pinakapilyo at pinaka maingay sa kanilang lahat...palaging ipinapakita ni jhonny ang nakabukang dibdib nito habang dinudukot ang puso saka pinipisil-pisil.

Bukod sa  napakaingay nila ay nakakadiri din..

"Umaru!!!Umaru!!!" sigaw ni james habang  patuloy na pinapakita ang luray-luray na katawan.

Kahit nakaheadset ako ay dinig na dinig ko ang napakaingay na sigawan at bidahan nila mica pero iniignore ko lang sila.

"Hoy Umaru! Kunwari ka pang di mo kami naririnig diyan!!! Pwede ba di ka magaling mag-artista!" mas lalo pang inilakas ni james ang sigaw niya na lalong nagpairita sa akin.

"Ano ba kayo? Kahit minsan naman patahimikin nyo yung buhay ko kahit 5 minutes lang ok?" pasigaw na wika ko na nagpatigil sa tawanan nilang apat.

Napansin ko rin na napatingin si mang juan at napangiti ng bahagya.

"Oh Umaru...kinakausap mo nanaman ang sarili mo." wika ni mang juan na patuloy paring nakangiti na parang nanunukso.

"Si mang juan talaga...Alam mo namang nakakita ako ng mga multo ehh" wika ko kay mang juan na napatawa din ng bahagya

Isang taon na ding alam  ni mang juan na nakakakita ako ng multo dahil noong unang araw pa lang niya sa trabaho sa amin ay sinabi na nila papa ang tungkol sa kakayahan ko...sa una ay medyo natakot siya sa akin dahil sa third eye ko pero di nagtagal ay nasanay na rin siya.

My boyfriend is a MONSTER!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon