Habang nakahiga ako sa aking kama ay may biglang bumagabag sa akin...
Totoo kaya yung sinabi ni papa tungkol sa nagkagusto sa aking halimaw?
Di kaya...yung nagparamdam sa akin na creature yung tinutukoy ni papa.
Sa mga sandaling ito ay nagtayuan na ang balahibo ko at unti-unti na ring bumibilis sa pagtibok ang puso ko dahil sa kaba.
Ilang oras na ang nakakalipas at di pa rin mabura sa isipan ko ang nakakakilabot na imahe ng nakita ko kanina.
Di mawala sa isipan ko ang napakalaki nitong bibig na halos kasing laki na ng isang tao at punong puno ito ng mga dugo at kung ano-ano pa... Saka ang nakakatakot na mga mata nito!
Sa sobrang takot ko ay nakatalukbong na ako ngayon ng kumot...hindi ko alam kung bakit ganito ang epekto sa akin ng bagay na iyon.
Sanay naman akong nakakakita ng mga nakakatakot na multo pero ganito ang epekto sa akin ng halimaw na iyon.
Habang nakatalukbong ako sa ilalim ng kumot ay may narinig akong kaluskos galing sa ilalim ng kama ko.
Maya-maya pa ay biglang umihip ng malakas. Kahit hindi ko nakikita ang nasa labas ay ramdam na ramdam ko ang pagpaypay ng kurtina sa bintana ng kwarto ko.
Lalo pa akong kinabahan sa mga nangyayari sa paligid ko.
Kaya napilitan akong tanggalin ang pagkakatalukbong at tumayo para isarado ang bintana, pero sa oras na tinanggal ko ang kumot na pinagtataguan ko ay nagulat ako sa nakita ko.
Nakasara naman ang mga bintana at walang hangin na umiihip, kahit ang kurtina ay hindi din pumapaypay.
Kung wala namang hangin eh ano yung mga naririnig ko kanina?
Di kaya...
Biglang may nagsalita galing sa likuran ko.
Pabulong ito kaya hindi ko maintindihan ang sinasabi pero alam kong boses ito ng isang lalaki...
Kahit kabado ay dahan-dahan akong lumingon sa likuran ko upang tignan kung sino ang nagsasalita.
Pero nang tuluyan na akong nakaharap sa likod ko ay wala naman akong nakita ngi anino.
Lumingon ako sa kanan...lumingon ako sa kaliwa...pero wala akong nakita.
Nagsalita ulit ang boses...
"Ahuwishajhajdvhw" hindi ko naiintindihan ang sinasabi nito pero mababakas sa bose ang tono ng pagkatakot at pagkasindak.
Sa pagkakataong ito ay napagtanto ko na ang boses ay nagmumula sa ilalim ng kama ko.
Lumapit ako sa kama at dahan-dahan kong iniyuyuko ang ulo ko upang tanawin kung ano ang nasa ilalim.
Pagsilip ko ay bumungad sa akin silang apat...ang apat na ghosties ko na nakadapa at nagtatago sa ilalim ng kama ko na tila may pinagtataguan.
"Mica! Jhonny! James! Lea! Ano ang ginagawa nyo diyan? Bakit bigla kayo..." hindi pa ako tapos magsalita nang bigla nila akong pigilan.
"Shhh...wag kang maingay Umaru, baka marinig ka niya!" sabay-sabay na bulong ng apat...bakas sa mga reaksyon nila ang labis na pagkatakot.
"Bakit??? Ano ba ang problema?" pabulong kong tanong sa kanila na may halong pagtataka.
"Nandiyan lang siya sa paligid...!" nanginginig na wika ni Mica na pinakatakot sa kanilang apat.
"Sino?!" gulong-gulo na ako... Hindi ko alam ang gagawin ko.
Natutuwa ako dahil nakita ko na ulit sila pero natatakot din ako dahil sa mga pinagsasasabi nilang nandiyan lang daw sya sa paligid. Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy nila pero alam kong may kakaiba sa bagay na iyon dahil ganoon nalang katakot ang mga kaibigan ko dahil sa kaniya.
BINABASA MO ANG
My boyfriend is a MONSTER!
Mystery / Thrillerthis is a story of a loner girl na nkabukas ang third eye. Dahil sa kakaibang katangian ni girl, pangkaraniwan na lang sa kanya ang makakita at makipag usap sa multo. Until one day, nakatagpo siya ng isang bagay na hindi pa niya nakikita sa talambuh...