Chapter 2: After 13 years

84 4 0
                                    

Lumipas ang 13 taon at napakadaming mga nangyari.

Ibat ibang klaseng mga multo ang nagpakita sa akin. Halos lahat sila ay nanghihingi ng tulong at kung hindi naman ay nanggugulo lang.

Minsan nga nagpunta kami ng pamilya ko sa isang lamay. Pagpasok ko sa pinto ay may nakasalubong akong gwapong lalaki.

For the first time in my entire life, ngayon lang ako nagkaroon ng crush.

Pero kahit nagwapuhan ako sa kanya ay hindi ko siya pinansin at patuloy pa rin sa paglalakad.

Nang makarating ako sa kabaong ay minabuti ko itong silipin at tumambad sa akin ang katawan ng isang binata.

At labis akong nagulat sa nakita ko, yung gwapong lalaking nakasalubong ko kanina ay siya rin palang patay na bibisitahin ko.

Kaya nilingon ko ulit ang pintuan upang tignan yung gwapong lalaki na nakita ko kanina at sa pagkakataong ito, nakita ko ang lalaki na duguan at wakwak ang tiyan.

Hindi ganun ang nakita ko kanina noong nakasalubong ko siya.

Nakakaloka naman toh! Minsan na nga lang akong magkacrush sa lalaki eh multo pa ang leche.

Pero move on na ako don, may bago na akong crush ngayon...

So , pagkatapos nun ay umuwi na rin kami.

Medyo nasanay na din ako na palaging nakakakita ng mga kakaibang bagay sa paligid ko dahil ikaw ba naman 4 years old ka pa lang hanggang ngayon na 17 kana hindi ka pa kaya masanay.

Eh yung iba nga diyan 1 year lang napasok sa relasyon kapag naghiwalay hindi na alam ang gagawin, nasanay na daw kase silang kasama sa mga bagay yung mga jowa nila pweh!!

Ano ba akala nila sa mga jowa nila, hangin? Ikamamatay nila pag nawala.

Siguro nagtataka kayo kung bakit ang bitter ko hanoh?

NBSB kase ako at proud ako don, para sa akin kase kapag pumasok ka sa relasyon ay yung siguradong mamahalin ka at mamahalin mo ng
pang-habangbuhay.

At sa kasamaang palad, hindi ko pa din natatagpuan ang lalaking iyon.

bakit ba ako napunta sa topic na yan?

So ito na nga, 1st year college na ako sa lincoln University.

I'm a loner person na walang kaibigan na tao sa school, Oo tao dahil lahat ng kaibigan ko ay mga ghost.

Si Lea na namatay noong 19 dahil narape, si James na namatay noong 15 siya dahil nasagasaan ng truck, si mica na 16 dahil naman sa ligaw na bala na tumama sa ulo niya, at ang huli, si jhonny na kaedaran ko noong namatay dahil naman sa pananaksak sa puso ng kanyang tita .

Gaya ng ibang mga multo na nakasalamuha ko, lahat sila ay nanghihingi ng tulong sa akin pero sa kasamaang palad ay hindi pa rin sila nakakakuha ng hustisya para sa pagkamatay nila.

Dahil sa matagal ko na din silang kasama, napalapit na din ang loob ko sa kanila kaya naman ngayon barkada na kami.

Kahit nakakatakot ang mga hitsura nila ay masaya akong nakikipagbonding sa kanila.

"Huy Umaru bumangon ka na!" wika ni mica na nakapuwesto ngayon sa ulunan ko.

Pagmulat ko ng mata ko ay tumambad agad sa harapan ko ang mukha ni mica, kasama na ang butas na ulo nito dahil sa tama ng bala.

Paano sila napunta sa kwarto ko? Ang mga multo kasi kapag nakahanap ng makakasalamuhang mortal ay ayaw nang tigilan kaya lahat ng barkada ko ay nakatira ngayon kasama namin sa bahay.

My boyfriend is a MONSTER!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon