chapter 6: where am I?

79 4 0
                                    

"Ano ba itong nangyayari sa akin?" tanong ko sa sarili ko habang nakatulala.

Ano ba kasing problema ng halimaw na iyon? Bakit kailangan pa niyang palayuin ang mga kaibigan ko?

Kung gusto nga niya ako ay hindi niya gagawin ang lahat ng ito! Hindi niya ilalayo sa akin ang mga mahal ko sa buhay!

Kahit na nalaman ko na hindi ko kasalanan ang pag-alis ng mga kaibigan ko ay hindi pa rin nabawasan ang kalungkutan sa loob ko...sa halip ay nadagdagan pa ng pagkalito at pagkatakot ang naramdaman ko.

Habang nakaupo ako sa kama ko ay nahagip ng mata ko ang isang itim na kandila sa sulok ng kwarto ko.

Sigurado akong hindi ako ang naglagay dahil aanhin ko naman ang kandila.

Pero saan kaya nanggaling ang kandila na ito? Imposible namang dalhin ito nila mama dito dahil may kuryente naman kami...ganun din si papa...

At base sa nakikita ko ngayon ay bago lamang ang kandila at hindi pa nasisindihan...

Pero paano ito napunta dito? Buhat nung nagising ako ay si mama lang ang nanggaling dito at wala nang iba!

Buhat din nang magising ako ay parang wala naman akong napapansin na kandila.

Maliban na lang kung...

Kung may ibang naglagay nito dito...

Hindi kaya sila Mica? Pero imposible din dahil sa sobrang takot nila sa gricket ay hindi na sila mag-aaksaya ng panahon para lang maglagay ng kandila.

Teka... Kung hindi si mama,hindi rin si papa, at hindi rin ang ghosties?

Isa na lang ang maaring gumawa nito....

Walang iba kundi ang gricket!!!

Sa oras na mapagtanto ko na ang gricket nga ang naglagay ng kandila ay naramdaman ko na lang na unti-unti nanamang bumibilis ang tibok ng puso ko pati na ang balahibo ko ay unti-unti na ring nagtatayuan.

Tinititigan kong mabuti ang kandila...napansin ko ang kakaibang disenyo na nakukit dito...

Pero dahil sa medyo malayo ang kama ko sa kinaroroonan ng kandila ay hindi ko makita ng malinaw ang nakaukit sa kandila kaya naman minabuti ko nang lapitan ang kandila..

Nang makarating ako sa direksyon ng kandila ay agad ko itong pinulot...

Tinignan ko nang maigi ang kandila at ang imaheng nakaukit dito...

Hindi ko inaasahan ang aking nakita...

Nakaukit sa kandila ang mukha ko...sa buong paligid ng kandila ay nakaukit ang mukha ko...

Kuhang kuha ang bawat anggulo ng mukha ko, ultimo mata, ilong, bibig at pati na rin ang buhok...

Sa kalagitnaan ng pagtitig ko sa kandila ay bigla itong sumindi!

Ngunit hindi tulad ng karaniwang kandila,
Ang kulay ng apoy na nakasindi ay kulay pula...

Pati ang usok nito ay kulay pula din...maya-maya pa ay di ko sinasadyang nalanghap ang usok na nanggagaling sa kandila...

Sa oras na pumasok sa katawan ko ang usok ay bigla na lang nag-iba ang pakiramdam ko...

Parang lumulutang ang isip ko...

Unti-unti akong nahihilo...

Ang paningin ko ay unti-unti ring lumalabo, dumidilim hanggang sa tuluyan nang nablangko ang aking isipan...

Ilang saglit pa'y pakiramdam ko na para akong bumabagsak sa napakataas na building...

Nang napakurap ako ay biglang nagbago ang lahat ng nasa paligid ko...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 18, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My boyfriend is a MONSTER!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon