Im Umaru Candra, 17 na ako ngayon at kasalukuyang 1st year college student sa Lincoln University.
After 13 years, ay napakadaming kakaibang bagay ang nangyari sa akin.
Naaalala ko pa noong 4 years old ako, noong inapoy ako ng lagnat at dinala ako sa albolaryo ni papa.
Sa pagkakatanda ko ay mga 3 days bago ako bago tuluyang gumaling sa tulong ng mga orasyon na ginawa sa akin ng albolaryo.
Pero ang hindi ko alam ay ang kapalit pala ng pagkagaling ko sa lagnat ay isang kakaibang kakayahan.
Aksidenteng palang nabuksan ng albularyo ang third eye ko!
Dahil sa pangyayaring iyon ay nagsimula ang nakakapangilabot na pangyayari sa buhay ko.
So, 4 years old ako nang una akong makakita ng multo.
Tandang tanda ko pa sa isipan ko ang itsura ni benny.
Nakilala ko sa loob cr sa amin.
Minsan habang umiihi ako ay naramdaman kong may bumubulong sa akin.
Habang nakaupo ako sa inidoro ay naramdaman ko ang tila may bumubulong sa kanang tenga ko, kaya agad akong lumingon sa direksyon na iyon.
At sa paglingon ko ay tumambad sa akin
Ang isang bata na sa palagay ko ay kasing edad ko lang nung mga oras na iyon.Nakapuwesto ito sa bath tub sa cr namin.
Mapayat lamang ang bata. Wala siyang saplot at nakalobo ang kaniyang tiyan.
Mapula ang mata nito at inuuod ang bibig.Dahil bata pa ako nun ay wala pa akong alam sa mga multo.
"Bata, anong ginagawa mo dito sa cr namin?" tanong ko sa kanya nang walang halong takot dahil hindi ko pa naman alam ang tungkol sa kanila.
"Ikaw...ikaw dapat ang ta..ta..tatanungin ko kung..kung..bakit ka nandito sa bahay namin? " nauutal at nanginginig na tinig ng bata habang nakatitig ang mga pula nitong mata sa akin nang walang anu-ano'y...
"Lumayas kayo dito!!!" biglang sumigaw ang bata at sa pagsigaw niyang iyon ay naglabasan ang mga uod sa bibig nito.
Kitang kita ko na unti-unting nalalaglag sa sahing ng cr namin ang mga uod na nanggaling sa bibig niya.
Sobra akong nagulat, dahilan ng pagtili ko ng napakalakas.
Walang humpay ang pagtili ko dahil nakita. Maya-maya pa ay biglang bumukas ang pinto ng cr at pumasok si papa.
"Anong nangyari Umaru? Bakit ka sumisigaw?" mabilis na tanong ni papa na hihingal-hingal dahil sa pagtakbo. Paano ba naman kase ay halos magkandarapa siya para lang mapuntahan ako.
"Papa, tignan mo siya oh!pinapalayas tayo dito sa bahay daw nila! Diba papa bahay po natin ito?" mahinahon kong banggit habang nakaturo sa direksyon
kung saan naroroon yung bata."Sino? Anak, sinong nagpapalayas sa atin dito?" bakas sa mukha ni papa ang labis na pagkabigla at pagtataka.
"Siya po oh...ska po nagdumi pa po siya sa sahig ng mga maliliit na creatures papa!" wika ko habang nakaturo naman sa sahig kung saan naroroon ang mga uod na nanggaling sa bibig ng bata.
"Nasaan?" tanong ni papa na sa mga oras na iyon ay may suspetsiya na may kakaibang nangyayari sa akin. Kaya dali dali nanaman siyang tumawag ng albularyo at pinapunta sa bahay namin upang tignan kung ano ang nangyayari sa akin.
Kinabukasan ay dumating na ang albularyo sa bahay namin. Dala ang kung ano-anong mga gamit para daw maitaboya ang masamang ispiritu.
Habang naglalaro ako sa sala ay may biglang nagdoorbell. Agad namang nagtungo si papa upang tignan kung sino iyon.
BINABASA MO ANG
My boyfriend is a MONSTER!
Mystery / Thrillerthis is a story of a loner girl na nkabukas ang third eye. Dahil sa kakaibang katangian ni girl, pangkaraniwan na lang sa kanya ang makakita at makipag usap sa multo. Until one day, nakatagpo siya ng isang bagay na hindi pa niya nakikita sa talambuh...