CHAPTER 1

23.6K 645 140
                                    

Papungas pungas akong bumangon sa kama ko at inaantok na nag lakad palabas ng kwarto. Nauntog ako sa pader dahil nawalan ako ng balance sa katawan.

Fuck! Ang sakit ng noo ko!

"Ninong Lan! Ninong Lan? Open this goddamn door!" Napakamot ako ng noo at bumaba sa hagdan. Sa sobrang lakas ng boses ni Acien ay umabot sa ikalawang palapag ng bahay ko.

Pag bukas ko ng pinto ay natamaan ulit ang noo ko kaya napapikit ako at umatras dahil sa sakit,

"Ops! Sorry Ninong Lan!" Huminga ako ng malalim at hinayaan si Acien na tumakbo papunta sa kusina. Hinayaan kong bukas ang pinto ng bahay at sunod namang pumasok ay ang anak ni Baxter na si Brandon, 4 years old na ito.

"Brandon, sobrang aga ah! Pagala gala ka agad dito, paano ka nakarating dito? Sino ang kasama mo?" Ngumuso lang ito at nag lakad papunta sa kusina, natawa pa ako kasi nakasando lang si Brandon at bakadiaper lang sa pangibaba

"Monin nong Lan!" Sunod sunod ang takbo ng triplets nila Noe at Faith sa kusina kaya pumikit ako ng mariin.

Mga walanghiya kayo weirdos! Mga anak niyo nasa bahay ko lagi nakikigulo!

"Kids! Dahan dahan diyan sa kusina! Ilang gamit na ang nabasag niyo!" Kakasabi ko lang pero nakarinig agad ako ng nahulog na mga kutsara at kung ano pa sa kusina.

"Lucifer! Remind me to kill my friends!" Ginulo ko ang buhok ko at nag lakad papunta sa kusina, kakapasok ko palang ay may naapakan akong balat ng saging kaya natumba ako,

Ang sakit.

Narinig kong nag tawanan ang mga bata na kumakain ng cookies at puno ng flour ang sahig ng kusina ko. Ang ending nag mukha akong babaeng nasobrahan sa pulbo. Mga pasaway na bata.

"Bye Ninong Lan! Let's go boys!" sabi ni Acien at nag lakad na sila, dinaanan pa talaga ang likod ko at tinawanan ako bago lumabas ng bahay.

"Isusumbong ko kayo kay Barbie, binu-bully niyo akong mga bata kayo" Para akong baliw na kinakausap ang sarili ko at nag lakad na pabalik sa sala para tumawag ng mag lilinis sa kusina ko,

"Oh, weirdo. Hindi ko alam na mahilig ka sa harina" Sumama ang tingin ko kay Victor

"Not now Victor! Sobrang aga mambulabog ng mga batang hamog na yun! Nagulo na naman kusina ko nanguha pa ng cookies!" Malakas na natawa si Victor sa sinabi ko,

"Mag asawa ka na kasi Lan" Hindi ko na siya pinakinggan at tumawag na ng maglilinis.

Bumalik ako sa kwarto at kumuha ng tuwalya tsaka ko kinuha sa kama si Barbie at pumasok sa banyo.

Hinubad ko ang damit ni Barbie at tinapat siya sa gripo, seryoso ako sa paglilinis kay barbie ng may maalala ako.

"Death anniversary ni Barbie ngayon" Sabi ko at mabilis na tinapos ang paligo kay Barbie at ako naman ang nag shower.

Bago ako mag bihis ay inuna kong bihisan ng itim na gown si Barbie na pinagawa ko pa kay Aimee, nag bihis ako ng itim na long sleeve at kinuha ang susi ng kotse ko.

Hawak ko si Barbie pag labas ng bahay at nakita ko naman si Joseph at pinapaarawan ang bunso niya,

"Lan, saan pupunta?" Pinatunog ko ang kotse ko at nilingon si Joseph,

"Sa Alegria, may aasikasohin lang" Tumango naman siya kaya pumasok na ako sa kotse at pinaupo ko si Barbie sa tabi kong upoan.

Maingat akong nag drive papunta sa Lee Airlines dahil nandoon ang private plane ko na ginagamit ko tuwing uuwi ako ng Alegria,

Sinalubong ako ng emoleyado ni Jin at binigay ko naman ang susi ng kotse ko para maitago niya.

Hawak si Barbie ay napapalingon ang mga tao sa akin lalo na ang mga babae at naririnig ko ang bulongan ng iba nang dumaan ako,

"Bakla ba siya?"

"Sayang naman, ang gwapo niya"

"Mga gawapo ngayon karamihan bakla"

"Ang yummy niya kaso bakla"

Hindi ko na pinansin, sanay na ako sa mga mapang-husga na mata ng tao.

Pumasok ako sa private plane ko at nag seat belt ready for take off.

Isang oras ang hinintay ko bago ako makarating sa Surigao at sumalubong naman agad ang driver namin sa Alegria gamit ang limousine ni Dad,

"Good morning sir, welcome back to Surigao" Ngumiti ako at tumango

"Thank you" Pinagbuksan naman agad ako at tahimik lang buong byahe habang hawak ko pa rin si Barbie na nasa kandungan ko ngayon.

Habang bumabyahe kami ay hindi ko mapigilan na magbalik tanaw sa malungkot kong nakaraan.

Way back in my fourteen days, I fell in love with a six year old girl. Weird and funny but it's true. I loved her more than friends.

Natigil ako sa pag iisip dahol tumigil ang sasakyan sa isang daan na papunta sa malaking puno na tapoan namin ni Barbie noon.

Lumabas ako sa sasakyan at napatingin sa kalsada kung saan ko naabotan noon na dugoan si Barbie, nag simula akong mag lakad papunta sa malaking puno.

Sobrang tanda na ng puno na ito pero nakatayo pa rin at parang may hinihintay. Just like me, it's been a long time since the day I confirmed that she died that day when I left for England. But I'm still hoping and waiting for her, longing and missing.

Umupo ako sa ugat ng puno at nilapag si Barbie sa tabi, tinignan ko ang pinakamalaking ugat na nakausling at nandoon pa rin ang inukit namin ni Barbie.

'Ken and Barbie forever and ever' iyan ang nakaukit sa ugat at pumikit ako.

Nag babalik tanaw sa mga alaalang sandili lang naging akin ang batang babae.

Ligaya Camille

"Okay! Pose! open your legs wider and look at your right like you're seducing someone!" Sinunod ko ang utos ng photographer, nakaluhod ako ngayon sa telang sapin sa buhangin.

Nandito kami sa isang beach sa California para sa isang magazine kung saan ako ang cover girl,

"Perfect! Another pose! Raise your hands and point at your right side! bend your hips!" Sinunuod ko ulit siya at ilang shots pa ang kinuha bago kami natapos,

"As usual bebe girl! Ang galing galing mo!" Nailing ako sa bakla kong manger at tinanggap ang nilahad niyang roba para sakin.

Nakabikini lang kasi ako, lumapit sa akin ang galing America na photographer at pinakita ang mga kuha kanina, aminado akong maganda ang pagkakakuha ng litrato.

"Congratulations Camille!" Nakipagkamay ako sa kanya at nag paalam na ito dahil mag eedit pa siya ng pictures,

"At dahil magaling ang pinakita mo sa dalawang taon ay aprobado na ang leave mo for five months! You're going home to Philippines Camille!"

#Camille
#Lan
Ito ang last post ko para kay Lelantos sa ngayon. Kung mapapasin niyo ay nag take ng time si Lelantos two years after. So Pag pinagpatuloy ko to ay pwede kayong maspioled sa kwento ni Nyle kaya focus muna tayo sa TS 11.

Tiger 12: Lelantos BeckhamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon