Lelantos
Tinungga ko ang isang basong inumin at tinignan ang taong kaharap ko ngayon, ang manager ni Ligaya. Tinawagan ko siya kanina matapos umalis ni Ligaya.
"Tsk tsk tsk." Iyan lang ang lumabas sa bibig at niya at umiling. Yumuko at hinawakan ang ulo dahil sa hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Hindi ko alam na magkapatid sila. Hindi Legaspe ang family name ni Ligaya." Sabi ko at tumungga ulit ng alak.
"Hmm, sabihin na nating hindi mo kasalanan kasi hindi mo naman alam. Pero kasi, alam kong hindi maayos si Camille ngayon." Nagangat ako ng tingin sa manager niya.
"What do you mean?" Kinuha niya ang bote ng alak at nagsalin sa baso niya, tsaka ako tinignan.
"She's been suffering because of the tragic history. Nakita ni Camille kung paano namatay si Camilla sa harapan niya mismo. Take note, she's just a young child at that time." Yumuko ulit ako at hinayaan na magsalita ang manager ni Ligaya.
"Camille's heart is weak, dahil sa nakita niya ay nagtrigger iyon para atakihin siya. The doctor failed to save Camilla, and decided to transfer her heart to Camille. It was a miracle that the heart is compatible to Camille's." pagpapatuloy niya.
"After that, her dad found out. Naging masama na ang trato sa kanya ng tatay niya. I mean, dati ng masama ang trato niya kay Camille dahil hindi niya ito totoong anak. Pero mas lumala noong namatay si Camilla." May inilapag siyang papel sa mesa kaya tinignan ko iyon.
"Address iyan ng bahay nila Camille. She needs you Mr.Beckham. Camille needs you." Kinuha ko ang papel at tumayo na agad siya.
"I have to go, hindi ako nagpaalam sa boyfriend ko na lalabas ako." Ngumiti siya at nagsimula na maglakad.
Mga ilang minuto pa lang ay napagpasyahan konf tumayo na para umuwi. Bukas ko pupuntahan si Camille sa bahay nila. I'm drunk, I can't face her like this.
Pumasok ako sa sasakyan at nagsimula ng magmaneho. Habang nakatingin sa daan ay nakita ko ang isang kotse na nakatingil sa gilid ng mahabang tulay.
Nagdahan-dahan ako ng takbo dahil baka nagaabang to ng mga kotse at manghuli. Kunot noo kong tinignan ang tayo sa gilid ng tulay. Ganoon nalang ang kabang naramdaman ko nang makilala ko kung sino iyon.
"Shit shit shit shit!" Mabilis kong itinigil ang kotse ko at nagmadaling lumabas. Tinakbo ko ang pagitan namin at niyakap siya mula sa likoran sabay hatak palayo sa tulay.
"Ah! Let me go! Who are you!" Ibinaba ko siya at hinila paharap sa akn, tsaka lang siya natigil.
"Ligaya! What are you doing?! What's this?" Biglang naglabasan ang mga luha sa mga mata niya. Biglang bumigat ang pakiramdam ko sa dibdib. Parang nasasaktan din ako dahil nakikita ko siyanf umiiyak.
"Please Lan, just let me die. Dad will appreciate me like what he did to Camilla. Mom will accept me as her daugther, and you will love me like how you love Camilla." Pumikit ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko. It pains me seeing Ligaya like this.
She used to be a happy person, silly and lovely, but the Ligaya that I'm facing right now is her hidden feelings. She was holding this pain for so long.
"Ligaya, listen to me. I was in love with your sister. That was before, so many years have passed Ligaya. She's gone, don't compare yourself to her." Pinunasan ko ang mga luha niya, umiling siya sa akin at pilit na inaalis ang mga kamay ko sa pisnge niya.
"She's the reason why you love Barbie right? She's the reason why you're like that. She changed you, what am I?" Hinila ko siya papalapit sa akin at hinalikan siya sa mga labi niya.
BINABASA MO ANG
Tiger 12: Lelantos Beckham
General FictionWARNING: SPG R-18 NOT SUITABLE FOR YOUNG AND CLOSE MINDED READERS Book Cover by: @sailerstories Lelantos Beckham is weirdest among all of Tigers, he always have Barbie doll when he aged fourteen until now. He always got this hope and he long for so...