Ligaya Camille
Naalimpungatan ako dahil naramdaman kong may humalik sa noo ko. Pag mulat ko ng mata ay nakita ko si Lelantos na nakangiti. Tsaka ko lang naalala ang nangyari kagabi kaya mabilis kong tinakpan ang mukha ko, gamit ang kumot.
"What? You're shy now?" Nag iwas ako ng tingin. Feeling ko lalagnatin ako sa sobrang init ng mga pisnge ko. Hindi ako makatingin sa kanya ng deretso.
"Wala kang trabaho?" Awkward kong tanong dahil bigla siyang nanahimik.
"Meron, mamaya pa ako papasok. Kahit late ako hndi malulugi ang mga hotel ko." Tumayo siya at may kinuha sa ibabaw ng bedside table. Almusal, siguro ay maaga siyang nagising para gawin iyan dahil wala naman siyang katulong.
"Babalik kana daw ng England bukas." Nabaling ang tingin ko sa kanya, napaayos ako ng upo at inalis ang pagkakatakip ng kumot sa mukha ko.
"Binasa mo ang text ng manager ko?" Umiling siya at binigay sa akin ang gawa niyang almusal, tinggap ko naman.
"Tumawag kanina, madaling araw. Marami ng missed call kaya sinagot ko." Nagsimula akong kainin ang almusal na ibinigay niya. Pero paminsan-minsan ay hindi ko maiwasan na makaramdam ng sakit sa ibaba ko.
"Papasok na ako sa trabaho, magpahinga ka muna dito." Tinignan ko siyang umalis ng kwarto. Ako lang ba? O biglang nanlamig si Lelantos sa akin? Dahil ba sa nangyari?
Hindi ko alam, pero nasasaktan ako sa mga iniisip ko. Matapos kong mag almusal ay tumayo ako sa kama kahit masakit pa ang ibaba ko. Pinilit kong kumilos at naligo.
Dahil wala akong magawa sa bahay ni Lelantos, nilinis ko ang iilang kalat sa kwarto niya at naisipan kong magluto ng hapunan. Pero, dumating ang hating gabi ay wala pa rin siya.
Bigla akong nanlumu at tinignan ang nakahain na dapat ay hapunan namin. Huminga ako ng malalim at nagsimula nalang kumain magisa.
Nalulungkot ako, nasasaktan at pakiramdam ko ano mang oras tutulo na luha ko. Bago pa lang ako sa emosyon na ganito. Iyong grabe ang sakit kahit na wala namang ginagawang masama si Lelantos.
Habang kumakain ako ay inisip ko nalang na baka maraming ginagawa si Lelantos sa opisina niya dahil galing siyang Alegria.
Matapos kong kumain ay nagligpit ako ng pinangkainan at naghugas. Bumalik ako ng kwarto at inayos ang mga gamit na dadalhin ko bukas pabalik ng England.
Matamlay akong humiga sa kama ni Lelantos, hindi ako inaantok. Biglang may lumabas na luha sa mga mata ko, I wipped my tears away quickly and covered my face using the sheets in Lelantos' bed.
Ahh.. I can smell Lelantos' scent in his sheets. Feels like Lelantos is embracing me, saying 'It's alright. I'm here.'
Dumating ang madaling araw nang magising ako dahil sa isang tawag.
"Yes?" Antok na antok kong sagot sa phone.
"Camille? Susko naman! Wake up! We are going to be late! Maaga ang flight natin!" Nabingi ako sa boses ng manager ko. Wala akong ibang magawa dahil sa boses pa lang niya ay mukhang kakain na ng tao.
"Fine, fine. Mag aayos lang ako." Pinatay ko agad ang tawag at nagmadaling inayos ang sarili. Nang papalabas na ako ng bahay ni Lelantos ay natigilan ako.
Hindi umuwi si Lelantos sa bahay niya. Dahil kaya sa akin? Ayaw niya akong makita kaya hindi siya umuwi ng bahay? Talaga bang ganoon nalang karami ang ginagawa niya sa office at hindi niya magawang umuwi?
Umiling ako at inalis ang mga tanong na iyon sa utak ko. Sinarado ko ang pinto at gate ng bahay ni Lelantos at naglakad na papunta sa gate. Siguradong sila makapasok ang manager ko dahil hindi nakalista ang pangalan niya sa guard.
"My god Camille! Akala ko maninigas na ako sa kakahintay sayo." Salubong sa akin ng manager ko at pinagbuksan ako ng pinto sa taxing naghihintay sa amin.
"Sorry, natagalan lang ako sa pagaayos." Sabi ko at pumasok na sa loob ng taxi.
Habang nasa byahe kami ay hindi pa rin mawala sa isip ko si Lelantos. Mula byahe at hanggang sa makalapag ang sinasakyan naming eroplano.
"Hoy Camille. Akala mo ba hindi kita napapansin? Anong nangyari sayo?" Matamlay kong tinignan ang manager ko at umiling sa kanya.
"Ha?! My god Camille. You can't be like this! Magpopose ka para sa isang hot magazine tapos tatamlay ka? Ang panget! Tigilan mo 'yan!" Pinilit ko nalang ngumiti sa kanya para ipakitang ayos lang ako.
Nang makarating kami sa hotel ay wala akong sinayang na oras at natulog nalang. Masyado kong iniisip si Lelantos kaya hindi ako nakatulog sa mahabang byahe na iyon.
Lelantos
Kunot noo akong nagbabasa ng mga papelis sa loob ng office ko. Kahit anong gawin kong focus ay hindi ko magawa. I'm thinking of Ligaya too much that I can't read any of these fucking paper.
Sumandal ako sa upuan ko nang may kumatok sa pinto, pumasok ang office secretary ko at may dala itong bagong mga papelis.
Seriously? Can I take a break?
"Sir, may meeting po kayo with Mr.Santos at 4pm sa Menoitios Restaurand po." Tinignan ko ang relos ko at nakitang malapit na ang oras. Tumayo agad ako at naglakad palabas ng office.
Fuck papers! This is why I hate working.
Pagdating ko sa Restaurant ni Noe ay nakita ko siyang nasa counter kaya doon ako dumeretso.
"Lan, may meeting ka?" Binigyan niya agad ako ng upuan at tinanggap ko naman.
"Yeah, you know. Nagpapayaman ako." Natawa si Lelantos at nawala din iyon dahil bigla niya akong tinignan ng mapanuri.
"Pansin ko lang, mukhang hindi ko na yata nakikita si Barbie simula pa noong nakaraang taon?" Ah yeah. Barbie. Huminga ako malalim at tinignan ang labas ng restaurant. It's raining outside.
"I didn't stop looking for her." Sabi ko nalang.
"You mean, the real barbie? The girl?" Tanong ni Noe at dahan-dahan akong tumango.
"But then, last year. I was not happy when I found out that the girl I met when I was fourteen years old was already dead." Bigla akong nakaramdam ng panghihinayang, lungkot at pagkabigo.
"Well, that's life. Hindi natin masasabi kung kailan tayo mawawala sa mundo. You should be happy for her." Tinignan ko si Noe dahil sa sinabi niya.
"You should be happy, because she's not here anymore to suffer in this cruel world."
Ligaya Camille
It's been a week. Naging busy ako sa pictorial para sa isang hot magazine. Pero kahit isang linggo na ang nakalipas ay hindi pa rin mawala sa isip ko si Lelantos.
"Okay, let's take a break guys." Nagpakawala ako ng malalim na paghinga at naglakad na papunta sa manager ko.
"Camille, what happened to you? Hindi ka naman ganito dati ah. One, two or three click then you're done. What happened?" Hindi ako sumagot at kinuha ang phone ko sa bag.
"Really Camille? Can't you hear me?" Tinignan ko ang manager ko at ngumiti.
"I'm fine, I'll be fine. I just need a fresh air." Umalis na agad ako at tinawagan si ate Fyonna through video call.
"Ligaya, what's up?" Umupo ako sa bench na malapit lang sa area kung saan kami nakabase.
"Ate Fyonna, may balita kaba kay Lelantos?" Walang pagdadalawang isip kong tanong. Mukhang natigilan si ate Fyonna pero agad din namang nakabawi.
"Ang alam ko may business trip siya eh. Tsaka nitong mga nakaraang araw, lagi siyang busy. Hindi mahagilap dito sa village." Tumango at ngumiti ako kay ate Fyonna.
Marami kaming napagusapan dahil hindi agad ako nagpaalam. Ayaw kong mapansin si ate Fyonna na si Lelantos lang ang pakay ko kaya ako napatawag.
So, he's busy with work. Siguro ay wala lang talaga sa kanya ang nangyari sa amin. Maybe, I was thinking too much. Too much that it hurts.
#TooMuchThatItHurts
"You should be happy, because she's not here anymore to suffer in this cruel world" -Manoetius Menoitios
BINABASA MO ANG
Tiger 12: Lelantos Beckham
General FictionWARNING: SPG R-18 NOT SUITABLE FOR YOUNG AND CLOSE MINDED READERS Book Cover by: @sailerstories Lelantos Beckham is weirdest among all of Tigers, he always have Barbie doll when he aged fourteen until now. He always got this hope and he long for so...