CHAPTER 3

10.9K 340 11
                                    

Ligaya Camille

Nagising ako dahil sa lamig, iginala ko ang tingin sa buong kwarto. Mabilis akong umupo sa kama dahil hindi ko kwarto ang nakita ko.

"Ligaya, madaling araw pa." Nabaling ang tingin ko sa lalaking nakaupo sa sofa at nakaharap sa laptop. Si Lelantos pala. Ngayon ko lang naalala na nakatulog ako sa kotse niya.

"Baka hinahanap na ako ng manager ko." Sinubukan kong tumayo pero natigil ako dahil tumayo si Lelantos at lumapit sa akin. Pinahiga niya ako sa kama at inayos ang kumot sa akin.

"Tinawagan ko na ang manager mo, sinabi ko din na sabay tayong pupunta ng manila bukas. Invited ka sa party ni Baxter." Oh, nakalimutan kong tinawagan ako ni ate Fyonna at inimbetahan sa isang party.

"But, I don't have a date." Sabi ko. Umupo si Lelantos sa gilid ng kama. Inayos niya ang buhok kong nakatakip sa bandang mata ko at ngumiti siya.

"I'll be your date, so sleep now. Maaga pa tayo bukas." Parang mahika ang salitang iyon ni Lelantos at bigla nalang akong dinalaw ng antok, hanggang sa makatulog ako.

———

Sapo ang ulo ko, bumangon ako mula sa kama at tinignan ang paligid ng kwarto. Wala si Lelantos, nakita kong may papel sa mesang malapit sa kama kaya kinuha ko iyon at binasa.

May damit na nakahanda para sayo, nasa sofa. Bumaba ka agad para kumain.

                                            -L. Beckham

Mabilis akong tumayo at naglakad papunta sa sofa. Nakita ko doon ang isang pink dress. Napangiti ako dahil paborito ang kulay pink na dress. I feel like, I'm a barbie doll when I'm wearing a pink dress.

Nakangiti akong pumasok sa banyo ni Lelantos at naligo, napansin ko na ang mga gamit ni Lelantos sa banyo ay puro bago. Siguro ay matagal siyang nakakauwi dito sa Alegria kaya lahat ng gamit ay bago.

Matapos kong maligo ay isinuot ko ang pink dress at puting doll shoes na suot ko kahapon. Tinignan ko ang sarili sa salamin bago bumaba para makita si Lelantos.

Dahan-dahan akong naglakad pababa, nakita ko si Lelantos na nakatayo sa dulo ng hagdan pero nakatalikod siya sa akin.

"Lan?" Nang tumingin siya sa akin at humarap, nakita kong may hawak siyang isang tangkay ng pink rose.

"Hindi kita inaya ng maayos." Lumapit ako kanya at tinanggap ang rose. Hinawakan niya ang kamay ko at dinala iyon sa mga labi niya, hinalikan niya ang likod ng palad ko at ngumiti.

"Please, be my date." Hindi ko mapigilan ang ngiti ko at tumango sa kanya. Hinila niya ako papunta sa kusina, naabutan namin doon ang dalawang matanda. Babae at lalake, ito yata ang mga magulang ni Lelantos.

"Good morning po." Bati ko sa kanila. Isang mainit na ngiti ang natanggap ko mula sa mama ni Lelantos at tango naman sa ama niya.

Nabaling ang tingin ko sa isang lalake na nakatayo malapit sa isang upuan. Hindi ko kilala kung sino siya kaya yumuko nalang ako at ngumiti sa kanya para bumati.

"Umupo na kayo, may flight pa naman kayo ngayong umaga." Pinaghila ako ni Lelantos ng upuan, umupo ako doon at siya naman ay sa tabi ko.

"Pasensya na pala hija, wala kaming guest room dito sa bahay. Sa kwarto ka tuloy ni Lelantos natulog." Umiling ako sa mama ni Lelantos.

"Ayos lang po, nakatulog po ako ng mahimbing. Nagaalala ako kay Lelantos kung saan siya nakatulog." Tinignan ko si Lelantos para hintayin ang sagot niya.

"Sa sofa, doon sa kwarto. May kumot naman ako at unan." Sabi niya at nilagyan ng pagkain ang pinggan ko.

"Thanks." Tumango lang siya at nagpatuloy na kami sa pagkain.

Pagkatapos ng breakfast ay ibinaba ni Lelantos ang mga dadalhin niya at tuloyan na kaming nagpaalam sa parents niya.

Nasa loob kami ng kotse papuntang airport ng Surigao City, biglang tinapik ni Lelantos ang balikat ko kaya tinignan ko siya.

"Saan ka tutuloy pagdating natin doon? Kay ate Fyonna mo ba?" Bigla akong natigilan dahil nakalimutan kong wala pa pala akong bahay na tutuloyan doon.

Nasabi sa akin ni ate Fyonna na pinapalakihan nila ang bahay dahil iyon ang gusto ni kuya Jin. Masikip daw kasi lalo na't malikot ang kambal.

"Mag stop nalang ako sa Beckham hotel pagdating natin doon. Pinapaayos nila ate Fyonna ang bahay nila kaya walang extra room." Inilabas ni Lelantos ang phone niya. Parang may tinitignan siya doon.

"Summer ngayon. Pag ganitong summer ay walang bakanteng room sa hotel ko na malapit sa village namin." Pinakita niya sa akin ang screen ng phone niya. Nakita ko doon ang status ng Beckham hotel na malapit sa Tiger's Village. Wala ngang bakante.

"Makikituloy nalang siguro ako sa kakilala ko doon." Nilabas ko ang phone ko para tumawag ng kaibigan pero agad na nagsalita si Lelantos.

"Sa bahay ka tumuloy. Doon muna ako kay Isaac. I'll give you my key later." Kokontra pa sana ko pero hindi ko na naituloy dahil dumating na kami sa airport.

Bago lumabas sa kotse ay sinuot ko ang shades ko at mask. I'm a model kaya kailangan walang makakita sa akin, lalo na at may kasama akong lalake. Malaking issue ito kung sakali.

Maayos kaming nakasakay sa airplane pero hindi ko pa rin tinatanggal ang mask ko. Iyong shades lang dahil nasa gilid naman ako.

"This is why I don't want to be a famous person. Wala akong freedom." Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa sinabi niya.

"Mr. Lelantos Beckham. A famous person who owns the Beckham Hotel. Placed as number four for the most handsome man around the world. How can you even live your life?" Tumawa lang siya sa sinabi ko. Mukhang natutuwa siyang alam ko ang tungkol sa kanya.

"Ligaya, those articles are exagerated. I'm just a normal person who owns the Beckham Hotel. Nothing else." Umiling nalang ako at naisipang itulog ang kaonting inis na nararamdaman ko sa kanya.

Nang magising ako ay saktong palanding na ang sinasakyan naming eroplano sa Lee Airlines. Sinuot ko agad ang shades ko at sabay kami ni Lelantos na lumabas.

Malayo pa lang ay tanaw ko na si kuya Jin, nakapayong siya at nakasimangot pa. Gusto kontuloy matawa.

"Alam mo Lan sa dami namin na kaibigan mo, ako pa ang napili mong pistehin. Lalabas kana lang ng eroplano gusto mo pa mag payong. Pakain ko sayo tong payong ko." Tumawa si Lelantos at kinuha ang payong na hawak ni kuya Jin at ibinigay ito sa akin kaya tinanggap ko naman.

"Sino ba nagsabi na ako magpapayong? Kay Ligaya ko ibibigay. Weirdo." Ngumiti si kuya Jin sa akin at pasimple namang sinipa si Lelantos.

"Ligaya! Nagugutom kana siguro. Sa bahay ka muna dumeretso, papakainin ka ni ate Fyonna mo." Naglakad na kaming dalawa ni kuya Jin at sumunod naman si Lelantos.

"Seriously Jin, who's your friend here? Hindi mo ba ako tatanungin kung gutom ako?" Huminto si kuya Jin at tinignan si Lelantos.

"Lan alam kong marunong ka magluto kaya umuwi kana lang sa bahay mo. Si Ligaya ka?" Umiling-iling si kuya Jin at nagpatuloy ulit sa paglalakad.

"Lan, marunong ka magluto diba? Sa bahay mo nalang ako kakain." Biglang lumapad ang ngiti ni Lelantos kaya natawa ako.

"Kahit ako pa kainin mo."

"What?"

"Nothing, sabi ko magmadali na tayo. Gutom na ako."

Tiger 12: Lelantos BeckhamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon