Chapter 1 (TRANSFER MOOD)

928 26 4
                                    

Kc's P.O.V

"Magtatransfer ka sa ayaw at sa gusto mo." sabi ni daddy sa akin na seryoso.

"But dad---" hindi ko na natuloy kasi biglang nagsalita ulit siya.

"Kc anak. Alam mong ayaw ko rin lumipat kaso yun ang hulung habilin ng mommy mo bago siya pumanaw." sabi ni dad. Ang seryosong mukha ni daddy kanina ay biglang napalitan ng lungkot. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko si daddy.

"Daddy, alam ko naman po yun, pero last year na po ito ee. Magfo-fourth year na ako" sabi ko.

"Pero anak, lilipat din ako ng company, mas mabuti narin na magkasama tayo para mabantayan kita." sabi ni daddy.

Hmm. Napag-isip-isip ko din na tama naman si daddy kaya sinunud ko nalang siya.

--------

(kinabukasan)

*riiiiiiiiiiiiiiiiiingggggggggg*

"Aray ko naman , ang saket sa tenga !!" sabi ko sa sarili ko habang padabog na pinatay yung alarm clock.

Bumangon ako agad at pumunta sa dining room . Andun na si dad.

"hai dad, good morning." sabi ko then kiniss ko siya sa cheeks.

"Uhm good morning my princess" sabi ni dad . Aww

"Dad saan po kayo pupunta? Bat po nakabihis kayo?" tanong ko.

"I'll get my papers on my company , and you too. Get your card and form 1-37 in your school." hmm. kala ko nakalimutan na niya , di pa pala -_-

"ok po. Ahm dad. Ihahatid niyo po ba ako or sa driver nalang po ?" tanong ko.

"Ako nalang maghahatid sayo para makuha mo agad ang papers mo." sabi ni dad.

"ahh ok po." sabi ko.

"maligo kana at magbihis, i'll wait you in living room , mag-ju-just dance lang ako . Kulang na ako sa excersise ee." natawa naman ako sa sinabi ni dad . Hahaha

"ok po, just a minutes ." sabi ko sabay takbo pataas sa kwarto ko then naligo na at nagbihis . Nagsuot ako ng plain white t-shit at skinny pants .

-----

"dad im ready na ." sabi ko while walking towards him.

"let's go ." sabi ni dad habang nagpupunas sia ng pawis. Hmp . Naglaro lang ng just dance nagpawis na agad.

Una muna kaming pumunta sa school ko. Dumiretsyo kami sa principal office. Pumasok si dad doon at kinausap yung principal.

Nasa labas lang ako ng pintuan. Kinausap ni dad yung principal namin.

"ohh lilipat ka na daw , Kc ?." may nagsalita sa likod ko kaya lumingon naman ako.

"ahh opo." sabi ko. Si Mam Garcia pala . Adviser ko nung 1st year.

"Gamitin mo galing mo dun huh? Taas mo ang bandera ng school natin." pabiro na sabi ni mam.

"uhm. Syempre naman po." sabi ko naman.

Lumabas na si Daddy.

"Good morning ma'am." sabi ni daddy na naka-smile.

"Good morning sir." malanding ngumiti si ma'am. Grabe naman =_=

"Gusto niyo Mr. Dela Cruz kumain po muna tau?." tanung ng teacher ko.

Sasagot na si daddy ng biglang ....

"Ma'am , mauna na po kami. May pupuntahan pa po kasi kami." sabi ko sa teacher ko. Baka saan pa mapunta ang usapan nila ee.

"Ahm Dad. Sasama po ba ako sa office niyo ? " tanong ko habang nagdadrive na si daddy.

"yuph. Total wala ka naman ng gagawin sa bahay . Inayos narin ni manang lahat ng dadalhin nating gamit. Btw aalis na tayo mamaya." sabi ni dad.

"What ?? But dad, ang aga naman." tutul ko.

"ok na yun. Magpapaenrol ka dun at maghahanap pa tayo ng school na lilipatan mo." sabi ni dad.

-----

Nakarating na kami sa office ni Dad. Pagkapasok namin, andaming nag-GOOD MORNING sa amin. C.E.O kasi ang dad ko dito sa company na pinagtatrabahoan niya.

Nakuha na ni dad lahat ng documents and papers niya. Kaya pumunta muna kami sa mcdo para kumain. Nagutum ako eii XD.

-----

Natapos na kaming kumain. Umuwi na kami.

Pagkaratibg namin sa bahay. Nakaready na yung isa naming sasakyan. Nilagay na doon ni manang yung mga gamit namin . Hmm. Nagdecide ako na pumasok sa kwarto ko , baka kasi may nakalimutan si manang sa mga gamit ko. Pagkapasok ko sa kwarto ko tanging kama at mga kabinet ko nalang ang nandun. May napansin akong nakalapag sa table ko. Yung photo album namin ni mama. Haaay , buti nalang nakita ko.

Lumabas na ako ng kwarto ko at sumakay sa kotse. Sa van kasi nandun na lahat ng gamit at nandun nadin nakasakay si manang at yung driver namin.

Si dad naman, ayon, nasa may altar. Dun kasi namin nilagay yung picture ni mommy. Umiiyak si daddy. Hmp. Lumabas ako sa kotse at pinuntahan sia tsaka niyakap. Ganto din naman yung ginagawa niya sakin nung kamamatay palang ni mommy.

"Dad, tama na po. Tara po alis na po tayo, nakaready na po lahat. Tsaka diba sabi po ni mommy 'bawal ang sad, dapat happy'." then nagsmile ako sa kanya . Napasmile na din si daddy then ginulo yung buhok ko.

"kamukha mo talaga ang mama mo. Manang mana ka sa kanya." pagkasabi nun ni dad , tumayo na siya at kinuha yung picture ni mommy then nilapag sa back seat sa may kotse then umalis na kami.

------

100 days in the same ROOF ?!?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon