"I'm sorry Ms Gordon wala na akong magagawa pa. Kitang kita ka sa CCTV na ginawa mo yun"
"Sabing hindi nga ako ang gumawa nun" putol ko sa sinasabi ng may hawak ng scholarship ko.
Ilang beses ko bang kailangan sabihin sakanya na hindi ako ang nagpakalat ng mga test questioners sa university.
Kita ko ang pag iling ng ulo nito at yung muka nyang parang natatanga sa sinasabi ko.
"Mr Braga sino ba ang nagpapakalat ng maling balita na yan?"
Naasar na ako sa taong to. Bigla bigla na lang magpapatawag sakin tapos biglang sasabihin na mawawalan ako ng scholarship sa hindi ko malamang dahilan.
"Alam mo ba kung ano ang tawag dyan sa sinasabi mo? Joke. Joke yan"
Muli na naman siyang nailing sa sinasabi ko kaya napapakagat ako sa labi sa inis.
"I'm serious Ms Gordon"
"Pwede bang ipaliwanag mo sakin. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit ako mawawalan ng scholar samantalang wala naman akong Alam sa binibintang nyo"
Pinakalma ko ang sarili ko saka natingin dito na nagpapakawala ng hangin.
"Mabuti sigurong sa President mo lahat sabihin yan. Lahat ng tanong mo sya lang ang makakasagot. Napag utusan lang ako, Ms Gordon"
Iginiya nito ang labasan sa office nya kaya wala akong nagawa kundi ang titigan siya ng masama saka tinalikuran ito.
Pinuntahan ko ang building kung san ang office ng president. Masyadong malawak ang university dagdagan pang tirik ang araw kaya lalo nainit ang ulo ko.
"Bwisit ang layo pa"
Agad kong pinuntahan ang office ng president pagkarating ko ng building.
"Good Afternoon Mrs Jordan" pumasok ako sa loob ng masara ko ang pinto.
May kausap siyang professor pero binaliwala ko yun at agad na tingungo ang harap ng president.
Tinanguan ni Mrs Jordan ang professor bago ito humarap sakin na naiiling saka lumabas ng office.
"So, Ms Gordon why are you here?" baling nito sakin pagkalabas ng kausap nya.
"Hindi na po ako magpapatumpik pa. Gusto kong malaman kung bakit tatanggalan nyo ko ng scholar at bakit nasa akin ang bintang ng pagkalat ng test questioners sa university?"
"That's because of what you do, Ms Gordon"
"Sorry?" hindi ko to maintindihan.
Tinanggal nito ang salamin nya saka pinunas iyun sa maliit na tela at binalik ito sa mata nya.
"Follow me" yun na lang ang sinabi nya saka ito lumabas ng office nya. Sinundan ko to.
Napapalingon samin ang mga studyanteng nasa hallway, malamang nyan kalat na sa buong university ang balitang ako daw ang nagkalat ng tests questioners.
Pinanood sakin nito ang CCTV at ganon na lang ang gulat ko ng makita ko ang sarili ko na nasa loob ng faculty at may kung anong hinahalukat sa cabin.
Pi-nause nung lalaking guard ang video saka ito sni-zoom in.
"Its confirmed na ikaw yan Ms Gordon! All you want to do, is aminin samin ang lahat at mag sorry. Pero hindi ibig sabihin nun hindi matatanggal ang scholar mo. My Goodness! Isa ka sa Top notchers ng university tapos ginawa mo yun? Nakakahiya sa ibang university"
Hindi ko na pinakinggan pa kung ano ang sinasabi ng president. Nanatiling nasa screen ang tingin ko. Imposible! Napaka imposible!
"Ngayon will you explain kung bakit mo kinuha ang copy ng test questioners at pinakalat ito sa university?"

BINABASA MO ANG
Sweet 50s
RomantiekVanessa Gordon is a Top notcher student in St. Jose University. With her serious aura and smug face, napag bintangan siyang nagkalat ng test questioners sa university na hindi naman siya ang may gawa. But how the hell happend na siyang siya ang naki...