🎋Chapter 1

18 0 0
                                        


"Ikaw pala iyan, Laila. Hindi kita namukhaan dahil sa iyong kasuotan" wika nung lalaking nasa harap ko. Laila?

Nanatiling nasa kanila ang tingin ko. Lutang pa ang utak ko sa nakikita sa paligid at sa naiisip.

"Ako'y humihingi ng pasensya dahil nabunggo kita. Nasaktan ba kita?" tanong pa nito. Yung suot nila tulad ng nakita kong suot nung limang lalaki nung gabing iyun.

Mga naka knit shirts with a collar na iba iba ang kulay, naka tank in ito sa suot nilang pants or slacks na black, cream at grey ang kulay. At yung sapatos na suot nila, moccasins at loafers na nagkikintaban at nagsi sigawan sa mahal. It is real?

Naiiling na inalis ko ang tingin sa kanila. Imposibleng mangyare ang mga naiisip ko. Pinag tri-tripan lang ata ako ng mga tao dito.

Hinawi ko sila para makadaan ako. Hindi pa man ako nakakahakbang ng biglang may tumakbo, muntik na akong mabangga buti na lang agad akong napa atras.

"Bawal ang pagtakbo sa labas ng silid aralan!" sigaw nung lalaking nakabunggo sakin kanina. " Palibhasa wala ang mga taga sita kaya malaya silang nakakatakbo" naiiling nitong sabi bago ako binalingan. "Wala bang masakit sa iyo?"

"Billy"

Napatingin ako sa tumawag nun. Grupo iyun ng mga babae at yung nasa gitna ang tumawag sakanya.

Mas lalo akong natanga ng makita ang mga pang vintages na suot at ayos nila. Mga naka dress na may collar na hanggang siko ang sleeves, iba iba ang styles nun maging sa kulay at haba. Yung iba naka polcadots, mga naka printed dress at yung buhok nila halos pare parehas ang pagkakaayos. Pulidong pulido ang pagkakaayos ng mga buhok nila maging sa tindig, pagtayo at paglalakad. Ano ba tong napuntahan ko?

"Catherina" wika nung Billy na nakabangga sakin.

Huminto sila sa harap namin.

"Itatanong ko lang sana kung nakita mo si Marco?" sabi nung nasa gitna na Catherina ang pangalan. Maliit ang muka nito at may balinkinitang katawan. Maputi to tulad ng ibang kasama nya.

Kung hindi ako nagkakamali half american to. Napatingin to sakin marahil napansin nya siguro ang pag tingin ko sakanya.

Bumaba ang tingin nito sa suot kong panloob na grey sando at long sleeves polo na kulay red and black, pababa sa maluwag kung suot na ripped pants maging sa converse kong suot na sapatos. Kulay puti yun pero nagmistulang basahan dahil sa tagal ng hindi nalabhan.

"Pag pa umanhin pero hindi ko nakita. Huli kong kita sakanya nasa departamento sya ng kanyang organisasyon. Marami siyang ginagawa ngayon, bukod sa ika 32 anibersaryo ngayon ng unibersidad, patuloy parin nilang hinahanap ang nagsubok na kumuha ng mga sagot sa opisina ng mga guro..."

32 anniversary? Agad akong napalingon sa likod namin para tingnan ang nakapaskil sa wall. Kaya pala masakit ang pagkakatama ng likod ko dito dahil may malaking board doong nakalagay, de glass pa to. But wait, totoo ngang nasa ibang lugar ako! Walang board na nakalagay sa hallway namin.

Napatingin ako sa nakapaskil sa loob ng board.

ATTENTION 1950

All students need to buy a ticket for the play. Students must go to Theater Hall at 3pm.

Parehas sa nakasulat na nabasa ko. August 15 1950.

"Anong taon ngayon?" agad kong tanong sa may pangalang Billy.

"Billy, mauna na kami. Salamat" ani nung Catherina saka ulit ako tiningnan. Naiiling na inalis nito ang tingin sakin saka naglakad na sila paalis.

Agad kong binalingan ng tingin si Billy at yung kasama nyang lalaki. "Anong year na ngayon?" nag papanic na ako dito at kung totoo ang nasa isip ko na nag time travel ako patungong past, isa itong malaking joke.

Sweet 50sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon