🎋Chapter 4

10 0 0
                                        

Nag strum ako sa gitara. Gumagana to. Wala na talaga akong takas.

Tiningnan ko ulit ang mga manonood na nakatingin sakin. Kita ko pa ang pagkaway sakin ni Dayana na nakaupo na ngayon sa tabi nila Billy at Chard. Mamaya ka sakin pagkatapos nito!!

Nagpakawala muna ako ng hangin bago inumpisan ang pag tipa sa gitara.

Mahaba ang intro sa pag strum ng gitara kaya nalibot ko pa ang mata ko sa mga tao. Natigil ang tingin ko kay Marco na diretso ang tingin sakin. Walang emosyon ang muka nito, napaka misteryoso. Katabi nito si Ellena na nakangiting pinapakinggan ang pag strum ko sa gitara. Inalis ko sakanila ang tingin at nilipat yun sa iba.

" When you where here before
Couldn't look you in the eye
You're just like an Angel
You're skin makes me cry
You float like a feather
In a beautiful world

I wish I was special
You're so fucking special

Nilibot ko ang tingin sakanila, saka pinikit ko ang aking mata.

But I'm a creep
I'm a weirdo
What the hell am I doing here?
I don't belong here

Oohh ohhh!!...

She's running out the door
She's running out
She's run, run, run, run
Run

Whenever makes you happy
Whenever you want
You're so fucking special
I wish I was special
But I'm a creep
I'm a weirdo
What the hell am I doing here?
I don't belong here
I don't belong here "

Dinilat ko ang mata ko. Tahimik. Lahat sila nakatingin sakin ng diretso. Oh ow!

" WOAH!! " sigaw ni Dayana saka ito pumalakpak ng malakas. Dahil sa ginawa nya mas lalo akong nahiya. Sya lang mag isa pumalakpak at lahat sila tahimik na. May ginawa ba akong kinabigla nila?

Napatingin ako kay Samuel ng pumalakpak din ito maging si Ellena.

Piling ko pinag papawisan ako ng malagkit.

"Wow! " nasabi na lang emcee saka ito lumapit sakin. Binigay ko dito yung gitara. Mukang hindi pa ata to nakaka recover kaya ako na mismo ang bumasag sa katahimikan.

" Salamat. " pagkasabi ko nyan bumaba na akong stage.

" Dito Laila! " sigaw ni Dayana. Bawal pa lumabas kaya tinungo ko na lang ang ikatlong hagdan at naupo sa tabi ni Dayana.

I swear, gusto ko nang mawala dito.. Buti na lang nag proceed na ang emcee sa susunod.

" Ang galing mo doon Laila! " proud na sabi ni Dayana sakin saka ako niyakap. " Ang ganda ganda talaga ng boses mo! "

" Ayos hindi ako makahinga! "

Tinawanan lang ako nito. Binati din ako nila Billy at Chard. Unang beses daw nila akong marinig kumanta. Nagandahan sila sa boses ko pero bat di sila pumalakpak?!

" Ngayon ko lang narinig yung kantang yun Laila. Sinulat mo ba yun? " tanong bigla ni Dayana.

" Ah! O-oo.. " sagot ko. Shit! Nakalimutan ko! Hindi pa pala nag e-exist ang kantang yan dito.

" Kung ganon ang galing mo pala!! "

" Haha! Ganon na nga... Sige na manood kana! " hinarap ko ang ulo nito sa harap ng stage para hindi na makatanong ng kahit ano.

Nagsasalita sa harap ang babaeng anak ni Jose St Macolo na tingin ko ay nasa 40 palang ang edad nito. Hindi ako pamilyar sa background ng school kaya hindi ko alam ang pangalan nila.

" Kasabay ng pag diwang natin sa ika 32 anibersaryo ng ating unibersidad, Ang pagbanggit ko sa mga natatangi nating mag aaral na ipagmamalaki natin hindi lang sa unibersidad kundi maging sa labas. "

Sweet 50sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon