Matapos ng program nagsilapitan ang mga Gng at ang namamahala ng school sa amin. Kinong gratulates kami ng mga to at nagpakuha din ng picture samin.
Yung style ng camera pa dito yung tipong may trumpet pa sa unahan.
" Magandang binibini! " ani Gary sa kung sino. Nagulat ako ng lumapit to sakin at akbayan ako. " Humahanga ako sayo! " sabi pa nito. Tinulak ko to dahil sa nakaramdam ako ng kilabot ng sabihin nya yan.
" Babatiin lang naman kita! At alam kong matutuwa si Tito pag nalaman niya ito! " nakangiti parin nitong sabi sakin. Pinag titinginan na kami ng iba kaya tinulak ko ulit to ng subukan na naman ako nitong yakapin.
" Ano ba?! " singhal ko dito.
" What are you problem Laila? " seryoso na nitong tanong na tila naasar sa ginawa kong pagtulak. Muntik na syang mabangga sa mga kumukuha ng litrato sa mga top five kasama ang ibang Gng.
Naagaw na rin namin ang atensyon nila kaya nasa amin na ang tuon nila.
" Mind your own business. Wag nyo kaming pansinin! " ani Gary sa mga to. " Ano ba kasing problema mo Laila? " baling sakin ni Gary. Inalis ko dito ang tingin at nilipat yun kila Samuel na halata namang curious sila sa nangyayari samin. At si Marco na tiim bagang na nakatingin sakin.
Naalis ang tingin ko dito ng takpan ni Gary sila. " Are you mad at me? " sincere nitong sabi kaya napatingin ako sa mata nitong nangungusap. Ang ganda pala ng mata nito lalo na pag tititigan mo. Nawala ang tingin ko sa mata nya ng ilapit nito ang kamay nya papunta sa pisngi ko. Agad ko yung tinapik at lumayo ng konte dito.
" Anong ginagawa mo? " natawa to ng konte sa sinabi ko saka kumamot sa batok nya.
" Huwag ka naman ganyan ! Ang arte mo naman ngayon! " sabi nito na kina kunot ng noo ko. Ako pa ngayon ang maarte? Kung boyfriend to ni Laila baka masapak ko to.
Tinalikuran ko to dahil masyadong madrama ang lalaking to. Pero sadyang sinasagad ako ng lalaking to at nagbalak pang hilain ako paharap sakanya. Gusto ko tong suntukin kaso maraming nakatingin samin.
" Pwede ba wag mo kong landiin nakakaasar kana!! "
" What? " kunot noo ako nitong tiningnan saka natingin sa mga taong nakatingin samin. Mayamaya lang ay tumawa to ng nakakaloko. " Iba rin ang kalokohang naiisip mo ngayon pinsan! Nakakain ka na ba? " sabi pa nito na natatawa.
Pinsan?
Napatingin ako kila Billy at Samuel na nakangiwi. Si Marco na kausap si Mrs Verancia at sa gilid nun si Catherina.
" Wahh Laila! " ani Dayana na paakyat ng stage saka ako niyakap. " Ipinag mamalaki kita! " sabi pa nito na hindi inaalis sakin ang yakap. Kita kong lumingon samin si Marco pero gumilid din yun. Mula sa hagdan, paakyat si Ellena dun kasama si Imee.
" Ahm! " pag agaw ng pansin sakin ni Dayana. Napansin nitong nakatingin ako kay Ellena kaya agad kong nilipat ang tingin sakanya. Pinanliitan ako ng mata nito saka binalingan si Gary.
" Gary pakuha naman tayo ng litrato! " ani Dayana kay Gary na natatawang tumangong bumaling sakin. " Mamaya kumain ka ng marami pag uwi mo! " sabi nito saka pinuntahan ang isang photographer.
Pinsan pala ni Laila ang lokong yun! Bat hindi sakin sinabi ni Dayana. Napahiya pa tuloy ako.
Pagkabalik ni Gary kinuhaan kagad kami ng picture nung lalaki. Kinausap pa kami ng ibang Gng kaya kahit na gusto ko ng umalis, hindi ako makaalis.
" Congrats! " ani Samuel kay Gary saka bumaling sakin. " She's running out Congrats! " ani nito. Inirapan ko to pero tumawa lang to.
" Wala pang kain kaya ganyan! " ani Gary naman dito saka sila nagtawanan. Mga Walanghya!
BINABASA MO ANG
Sweet 50s
RomanceVanessa Gordon is a Top notcher student in St. Jose University. With her serious aura and smug face, napag bintangan siyang nagkalat ng test questioners sa university na hindi naman siya ang may gawa. But how the hell happend na siyang siya ang naki...