🎋Chapter 2

15 0 0
                                    

"Arayyy!!" singhal nung nabunggo ko.

"Sorry!!" sigaw ko habang patuloy na tumatakbo. Pinag titinginan na ako ng mga tao dito, marahil sa suot ko ata. Ngayon lang ba sila nakakita ng ganito?

Uuppppsss!....

Agad akong nag preno sa pagtakbo ng may dumaan na kalalakihan buhat ang mahabang lamesa. Nakatingin ang mga to sakin habang binubuhat ang lamesa patungo sa kung saan.
Hinintay ko tong makadaan ng tuluyan bago ako kumaripas ng takbo ulit. Mag iisang oras palang ako dito pero parang ang dami ng nangyari.

Pagkapasok ko sa sentrong building agad kong tinungo kung san nakapaskil ang Attention 1950.

Walang tao dun banda kaya agad kong ginawa ang plano ko. Pinikit ko ang mata ko saka hinakbang ang paa. Ihahakbang ko palang sana ang pangalawang kong paa ng maramdaman kong lumapat na ang noo ko sa board.

Outch!! Walang nangyare!!.. Lumayo ako ng konte sa board saka inulit ang ginawa. Nauntog ulit ako at walang na naman nangyari..

Baka sa ibang paraan!!

Lumayo ako sa board ng ilang dipa. Gusto ata biglaan. Tinitigan ko ang Attention 1950 saka nagpakawala ng hangin at tumakbo papalapit dun. Hinayaan kong mabunggo ang katawan ko sa board at naging handa ako sa kung ano mang mangyayari.

"Bullshit!" mura ko dahil wala na namang nangyare at nandito parin ako!!

Inuubos nito ang pasensya ko. Sa pangalawang pagkakataon inulit ko ulit yun pero tumama lang ulit ang katawan ko sa board. Masakit lalo nat may parte na bakal ang board.

Tinali ko ang buhok ko dahil tingin ko magiging sagabal iyun sa gagawin ko. Kung hindi tumalab ang ginawa kong pagbunggo sa board baka dito sa gagawin ko bigla na lang akong maglalaho. Hinawakan ko yung glass saka iyun pina slide papunta sa gilid. Nabuksan ko na yun. Ngingisi ngisi kong nilipat ang tingin sa gilid at ganon na lang kabilis nawala ang ngisi ko ng makita ang dalawang lalaki na nakatingin sakin at mukang kanina pa pinapanood ang ginagawa ko.

Tumaas ang tingin nila sa muka ko at ganon na lang ang naramdaman kong kaba ng magtama ang mata namin nung Marco.

Yan na naman yung tingin nitong walang pake. Inalis ko ang tingin dito, sa dami kong nakakasalamuhang lalaki, dito ko lang naramdaman na parang wala akong laban.. I hate this feeling!!

"Woahh! Kakaiba ang iyong kasuotan! " wika nung lalaking kasama nya. Maputi at maitsura din to. Mababakas mo sa muka nya na happy happy lang. Nilapitan ako nito saka namamangha nitong tiningnan ang suot ko. Nahihilo ako sa ginagawa nitong pag ikot.

"At ito, maari bang malaman kung saaan mo ito nabili?" kinuha nito ang ball cap sa ulo ko.

"Ano ba? Akin na nga yan?!" aagawin ko na sana sakanya yung itim kong ball cap nang ilayo nito sakin iyun. Napatingin ako kay Marco na naglalakad palapit samin. Pagsabihan nya naman yung kasama nya! Parang walang pake! Nakakabadtrip!

Sinusuri ng lalaki yung ball cap ko tas sinusukat sukat sa ulo nya.

"Akin na nga yan! Parang tanga!" kinuha ko dito yung ball cap. Pinasok ko na yun sa loob ng bag ko at baka mapag tripan pa nitong baliw na to.

"Maaari bang malaman kung saan mo nabili ang kakaibang bagay na iyong, hindi ko naman sa iyo kukunin!" nginitian ako nito at binangga sa balikat. Aba piling close pala ang lokong to!

"Samuel!" nang balingan namin si Marco, matalim ang tingin nito kay Samuel. Madilim ang aura nito kaya napansin kong lumayo sakin ng konte itong piling close na Samuel.

"Pasensya nakalimutan kong dapat palang ginagalang ang mga babae. Paumanhin sa aking kinilos!" sabi ni Samuel pero kita parin sa muka nito ang loko o sadyang maloko talaga ito? "Kanina yung ginagawa mo, anong tawag doon?" ani nito saka humalakhak.

Sweet 50sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon