" Ayos ka lang? " tanong ko kay Dayana. Anyare dito bat nabato na to?
Nakatingin to sa harap. " Malalagot tayo! "
" Huh?! "
" Nagsinungaling tayo sa Gng, ngayon pinapunta doon si Rose kung galing ka nga ba dun. Lalo tayong malalagot!! " sabi nito sa maliit na boses. Para tong natatae dagdagan pang namamaswis ang noo nito.
" Sino ba ang tinitingnan mo?! " tanong ko na dito. Hindi kasi maalis alis ang tingin nito sa harap kung san grupo yun ng mga babae na nag aayos ng kurtina.
" Si Fatima.. "
" Ah! " nasabi ko na lang. Gano ba kalaki ang takot nito kay Fatima at kung pagpawisan na lang ganito.
Naupo muna kami ni Dayana sa lapag habang hinihintay na dumating si Rose. Base sa sinabi ni Dayana kanina mag de-desenyo daw kami kaya kami nandito. Kung ganon ano ba si Laila dito?
" Psst! " tawag ko kay Dayana sa tabi.
Tumingin to sakin.
" Ano ba ako dito? "
Kumunot ang noo nito sa sinabi ko. " Yan ka na naman! Kung ano ano ang tinatanong mo! Tayo ang dedesenyo! "
" I mean... " ang hirap naman mag explained dito.
" Ano bang gusto mong malaman? Teka hindi kaya nauntog ang ulo mo Laila? " ani nito na kinailing ko.
" Laila!! Wahh! Hayaan mo tutulungan kitang makaalala! " mangiyak ngiyak nitong sabi habang yakap yakap ako. Nababaliw na ba ang isang to?
" Tss! Mga isip bata! " rinig kong sabi nung babaeng dumaan samin.
" Si Fatima yan! " ani Dayana na nakabusangot. Ahh! So, ito pala si Fatima na kinatatakutan nya! Kala ko naman kung sinong halimaw ang mukha!
" Kahit kailan panira! " murmur ni Dayana sa tabi. " Laila, Ikaw ako sila! Pangkat tayo ng organisasyong pang disenyo. Pag may okasyon, tayo ang nag aayos ng intablado, tulad na lang nito!.. Madalas tayong nag aayos dito sa theater hall! "
Dahil sa sinabi nito napatingin ako sa mga nag aayos. Kahit kailan hindi ako sumali sa isang club. Dagdag gawain lang to tapos dito masasali ako sa club?! I hate this!!
Dapat ngayon nasa bahay na ako at natutulog!!
" Gng! "
Agad kaming napalingon kay Rose na paakyat sa stage.
Bumulong to sa Gng kaya hindi namin narinig yung sinabi nito. Tumingin sakin ang Gng matapos masabi ni Rose ang sagot dito.
" Del Cuenca! " tawag nito sakin kaya tumayo ako.
" Kaya mo na bang dalhin ang sarili mo? " tanong nito. Tumango ako dito. " Mabuti. Kung ganon tumulong ka sa paglalagay ng mga gamit dito! " tinalikuran na kami nito pagkatapos nya yang sabihin.
Tinungo namin ang back stages at kinuha dun ang mga props na gagamitin ng mga mag tatanghal.
" Sino ba ang mga magtatanghal? Dapat sila ang nag aayos dito. " maktol ko matapos mahila ang sofa.
" Nasa taas sila at nag eensayo. "
Ugh! Nakakabanas!!
" Bilisan nyo at bababa na sila dito! " sigaw ni Fatima.
Tapos na kami sa paglalagay ng props sa stages. Ano pang binibilis nito?
Napatingin kaming lahat sa pagbukas ng malaking pinto sa taas. Pumasok dun ang isang grupo. Marami sila na tingin ko mga nasa 20.

BINABASA MO ANG
Sweet 50s
RomanceVanessa Gordon is a Top notcher student in St. Jose University. With her serious aura and smug face, napag bintangan siyang nagkalat ng test questioners sa university na hindi naman siya ang may gawa. But how the hell happend na siyang siya ang naki...