Chapter Twelve

1.7K 59 5
                                    


. . .



Hindi parin maalis ang tingin ko sa kwintas at hair clip na nakapatong sa ibabaw nang bedside table ko. Maglilimang minuto ko na itong tinitignan habang kung ano-ano nalang ang iniisip ko. Pareho sila nang design.

Kaya hindi imposibleng iisa lang ang may-ari nito. Pero hello, porke ba magkapreho nang design iisa na agad ang may-ari? Napahiga nalang ulit ako sa kama ko at napatitig sa kisame. Masyado na akong nalilito sa mga nangyayari. Bakit ba sobra ko tong iniisip?

Oo nga. Bakit nga ba? Bakit ba pinoproblema ko pa ang tungkol sa kanila? Pwede naman akong tumulong pero don nalang sa case ni Dad. Kaya na nang mga pulis yun. Ugh, pero may kinalaman naman kasi ang lahat. Kung iimbestigahan ko ang tungkol sa daddy ko konektado din to sa iba pa. Kasi iisa lang naman ang killer nang lahat.

Pero nakakapagtaka. It's been two months since nung nag-usap usap kami kasama ang barkada nila Greg. Nakakapagtaka lang. Bigla kasing tumahimik ang killer at wala na akong maramdamang mga ginagawa niya. Wala na siyang binibiktima.

"Nhe anak, halika na. Mag hapunan kana." rinig kong sabi ni Manang matapos niyang buksan ang pinto nang kwarto.

"Opo. Susunod nalang ako."

Narinig ko syang naglakad papalapit sa akin at tinabihan ako pero nakaupo sya.
" Ay sus anak. Alam ko yang style mo. Sasabihin mo susunod ka pero hindi naman pala. Halika na nga. Makakatulogan mo pa e. "

Napangiti ako at agad na bumangon. Gutom naman na rin kasi ako. Agad na kaming bumaba ni Manang sa kusina at sabay na naghapunan. Matapos naman naming maghapunan ay agad na akong bumalik sa kwarto ko. Ibinalik ko na ang kwentas at hairclip sa drawer at humiga sa kama. Napapikit na ako sa mata ko at matutulog na sana pero naalala ko naman si Dad.

Ang tagal na pala. Pero hindi parin nakikilala ang killer. Ang gulo at ang labo parin nang kaso. Hindi nga ako sure kung may chance pa ba syang mahanap. Nagpapasalamat rin ako kay Tito Evan. Kahit na may natira pa namang pera si Daddy para sa akin sinusuportahan ako ni Tito. Maswerte parin ako at kahit na nawala si Dad sa akin meron naman akong Tito Evan. Pero speaking of Tito Evan, hindi ko alam peeo sumagi bigla sa utak ko si Jameson.

Im not sure but, may kakaiba sa kanya.


. . .

" Here. "

"Thank you."

Napatingin ako sa labas nang glass wall nang Bookstore nila Joshua. Buti din kasi at nakumbinse namin syang buksan ulit ang bookstore. Nakaupo ako dito sa may table sa gilid habang sya naman sa harapan ko. Bigla niya kasi akong tinawagan at inimbitahan dito sa shop niya na may Cafe naman sa loob. Hindi na ako tumanggi since, sunday pa naman ngayon.

"How's the coffee?"

Napatingin ako sakanya at napatigil sa paghigop nang nilibre niyang kape sa akin. I smiled at him.Hindi na ako nagsalita at tinuloy lamang ang pag-inom nang kape ignoring him. Nakatoon lang ang tingin ko sa labas habang nakikita ko naman sa gilid nang mata ko na nakatingin siya sa akin.

Gusto ko sana syang sitahin pero di ko naginawa. It's been two months but i know he still miss his mother. I know what he feels naman e.

" Thankyou at andito ka."

Tinignan ko siya ulit . " No problem. Basta ba free ako pwede naman. "

Napangiti sya at biglang pinisil ang ilong ko. "You know what? Your so cute. Tsaka ang bait mo pa. Kaya i just can't understand why Antonette can't like you. "

Natahimik ako. Tama. Two months na akong sumasama sa barkada nila pero ganun parin ang turing ni Antonette sa akin. Sinusungitan ako at pinaparamdam na ayaw nya talaga sa akin.

THE EXCAVATE | SEQUELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon