Chapter Three

2.2K 89 2
                                    


Dalawang araw na ang lumipas at wala paring tawag akong natatanggap mula sa mga pulis. Napapaisip tuloy ako. Tama nga ba ang sinabi ni Danica? Wala nga bang ginagawa ang mga pulis sa kaso ni Dad?

Napaupo ako sa isang bench sa gilid nang plaza. Lunch break na naming ngayon pero naisipan kong lumabas nang School pero malapit lang naman. Mula dito sa inuupuan ko ay matatanaw ang school sa laki nito.

St. Claire Law school

Habang nakatingin lamang sa signage nang school ay may isang babae naman ang umupo sa tabi ko. Maiksi ang buhok nyang pinakulayan nang green sa dulo at naka school uniform. May suot syang pulang laso at itinali sa buhok nya. Sa tingin ko ay High school pa lamang sya ayun sa uniform nya.

Hindi ko nalang sana papansinin sya nang marinig kong humihikbi na pala sya. Tinignan ko ulit sya at nanginginig ang mga kamay nya. Mas lumalakas ang hikbi nya . Nilapitan ko sya at hinawakan sa balikat pero bago pa ako makapagsalita ay gulat at takot nya itong itinabing. Napatayo sya at humakbang paatras.

" Layuan mo ko. Pakiusap. "iyak nya.

"Huwag kang mag-alala. Hindi ako masamang tao." sambit ko. Napatingin sya sa akin pero umiiyak parin sya. " A-anong problema mo? Pwede mo kong sabihan."

"S-sino ka? H-hindi ako nakikipag-usap sa hindi ko kilala. "

Nilapitan ko sya at inilahad ang kamay ko. " Ako si Nhean Valdemore. 19 years old at nag-aaral ako sa St. Claire Law school. Ikaw?"

Napatitig sya s aakin. Agad naman syang umiwas nang tingin at pinunasan ang luha nya. " Blonde ang pangalan ko. "

Napangiti ako sakanya kahit na hindi nya ako nakikita. " Magkakilala na tayo. Pwede mo na ba akong sabihan nang problema mo?"

She look at me. " Ano bang pake mo sakin? Wala kang makukuha sa akin kapag nakinig ka sa akin. "

"Alam ko. I just wanted to hear your problems. Like you meron din akong dinadalang problema. Alam ko ang pakiramdam nang walang napagsasabihan. Kaya upon seeing you, gusto kong di mo maranasan yun. "

Yumuko sya at humagulhol. " Ateeee..." ngawa nya.

" Sabihin mo sakin ang problema mo."

" Minumulto ako nang kaibigan ko. Ilang araw ko na syang napapanaginipan. Hanggang sa nitong nakaraang araw lang, may napapansin akong naglalakad sa loob nang kwarto ko. Madilim kaya di ko sya makita. Pero- pero mukhang sya yun. "

" Hindi totoo ang multo. Baka guni-guni mo lang yun."

"No. Totoo yun. Dalawang gabi na syang palaging andyan sa bintana ko. Naglalakad sa paananko. P-parang gusto nya akong patayin. "

"Sino?"

"Ang kaibigan ko. " umupo sya sa bench ulit kaya tinabihan ko sya. " N-natatakot ako. Ayaw kong umuwi. Kapag nasa bahay ako. Andun din sya. "

"Akala ko ba kaibigan mo sya. Bakit ka natatakot?"

"B-bago sya pinatay ,magkagalit kami. Nag-away kami dahil ayaw nyang sumama sakin sa mall. "

"Pinatay?"

Tumingin sya sa akin. Tumango sya at pinunasan ang luha ko. " Ilang linggo na mula nang mamatay si Cheska."

Nabigla ako nang marinig ko ang pangalan na iyon." Cheska? You mean, cheska Asuncion?"

"Oo. Kilala mo sya?"

Hindi ako nakapagsalita. Niyakap ko sya at pinatahan.

"K-kilala ko sya. " sambit ko. " A-ano pa? Ano pang napapansin mo? "

THE EXCAVATE | SEQUELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon