"For the mark has been seen in vision, man shall persue his mission."
Bigla akong naalimpungatan ng may marinig akong boses mula sa kung saan.
Medyo nagliliwanag na at tingin ko ay nasa alas sais na ng umaga. Kinusot ko ang mga mata ko bago tuluyang tumayo at buksan ang ilaw.
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid ng kwarto ko pero wala akong nakitang kahit ano, it's just a dream, a weird one.
Ilang minuto pa ay nagpasya na akong gumayak dahil alanganing oras na kung matutulog pa ako, isa pa patapos na rin naman ang klase sa linggong ito, kaya mas makakatulog na ako ng mahaba haba sa mga susunod na araw.
Bakit ba kasi ang hirap gumising ng maaga?
Pagkatapos ng halos isang oras na pag gayak ay inabot ko ang telepono ko ng tumunog ito, hudyat na may tumatawag.
It was Kairo.
"H-Hello?" Nahihiya kong sabi. Naalala ko kasi yung nangyari noong isang araw..
"Good morning." sabi nito sa malalim na boses.
Damn, boses palang ang gwapo na.
And his lips, it's so addicting, mabilis lang ang ginawa niya pero pakiramdam ko tumalon na ang puso ko dahil sa simpleng halik na 'yon.
"Hey?" Pagsasalita nitong muli
"G-Good morning." Seriously, Lex? Kelan ka pa nagnasa ng ganyan?
"I'm outside your unit," Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
Agad kong sinilip sa pinto kung andon nga siya, isang matamis na ngiti ang binigay nito sa'kin pag bukas ko ng pinto.
Shit. Ang gwapo ng Kairo ko.
"I miss you." Anito sa malambing na boses.
What the fuck Kairo?! Kelan ka pa natutong gumanyan? Baka lalo akong mahulog sayo.
"Uh, I-I miss you too." Ngiti ang isinukli nito bago niya kuhanin ang dala kong bag at walang kahirap hirap na inilagay ito sa likod niya.
"'Wag kang lalayo sa tabi ko, you don't want me go crazy, don't you?" Bulong nito sa tenga ko bago ako hilahin palapit sa kanya at sakupin ang bewang ko gamit ang braso niya.
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman sa pinapakita niya, pinaghalong kilig at takot, takot kasi baka tuluyan akong mahulog sa mga pinapakita niya at sa huli, mawala nanaman siya.
"What's bothering you?" Napahinto ako sa pagiisip ng hawakan nito ang kamay ko.
Bigla ko tuloy naalala ang huling natanggap ko kagabi mula sa game, isang kakaibang mensahe, hindi ito basta lang misyon.
I wonder if he received it too? Kasi base sa sinabi ng laro ay piling tao lang ang pinasahan nito.
"Enigma." Wala sa sarili kong sabi.
"What's with that game?" Bigla itong nagseryoso.
"Natanggap mo din ba?" Tanong ko, tipid itong tumango at muling ibinalik ang mata sa kalsada, tila ayaw niyang pag usapan ang tungkol dito pero madami pa akong gustong itanong.
"Sino-sino tayong nakatanggap? At ano yon, bakit may ganoon?" naguguluhan kong tanong.
"Hindi ko alam." Pag iwas nito ng tingin.
"S-Sasali ka?"
"Yeah."
"Are we all required to join?"
"'Wag kang sasali." Sabi nito sa matigas na boses.
"B-But if you'll join, I will too.." Sabi ko dito ng hindi nagiisip.
"Just don't, please." Sabi nito bago tuluyang bumaba ng kotse at pagbuksan ako.
Hindi ko na namalayan na nakarating na pala kami sa skwelahan, masyadong maraming tanong sa isip ko.
I want to be there too, kung sasali siya. Alam ko namang kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya pero iba pa din pag nandoon ako, mas makakampante ako pag nakikita ko siya.
And one more thing... My inner self is telling me to join the game.. I want to prove something.
if it really was me...
Natigil ako sa pagiisip ng tumunog ang telepono ko, kinakabahan man ay tinignan ko ito. Nakita ko rin ang paghinto ni Kairo, lumingon ito sa'kin bago tignan din ang kanya.
▪▪▪▪
You have a new notification from the game.
Click here to see content
▪▪▪▪
Nagloloko wattpad sa cellphone ko nakiupdate lang ako sa kapatid ko haha lab ko kayo e.
¤¤¤
FB: Alex Lyndon
Twitter: allayxzanFR
IG: allayxzanFR
BINABASA MO ANG
Enigma (SOON TO BE PUBLISHED)
Mystery / ThrillerEnigma is a game created for brave souls. A game app wherein you can be your own character. It was just a simple game at first until they realized that in the game, they were the ones being played. Enigma let's you own power that normal humans can'...