Mariin kong ipinikit ang mata ko, ilusyon lang ang lahat ng ito, c'mon Levi, don't be destructed by their thoughts.
"And so, the fourth group who completed level one is Karius'." Mabilis akong napadilat ng may marinig akong ingay, kahit inasahan ko na ito ay nagulat pa din ako ng makabalik kami kung saan kami nagsimula.
The room called level one, we are now back here, safe and sound.
"H-How?" Hindi makapaniwalang tanong ni Athena ng bumaling ito sa'kin.
I know it's weird, pero kanina ay naramdaman ko na may nagsabi sakin ng dapat gawin, as if my inner thoughts were helping me. Telling me what to do.
"You're not that useless afterall." nakangising sabi ni Karius bago guluhin ang buhok ko.
The fuck? Ano ako bata?
"Baka nakakalimutan mo nang iniligtas kita." Pag mamalaki ko dito pero tinawanan niya lang ako.
"I can save myself without your help, but thank you, I conserved my energy because of what you did." Mayabang nitong saad kaya nahampas ko ang dibdib niya.
"Yabang mo!" Natatawa kong sabi dito ng mapadapo ang tingin ko sa mga tao sa harap.
My friends were looking at me, pero umiwas sila ng tingin ng makita ako. I almost forgot! Buti nalang at nalagpasan din nila ang level na ito.
Pero iba nalang ang pagbilis ng tibok ng puso ko ng makita ko ang matatalim na tingin na pinupukol ni Kairo sa'kin, kung makatingin ito ay tila may mali nanaman akong nagawa.
"Karius, noon ko pa ito gustong itanong, pinaglihi ba kayo ng kuya mo sa sama ng loob?" Bulong ko dito bago mag nakaw ng isang sulyap kay Kairo.
My heart jumped when he chuckled. He then gave Kairo a glance before looking at me.
Ano bang nakakatawa sa sinabi ko? Curious lang ako.
"Don't mind him, he's always like that, possessive of his property." Sabi nito saka ako inakbayan na ikinagulat ko.
"Huh?" Naguguluhang tanong ko dito pero nginisian niya lang ako bago tumingin sa banda ni Kairo kaya napasunod din ako sa tinitignan niya.
"See? He'll be here in five...four three-" Naguguluhan akong tumingin sa kanya at kay Kairo na ngayon ay naglalakad na papunta sa direksyon namin.
"I know what you are doing Karius." Sabi nito ng may pagbabanta sa boses, madilim na mata nito ang sumalubong sakin. Lalong nadepina ang panga niya ng mag tagis ito noong sinulyapan niya ang kamay ni Karius sa balikat ko.
"What?" Natatawang saad ni Karius.
"Nothing's funny, Karius." May diing sabi nito.
"You're too obvious. Damn, kapatid ba talaga kita?" Ngayon ay mas natawa na ito, kabaligtaran sa binibigay na titig ng kuya niya na halos pinapatay na siya sa isip nito.
"Congratulations everyone. You can now go to your assigned quarters to prepare for the next round." Saka lang natigil ang dalawa ng may magsalita sa harapan, isa itong hologram ng taong nakamaskara.
"The game is just starting, be ready for more thrills and excitement." Pahabol na sabi nito sa nakakatindig balahibo na boses.
Bigla akong nakaramdam ng takot sa simpleng pagsasalita niya, paano pa kaya sa taong nasa likod nito?
"Go back to your group, aalis na kami." Pag tataboy ni Karius sa kuya niya.
Tinignan lang siya nito ng masama bago bumaling sa'kin na ikinakaba ko.
"Don't you ever walk out again, mababaliw ako." Bulong nito na mas nagpatindig ng balahibo ko kumpara sa boses ng nagsalita kanina.
It will always be Kairo who has this kind of effect on me.
"Mag pahinga muna kayo, kukuha kami ng makakain." Sabi ni Amiel bago lumabas ng kwarto na pinagpapahingahan namin.
Nasa sala kami ngayon ng quarters na ibinigay sa'min. Isa itong malaking unit na may dalawang malaking kwarto. Kumpleto din sa gamit at may kusina pa.
The game is just too generous to gave us these big rooms.
"Grabe 'yang game ha! Nagbigay bigay pa ng clue wala naman naitulong." Pag mamaktol ni Kagame.
"Sinabi mo pa! Pangulo lang ata yon."
"We should never trust the game itself talaga." Maarteng saad ni Kagame.
Napaisip ako sa pinag uusapan nila. 'Yan din ang kanina ko pa iniisip, ang kung anong naitulong ng natuklasan namin na sagot sa pagkahanap namin ng daan palabas.
"Mali kayo, malaki ang naitulong ng clue na 'yon para makalabas tayo." Sabay sabay kaming napatingin sa ngayon ay seryosong si Karius.
"What do you mean?" Naguguluhang tanong ni Athena.
"Pag dating palang natin sa lugar na 'yon ay iba na ang pakiramdam ko, tapos lumabas pa ang mga hupedes.." pang bibitin niya sa sasabihin at tumingin sa'kin.
"It was just a matter of minute for me to figure things out, kung hindi mo pa sinabi ay ako ang magsasabi non." I looked at him as he continue his talk.
"Hupedes never exist, sa lahat ng nakasalamuha natin sa lugar ay sa ilog lang may nagpakita na kakaibang nilalang. Their sudden appearance triggered our thoughts that the place was just an illusion."
He's right! Kung hindi kami pumunta sa ilog ay hindi namin makikita ang mga hupedes, kung hindi kami pumunta doon ay hindi kami nakatapos sa itinakdang oras.
Tuso ang laro, but true to it's words. Hindi madadali ang binibigay nilang clue, hindi ito pagkain na isusubo mo nalang, para mabusog ka kailangan pa itong nguyain.
"Tama ka, isa din yan sa dahilan kung bakit ko naisip ang paraan na 'yon." Namamanghang sabi ko.
Ilang sandali pa at dumating na rin sila Amiel kaya kumain na din kami, bukas na bukas pag putok ng araw ay pagsisimula na ang pangalawang parte ng larong ito, hanggang saan kaya ang itatagal namin?
Alam kong madami pang pagsubok ang nag aabang pero kakayanin ko ba kung etong una palang ay halos panghinaan na ako ng loob? Na sa tuwing makikita ko ang mga kaibigan ko ay masasaktan ako?
Sa totoo lang natatakot na ako sa mga pwede pang mangyari, hindi ko man ipakita, natatakot ako. Natatakot ako na dumating ang oras na mag isa nalang ako sa laban na ito.
Napailing ako sa naisip, stop being negative, Levi.
Nag pasya akong lumabas sandali upang makapag isip isip. Naglalakad ako sa hallway ng mga kwarto ng iba't ibang grupo ng may marinig ako na nag uusap.
"I don't know what your plan is, but please be safe." Napahinto ako ng makilala ko ang boses ng babae.
"I can't afford to lose you, sana lang ay nakukuha mo ang tiwala ni Levi sa ginagawa mo, lalong lalo na siya. Natatakot ako, pero magtitiwala ako sayo." Muling sabi nito.
Para akong naupos na kandila ng marinig ko ng malinaw ang sinabi niya. Hindi ako pwedeng magkamali, I knew that voice, I knew that so well that it hurts.
Hindi ko ata kakayanin kung susubikan ko pang lumapit, lalong hindi ko kaya na sulyapan pa kung sino ang kausap niya.
Eto na ba ang kinatatakutan ko, ang mahuli ko mismo ang pagtatago nila sa'kin?
. . . . .
Hiii guyys I need your help. Baka naman may i susuggest kayo na pwedeng magandang gawi sa mga susunod na level? I need your suggestions, hihi salamat sa sasagot. Though may mga naisip na ako, gusto ko pa din kunin yung suggestion niyo baka mas maganda hahaha.
Pm me sa gustong sumali sa gagawin kong laro at sa gc ng Enigma!
Enjoy reading! Votes and comments are highly appreciated.
C H A P T E R U N E D I T E D
BINABASA MO ANG
Enigma (SOON TO BE PUBLISHED)
Mystery / ThrillerEnigma is a game created for brave souls. A game app wherein you can be your own character. It was just a simple game at first until they realized that in the game, they were the ones being played. Enigma let's you own power that normal humans can'...