Athena's
Pagkatapos namin maibigay ang sagot sa tanong ay kasabay nito ang pagbabago ng lugar na aming kinalalagyan, nandito kami sa harap ng nagtataasang pader, kung hindi ako nagkakamali..
"Welcome to the final stage of Level 3. As you can see, this stage is called Maze Runner, all you have to do is find the exit and stay alive. Surprises awaits as you enter the maze. Goodluck, players!"
"Is the creator fan of that movie?" Natatawang umiling ako sa sinabi.
He's not just someone, he's a beast. A beast ready to eat us all, alive.
Naaalala ko pa noong unang beses ko siyang nakilala. Dahil sa matindi kong galit at inggit, dito ako nauwi.
"Your friends aren't coming, iha?" Tanong sa'kin ng tita ko, ngayon ang burol ng mga magulang ko, hanggang sa huling sandali ay umaasa akong dadating sila, kahit isa lang, hindi ko na kasi alam kung kakayanin ko pa ba.
Gusto ko ng sumuko.
Pero lumipas ang ilang buwan, ni hindi nila ako kinamusta. They didn't even bother to asked me how am I.
"It's fine, Athena. Hindi sila kawalan, your cousins and I were here for you, hindi mo sila kailangan." Pag alo sa'kin ng tita ko isang gabi habang nakatulala ako sa cellphone ko.
I'm not close with anyone, even with my cousins. Bukod sa mga magulang ko, sila Mystic lang ang itinuring ako na higit pa sa pamilya. We grew up together until my parents decided to migrate here, nawalan kami ng koneksyon dahil pinagbawalan akong gumamit ng kahit anong gadget dahil sa sakit ko, walang ibang naging daan para mag usap kami kung hindi ang tita ko.
"My poor Athena, hindi daw sila makakapunta dahil mas kailangan sila ni Levi, may pinagdadaanan daw din kasi ito, hindi nila maiwan." Pagbabalita ng tita ko..
Wala akong nagawa kung hindi umiyak, nag aalala ako sa kung anong nangyari kay Lex pero mas nananaig ang inggit at galit na naramdaman ko, kahit ilang oras, o isang araw, hindi ba pwedeng ipahiram?
I am a friend too, pero bakit kahit isang kamusta lang hindi nila maibigay? Oo umalis ako, pero hindi ibig sabihin non na iniwan ko sila, magpapagaling lang ako.
"Tita, hindi pa po ba nagrereply sila Ann?" Tanong ko isang araw ng maabutan ko ito sa lumang kwarto ng mga magulang ko, may ilan itong inaayos, agad nitong ininulsa ang hawak na alahas.
Kumunot ang noo ko sa nakita pero ipinagsawalang bahala ko ito.
"Ginulat mo naman akong bata ka." Masungit itong humarap sakin pero kalaunan ay lumambot din ang mukha.
"You see honey, your friends have their own life too, baka nakalimutan ka na din nila, move on, we're here for you, hindi mo na sila kailangan." Nakangiti nitong sabi pagkatapos ay niyakap ako.
Months after my parents passed away, I decided to go back, live my own life the way I wanted it.
Pinuntahan ko sila, akala ko maayos pa, baka marami lang silang ginagawa kaya hindi nila ako makamusta, baka may dahilan..
Pero para akong tanga na umiiyak sa isang sulok habang nakikitang masaya silang apat na pumapasyal sa isang mall.
I smiled bitterly as I turned my back on them. Hindi na nga nila ako naaalala, masaya sila ng wala ako, dapat ako din.
BINABASA MO ANG
Enigma (SOON TO BE PUBLISHED)
Mystery / ThrillerEnigma is a game created for brave souls. A game app wherein you can be your own character. It was just a simple game at first until they realized that in the game, they were the ones being played. Enigma let's you own power that normal humans can'...