Warning: A big revelation awaits you. Brace yourself, fam love lots.💖
--"I can't remember when was the last time I fought for the sake of living." Natatawang sabi ni Wave pagkatapos ilabas ang armas niya.
"Don't be too hard on them, hangga't maaari 'wag niyong pupuruhan, patulugin lang." Natatawang sabi ni Mystic lalo na ngayon ay ang kaharap niya ay si Kagame na mukhang wala sa sarili.
"I can't promise that. This guy infront of me is pissing the hell out of me." Asar na isik ni Karius doon ko napagtanto na ang kaharap niya ay ang lalaking minsan na namin nakaharap sa level one ng game.
"Eight against the world na ba ito?" Hindi ko mapigilang matawa sa sinabi ni Sue. Ang OA niya! Wala pa sa trenta ang kaharap nila.
Gusto kong kabahan dahil madami ang kalaban at ang ilan pa dito kaibigan namin pero hindi ko alam kung bakit ang kampante ko, may kung ano sa loob ko na sinasabing kayang kaya nila yan.
"Don't mind them, ako ang kaharap mo, seloso ako Levi." Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa pandidiri sa sinasabi niya. This guy's pissing me off.
This time, I know what to do.
Itinaas ko ang kamay ko at tinuloy ang pag kopya ng kapangyarihan ni Kairo, ito ang unang beses kaya hindi ko mapigilang hindi kabahan at magalak sa gagawin ko. Watch how I mimic your power, baby.
Napangiti ako ng maglabas apoy ang parehong kamay ko. I almost forgot, I tried copying it before, sa sasakyan niya noong pinilit kong makatakas sa kanya.
Hindi ko mapigilang hindi mapangiti. We've all come this far. Malayo na kami sa mga simpleng studyante na nag aaral sa Hale Academy. Naaalala ko pa din kung paano kami nagkakila-kilala. Parang kahapon lang ang lahat. Ang excitement na naramdaman ko ng matuklasan ang kapangyarihan na kayang ibigay ng Enigma, ang mga araw na akala ko normal na mga tao lang kami na nabigyan ng pagkakataon maranasan magkaroon ng ibilidad na kailanman ay wala ang mga normal.
Ang mga pagsubok na nalagpasan at pinagdanan namin, sinubok kami ng tadhana pero ang lahat ng ito ay ang nagpatibay samin at sa aming samahan, ngayon masasabi kong buong buo na ang tiwala ko sa kanila, may malaman man o bumalik ang ala-ala ko, hinding hindi ko na sila pagdududahan. May mga sekreto man, sama-sama pa rin naming hinarap ang lahat. Buong akala ko noon ay trinaydor na ako ng mga taong pinagkakatiwalaan ko, yun pala ay may rason ang lahat.
I am no longer the scared cat. Hinubog na ako ng mga karanasan at napagdaanan ko. With all my strenght, ibinato ko sa kanya ang bolang apoy na binuo sa kamay ko. Nakaiwas siya sa una pero sinigurado kong hindi sa pangalawa.
Hindi niya inaasahan 'yon kung kaya't tinamaan ko siya sa braso. Ngumisi siya at ngayon ay siya naman ang sumugod sa'kin. Hindi ko pa alam kung ano ang totoong kapangyarihan niya pero base sa mga nakita ko, hindi lang iisa ang kaya niyang gawin.
Itinaas niya ang kamay at mula dito ay umangat ang mga nagkapira-pirasong bato na nasira kanina, umikot ito sa ere ng parang naging malaking ipo-ipo. Napatayo ako ng maayos ng bahagya akong gumalaw sa kinatatayuan ko ng matangay ako ng hangin na mula sa ginawa niyang ipo-ipo.
"This will hurt a bit, baby." Nakangisi niyang sabi. He's out of his mind.
Mabilis akong nag isip ng dapat gawin, he's using a ability like Mystic's kaya ito ang pinili kong gayahin din. Mabilis kong inilagay sa harapan ang parehong kamay at ibinuka ito, handang ipangsanga sa gagawin niyang pag atake.
This should work, I reminded myself. Kung hindi ay siguradong mapupuruhan ako.
Walang pagaalinlangan niyang ibinato ang tira sa'kin at pikit-mata ko itong sinanga gamit ang kamay. Inisip kong mahihigop ko ang tira niya at nang tuluyan kong nagawa, ibinalik ko ito sa kanya ng may dobleng laki at lakas.
BINABASA MO ANG
Enigma (SOON TO BE PUBLISHED)
Mystery / ThrillerEnigma is a game created for brave souls. A game app wherein you can be your own character. It was just a simple game at first until they realized that in the game, they were the ones being played. Enigma let's you own power that normal humans can'...