Level 115

1.5K 95 54
                                    

"What made you think that you can kill me?" Nawala ako sa pag iisip nang magsalita si Mystic.

In situation like this, my fear should be lessen by the attitude she's showing against her enemy. But no. Lalong nadagdagan ang kabang nararamdaman ko ng ngisi lang ang isukli sa kanya ng lalaki.

"Do you think you can beat me with the strength you have now?" Nang aasar na hamon ni Mystic.

"I thought I was wrong when I found things suspicious that day, tama pala ako." Dugtong nito na nagpakunot sa kilay ko,

Naguluhan ako sa ipinakita niya dahil kung magbitaw siya ng salita ay tila ba kilala niya ang lalaki sa likod ng maskarang ito. Lalo tuloy akong nabahala.

"We'll see." Ang ngisi sa labi nito ay napalitan, sumeryoso ang mukha niya.

Hindi niya sinagot ang tanong ni Mystic, kung tanong man 'yong matuturing. There's something in him that I couldn't name.

"Let's make this fast." Hamon ng lalaki. Ngayon ay si Mystic na ang ngumisi at ihinanda na ang kanyang armas. Nakamaskara man ang lalaki ay hindi nakatakas sa paningin ko ang pag tingin nito sa gawi namin.

Sandaling nagtama ang mga mata namin pero mabilis din itong nag iwas. Hindi ko alam kung ako lang ba pero nakita ko ang sandaling paglambot ng mukha niya. Hindi ko lang sigurado kung para saan--- kung para kanino.

Si Mystic ang unang gumalaw, pinaangat nito ang sarili at gamit lamang ang pagkumpas ng mga kamay ay napaangat niya ang ilang naglalakihang bakal sa gilid ng arena at iwinaksi ito patungo sa kalaban.

Halos hindi ako kumurap sa nangyari, inaabangan ko ang gagawing hakbang ng kanyang kalaban. Iiwas ba siya o sasabayan ang atake?

"Fuck." Mahina akong napamura ng ginawa nito ang hindi ko inaasahan.

In just a snap, napasunod niya ang mga bakal na kanina lang ay si Mystic ang kumo-kontrol.

"Same telekinesis. Now more suspicious, isn't it?" Nagulat ako ng biglang magsalita si Karius sa likod ko.

What does he mean by that? Are we, by any chance, thinking the same of the person behind that mask?

"Kagame won. Isang panalo nalang ang kailangan." Seryosong saad ni Chino mula sa likod. Maging ito ay parang may malalim na iniisip.

"Athena, you're next." Saad ni Kagame dito.

"A-Ah sige." Kumunot ang noo ko. Namumutla ito. Kinakabahan ba siya?

"She doesn't look fine, pwede naman na ako na ang lumaban." Pag pi-presinta ko pero hinarang ni Athena ang kamay sa harap ko,

"I'm fine, l-let me do this." Labag man sa loob ko na palabanin siya na nasa ganitong sitwasyon ay hindi ito nagpaawat.

Si Unica ang kalaban niya. That girl is dangerous, I knew her, she became one of my task before, sila ni Frances.

Ngayon ay hindi ko na alam ang mararamdaman ko. Dalawa sa kaibigan ko ang nakikipaglaban nanaman sa harapan ko, ang hirap na manood lang. Buti nalang ay naging maayos ang laban ni Nico at Ann dahil kung hindi ay baka nauna pa akong bumigay sa kanila.

"Calm down Lex," Sabi ni Nico ng makitang napatingin ako sa gawi nila. Am I that obvious?

"She's right. Kung nag aalala ka para kay Mystic, maniniwala talaga akong hindi pa nga bumabalik ang ala-ala mo." Natatawang sabi ni Ann.

Tama Levi, kung hindi sila kinakabahan dapat ikaw din. Now that you've lost some of your memory, they knew her better than you do. Dapat maniwala lang din ako na kayang kaya ni Mystic ang kalaban.

Enigma (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon