Game Love Over

35 1 0
                                    

PROLOGUE

Gabing walang nakakaalam na may mangyayari o wala.

Madilim, maliwanag, may ingay, tahimik, uulan…

Bumabagsak na nga ang ulan sa mga bubong ng bahay. Maingay ang yero at kalansik ng mga ito sa pagpatak ng hindi mabilang na ulan.

Ako'y naghihintay…

Naghihintay sa pagdating ng aking mga magulang.

Dahil ang araw na ito ay ang tinatawag nilang 'Christmas Eve'.

At ito'y ang special family day ng bawat isa sa mga pinoy.

11:00PM

1 hr before C

Napakatagal ko nang  hinihintay yung parents ko.

Asan na ba sila?

Siguro gusto pa nila akong isurpresa.

Yes! Excited na talaga ako.

Snake Road pababa ng L'il Town,

kung saan ako ngayon nagdodorm. Tinawagan ako kanina ni Mama at nagsabing pupunta daw sila dito mamaya para hindi naman daw ako malungkot.

Minsan lang kasi kami talaga nagkakasamang pamilya.

At only son lang ako.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan sila,

"Ma, nasaan naba kayo? Ang tagal n'yo?

 Malapit na ba kayo?"

"Easy ka lang darling. Parating…

 Pa-ra-ting… "

"Ma?! Choppy ka…"

"Darling, ma-hal ka… namin…"

At biglang may narinig akong malakas na pagbangga ng kotse.

Nakaramdam ako ng takot, sobrang takot!

Tumakbo ako sa baba at sumakay kaagad sa motor ko. Kahit walang helmet ako'y hindi na nagdalawang isip at humarurot sa kalye.

Nakarating ako sa lugar na madilim, sobrang dilim at malakas ang buhos ng ulan.

Kahit sobrang dilim, nakita ko…

nakita ko ang kotse ng parents ko…

Natakot ako…

Sobrang nanginginig ang pakiramdam…

Hindi ko kayang tignan…

Hindi ko kayang tanggapin…

Wala…

Wala…

Kasabay ng matinding buhos ng ulan, ang buhos ng luha sa'king mga mata.

Napakasakit…

Ng mawalan ng mahal sa buhay...

Game Love OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon