SI LALAKERO AT BABAERO

32 0 0
                                    

Isang linggo na ang nakalipas. Ngayon ay sembreak na ng mga estudyante.

Kahit na walang pasok ay marami pa rin ang nagpupuntang estudyante sa kanilang paaralan lalo na ang mga club members, dahil sa pagbalik nila ay sportfest na.

Napakatahimik na, 'di tulad ng dati.

Napakasarap sa tenga at isip na ang isang malaking universidad ay pwede pala maging tahimik.

Ngayon, sa mga oras na ito, ako si Kei ang taong nakilala n'yong babaero, ay tinitignan ang puntod ng aking mga magulang.

Umuulan ang kalangitan, sumasabay sa aking mga kapighatiaan.

"Napakalungkot po…

 Ganito po ba talaga … pag nagmamahal ka?

 Kung ganon ayaw ko na...

 Sorry po."

Basang basa sa ulan…

Walang payong e…

Nang may lumapit kay Kei at pinayungan s'ya. Isang magandang chix (maputi, mahaba buhok, cute, maliit, cute pumorma; yun lang naman ang type ni Kei sa babae, na sasabihin n'yang asawa n'ya.) ang lumapit sa kanya at nagsimulang magsalita.

"Isa sa mga masakit na pangyayari sa 'ting buhay

 ay ang mawalan tayo ng minamahal sa buhay."

Tumingin si Kei sa kanya at nagulat s'ya na napa-isip, "Asawa ko?"

"Sino sila?", tanong ng chix.

"Mga magulang ko…", balik ni Kei.

"Sorry…

 Ibig sabihin, mag-isa ka nalang?"

"Oo."

Dumikit yung babae sa kanya at hinawakan yung kamay n'ya at nagsabi…

"Pwede bang ako nalang ang mag-alaga sayo?"

Sa kabilang dako naman… Si Pia.

Isa siya sa mga cheerleading squad kaya siya ay nasa campus ngayon at nagpapraktis.

Waterbreak…

Napansin ng mga kamembers n'ya ang pagkalungkot at hindi pagngiti ni Pia.

"Pia, ayos ka lang?

 May problema ka ba?", tanong nila.

"Ayos lang."

"Sigurado ka ha?"

Tapos bumalik na sila sa praktis. Nang biglang naaksidente si Pia, na hindi sinasadyang mali ang paghagis sa kanya.

Buti nalang may sumalo sa kanyang lalaki.

Ang cheerleading crush ng bayan.

"Ayos ka lang Pia?", tanung nito.

"S-salamat."

Dahil 'don, nagsimula ang magandang pagtitinginan ng dalawa.

Ngunit…

Sa mga sumunod na araw may bago ng gf at bf ang dalawa, si Pia at si Kei.

Ngunit, bakit ganon?

Game Love OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon