ANONG NANGYARI? PART 1

16 0 0
                                    

 Masaya bang malaman na crush ka rin ng crush mo?

Para sa'kin…

2 minutes lang… " ~kat kat ~

"Break na tayo?"

Huh?

Bakit?

Anung nangyari?

1 week bf gf lang ang dalawa?

Kala ko ba gusto nila ang isa't isa?

*Sigh*

Buhay…

Ganito talaga ang nangyari…

The week of the school festival.

Ang lahat ay handa na sa mga kanilang dapat gawin. Mga presentasyon, mga kagamitan, mga desenyo ng lugar, at kung anu-anu pang mga walang kinalaman sa festival tulad ng mga pagkabisado ng linya kapag ikaw ay manliligaw.

Walang kwentang gawain…

Pero yun na nga…

Nasaan na nga yung dalawa nating bida?

Hayun at magkasabay pang pumasok sa campus nila, with holding hands pa.

Ang sweet nila diba? Parang hindi na sila mapaghihiwalay.

Pero hindi pa rin…

Nasa roof top yung dalawa, silang dalawa lang ang nandoon.

At dito na kinausap ng babae si lalaki…

"Ahhhh…

 May itatanong ako sa'yo. Ok lang ba?"

"Sige lang."

"Ahhhh…

 Wala… Wala ka bang ibang babae bukod sa'kin?

 Yung totoo ha?"

"Wala no.

 Ikaw lang kaya mahal ko."

"Maniwala??

 E panu na si Janine?

 E kayo nun diba?

"Wala na kami nun.

 Nakipagbreak na ko dun."

"Totoo ba yan?

 Sure ka bang hindi ka nagsisinungaling?

 Hindi ka talaga babaero?"

"Oo naman no."

"=)

 Ang cute cute mo talaga.

 Ayaw ko kasi talaga sa mga sinungaling eh."

"Promise!

 E kung ikaw tatanungin ko, play girl ka ba?

 Siguro naman hindi?

 Sa cute mong yan."

"Hehe…

 Hindi naman ako ganun.

 Masama kaya yun.

 Ayoko kayang may masaktan.

 Ahhh…

 Pwede bang magtanung ulit?"

"Sige lang.

 Kahit ilang beses pa yan. Basta ikaw."

"Pwede bang magdate tayo bukas?

 Tayong dalawa lang. =") "

"=")

 Sige. Sabi mo eh."

So the next day…

Andun yung dalawa sa may café. Dun yung napag-usapan nilang lugar.

So nandun na silang dalawa, kakaupo palang at nilagay ang kani-kanilang phone sa ibabaw ng mesa.

Biglang…

(tumutunog yung message tone sa phone nilang dalawa)

Sabay na tinignan ng dalawa yung phone nila.

"Bhebx. Nasaan ka na?

 Sabi mo mauuna ka dito?",

 sabi sa message kay lalaki.

"Mahal. Andito na ko.

 Hintay kita dito sa tagpuan.

 =) "

 , sabi sa message kay babae.

"Hala! Panu 'to??

 (end of the world ang moment)

 Si 1st andun na.

 Patay!

 Kakapunta pa lang namin dito ni Pia.

 Anung lusot ang gagawin ko?!"

While kay Pia…

"OMG!

 Anong gagawin ko?

 Hindi naman pwedeng umalis ako agad kasama n'ya.

 Patay ako!

 Panu na???"

At saba'y silang tumayo at sabay din nilang ikinagulat. At sabay din nilang sinabi,

"Pupunta lang ako sa banyo."

Ulit, nagulat silang dalawa. At sabay ring tumawa.

Pagkatapos, sabay na rin silang nagpunta sa banyo.

Pagkapasok sa mga sariling banyo, sa lalaki't babae,

biglang…

.

.

.

.

To Be Continue...

Game Love OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon