Nakita ko S'ya

51 0 2
                                    

6 na buwan ang nakalipas…

Simula na ulit ng pasukan sa paaralan at ang lahat ng mga estudyante at bagong estudyante ay super excited sa pagpasok sa kani-kanilang paaralan.

Napakasayang pumasok sa unang araw ng pasukan diba mga istudyante?

Pero sa pagkakataong ito, para sa'kin…

Hindi…

Ako ngayon ay nasa kolehiyo na.

Malaki at kilalang eskwelahan ang aking napasukan. Maraming estudyante at magagaling ang mga professor. Wala na akong masabi maliban sa mga yon.

Umalis ako ng dorm sa paraang hindi ako talaga. Malungkot at wala sa mood tumawa o ngumiti man lang.

Hanggang ngayon malungkot parin ako…

as in sobra…

Sakay-sakay ng motor kong Ducati, hanggang sa pagbaba sa eskwelahan, ay walang pinagbago ang sarili ko.

Hindi masaya, walang imik.

Gusto ko ng agad pumasok sa silid-aklatan at magbasa ng magbasa. Pero naalala ko nga pala yung first class ko ay sa mga ganitong oras ang simula.

At yun nauwi ako sa paghahanap ng room ko.

Mag-isa…

Walang kasama…

Habang naglalakad nakikita ko ang bawat estudyante na may kaibigan sa tabi nila.

Sanay na ko sa mga ganyan…

Pero ang sa ikabuturan ng aking kalooban, hindi…

Naiinggit ako!

"Gusto ko ng makakausap…

  o kaya kaibigan…"

Sa wakas nakita ko na yung room ko. Walang pagdalawang isip at daglian pumasok ako sa room.

Unti lang ang tao… bakit ganon?

Kala ko ba kilala 'tong school na 'to?

Tapos napansin ko lahat sila nasa likod ko lang pala.

Lahat sila babae…

Anu bang nakasulat sa likod ko at nandun sila?

Puro babae ang napasukan kong section.

At biglang pumasok sa isip ko,

"PBB TeenS?!"

Yes! Marami akong pwedeng maloko dito.

Sa dami ko ng naging GF, expert na ko sa pangloloko.

Sino kaya ang pwede kong unahin sa kanila?

Pumikit ako sandali at nag-isip sa una kong gagawin sa una kong mabibiktima.

Nang may biglang lumapit sa'kin at nagtanong,

"E'Cute me?

 May nakaupo na ba sa tabi mo?"

Narinig ko ang cute na boses ng babae, pero hindi ko pinansin at sinabi ko lang,

"Ewan ko…"

"Ah…"

Kulet neto ah!

Tignan ko nga kung sinong…

"Sh*t!

 ANGHEL!"

Lakinggulat ko, na walang reaction, na isang chixs pala ang lumapit sa'kin.

Maliit lang s'ya, pero attractive.

At ako namang nagsabing,

"Oo. Cute ka."

To be Continue...

Game Love OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon