ANONG NANGYARI? PART 2

29 0 0
                                    

"Pupunta lang ako sa banyo."

Ulit, nagulat silang dalawa. At sabay ring tumawa.

Pagkatapos, sabay na rin silang nagpunta sa banyo.

Pagkapasok sa mga sariling banyo, sa lalaki't babae,

Biglang naglabas na ng phone yung dalawa at tinawagan yung kanilang mga unang biktimang gf/bf.

Pagkatapos, naunang sumilip si lalaki sa labas kung nandun na si Pia sa labas. Nung makita n'yang wala pa, kumaripas na agad s'ya ng takbo at nagtungo sa tagpuan ng una n'yang biktima.

Samantala kay Pia, mga ilang segundo ang nakalipas, sumilip din ito kung nandoon na si babaero n'yang bf. Nung makita n'yang wala pa, kumaripas na agad s'ya patungong tagpuan din ng kanyang unang biktima.

At alam n'yo ba kung saan ang tagpuan nitong dalawang 'to?

Parehas lang naman silang sa campus garden ang tagpuan.

So ayun, nauna na nga si babaero dun. Andun s'ya sa may ground floor ng garden pumwesto.

Ilang saglit pa ay dumating na rin si Pia sa may garden, pero dun s'ya sa first floor dumaan kaya nasa first floor s'ya ngayon.

Nakita n'ya agad yung unang lalaki n'ya, at pumunta s'ya dun.

Andun sila sa lugar kung saan makikita yung ibaba (ground floor) ng garden.

Samantala, dumating na rin yung unang biktima ni babaero nating bida. At alam mo ba kung saan sila nakapuwesto?

Sa ilalim lang naman nila Pia, kaya kitang kita silang dalawa.

Nung nakaupo na sa bench, lumingon-lingon si babaero para tignan kung may ibang tao sa paligid.

Nung may makitang tao sa itaas nila,

tinitigan n'ya ito at inisip…

"PBB TeeNs??!!"

Pero ito talaga yung inisip n'ya…

"Huh?

 Parang si Pia yun ah?

 Hindi ko makita.

 Ang labo na talaga ng mata ko.

 Pero imposible namang si Pia yan.

 Andun lang naman s'ya sa banyo eh.

 Tsaka hindi naman n'ya ako lolokohin.

 Wala sa itsura n'ya."

Samantala sa kabilang dako… Inisip...

"Hala? Si --- yun ah!

 Hmmm…

 Hindi siguro…

 Kamuka lang.

 O kaya friend n'ya lang yung katabi n'ya.

 Alam ko hindi ako lolokohin ni --- ."

After 2 hours… sa may campus locker.

Iba nanaman ang mga kasama nilang bf/gf. Yung pangalawa nilang biktima. Nakaopen yung mga locker nila kaya natatakpan yung mga muka at katawan nila; nakikita lang ay yung mga binti at paa nila.

Lumingon si Pia sa paligid ng saglit lang, nang may makita s'yang katulad nila ng ika-2 bf n'ya ang pwesto. Nakita ni Pia yung maong ng lalaki, at inisip…

Game Love OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon