GOODBYE

12 0 0
                                    

Monday…

"(dumidilat na mata)

 N-nasaan ako?", sabi ni Pia sa kanyang sarili.

Tinignan n'ya ang buong paligid at napagtanto n'yang nasa clinic s'ya ng campus.

Nang bigla n'yang naalala ang kahapon pangyayari.

"Dapat, patay na ako ngayon?

 Anong nangyari?"

Dumating ang babaeng head nurse…

"Good morning Pia.", bati nito.

"Good morning din po."

"Alam kong nagtataka ka kung bakit buhay ka

 pa.

 Kasi may nagligtas sayo."

"Si Kei po ba?"

"Oo, si Mr. McKenny.

 Isa s'yang maipagmamalaking estudyante

 ng bansang ito. (malungkot) "

Masaya ang naging reaktsyon ni Pia dito. Inaasahan n'yang si Kei talaga ang magliligtas sa kanya,

"Nasan po s'ya?

 Ok naman po ba s'ya?"

" . . . "

"B-bakit po? (natatakot)"

"Nung nakaraang taon, parehas namatay ang

 magulang ni Kei sa isang car accident. Walang

 naiwan sa kanya na mga mahal n'ya sa buhay.

 Mag-isang anak lang naman s'ya ng pamilya.

 Hanga ako sa pagpapalaki nila sa unico iho nilang

 anak ng isang mabait at matulunging tao.

 Alam kong matutuwa sila sa ginawa ng kanilang

 anak."

"(natatakot)

 Wag n'yo pong sabihing…

 (nagulat)"

"I'm sorry to say, pero wala na si Kei, Pia"  

Nagsimulang tumulo ang luha ni Pia sa kanyang mga maamong mata.

Ang mga oras na lumubog na si Pia sa pool, biglang tumalon si Kei sa pool at iniahon s'ya sa tubig.

Kahit hingal na hingal at inaatake ng kanyang sakit, nagawa pa rin ni Kei ang mouth to mouth resuscitation kay Pia.

Pinilit n'ya ang hangin na lumabas kahit na may iniindang sakit.

Ilang saglit pa ay nagawa n'yang ibalik ang paghinga ni Pia.

Ngumiti si Kei at masaya ulit nakita ang kanyang pinakamamahal sa mundo.

Bumagsak si Kei at nawalan ng malay…

Pagdating ng medic ay nakita silang dalawa na nakahiga sa sahig.

Game Love OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon