SORRY... I LOVE YOU

28 0 0
                                    

Sunday. Ang araw ng pahinga para sa lahat ng taong nabubuhay sa mundo.

Lahat ay dumadating sa pangyayaring ito ng ating buhay.

Kahit sino, at walang nakakaalam kung kailan at saan.

Bahay nila Cherry

"Salamat Cherry.

 Sa lahat.

 Hindi ko makakalimutan ang lahat ng ginawa mo

 para sa 'kin.", sabi ni Kei.

"Sigurado kang ayos ka lang?

 Wag kana muna kaya umalis?", sabi ni Cherry.

"Wag kang mag-alala.

 Mas inaalala ko pa yung exams ko ngayon e."

"Basta, lagi kang mag-iingat."

Umalis na nga ng bahay nila Cherry si Kei at dumerets'yo na sa kanilang campus.

Si Pia at ang kanyang bf ay nasa campus ngayon. At sila ay papunta na ng pool arena para sa exam sa swimming class.

Habang naglalakad silang dalawa…

"Ah, Mark.

 May sasabihin sana ako sayong importante."

 ,sabi ni Pia.

"Importante?

 Ano naman yun."

Biglang dumating yung mga katropa n'ya at hinila s'ya nito palayo kay Pia.

"Teka lang!"

"Mamaya mo nalang sabihin."

Si Kei ngayon ay nasa loob na ng examination room, at s'ya ay kumukuha na ng exam.

Parang maning-mani lang sa kanya ang lahat.

Nadadalian lang s'ya.

Ngunit sa kalagitnaan ng kanyang pagsusulit, tinamaan s'ya ng kanyang sakit.

Nawawala nanaman ang kondisyon ng kanyang puso.

Kaya bigla s'ya napahawak sa dibdib n'ya.

Pero hindi n'ya 'to pinahalata sa klase.

Sa wakas natapos na ni Kei ang exam, at s'ya ang unang-unang      nakatapos.

Lumabas s'ya at pupunta na sana s'ya sa plano n'ya na magtapat na kay Pia ng kanyang totoong nararamdaman.

Pero kelangan muna n'ya magpunta sa banyo.

Balik tayo sa pool arena…

Andoon na si Pia at kaharap n'ya na yung bf n'ya, silang dalawa lang.

"Sorry.

 Ang totoo n'yan may nagmamay-ari na ng puso ko.

 Pasens'ya na talaga.", sabi ni Pia.

"Ibig sabihin. Hiwalay na tayo?!

 Ano 'to?! Lokohan?!", galit niyang sabi.

"Sorry. Sorry talaga.

 Ayoko lang magsinungaling sa sarili ko, at sayo."

Game Love OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon