HETO NA BA YUN?

21 0 0
                                    

Isang magandang araw at ang lahat ng nasa campus ay sobrang sigla. May tumatambling, tumatalon, lumilipad, gumagapang, lumalangoy, at lumalakad… ng pabaliktad.

Masarap talaga gawin ang lumakad ng pabaliktad, pero hindi talaga yon kasama sa mga gagawin ng bida. (sayang)

Nasa classroom ngayon ang mga magkakaklase. Nagmeeting tungkol sa gagawin nila sa festival ng school. Bongga diba? Sa school lang nila meron n'yan.

At ang napagmeetingan nilang section ay ang magperform through cheer dancing performance.

Masaya yun diba?

At kinabukasan nga ay nagsimula na silang magpraktis-praktis sa gymnasium sa bandang likod ng kanilang campus.

Marami silang kasali lalo na mga babae, dahil nga halos lahat sa klase nila ay puro babae. At sa praktis uunti lang silang lalaki kaya yung ibang babae naglifter na rin.

Pero sa tagal ng mga araw ng kanilang pagpapraktis, ang iba sa kanila ay nagkakaron ng magandang relasyon sa isa't isa. Parang PBB TEENS.

Teka nasan na nga ba yung mga bida natin?

Ah yun na pala at laging nagkakatinginan.

Kung titingin yung lalaki sa babae, iiling si babae, at vice versa naman din kay lalaki.

Pero si babaero nating bida ay masyado talagang papular sa mga babae kaya ang daming humahawak sa kanya at lagi s'yang niyayakap.

Yung gf naman n'ya sa section nila ay hindi sumali sa cheerdance nila kasi may sakit s'ya kaya ganun.

Kaya ganun nalang s'ya kung makipaglandian sa mga girls nila.

Pero kapag talaga napapatingin s'ya kay Pia ay parang nagiging good boy s'ya.

Nung mga oras na lunch time nila, maraming nagyaya sa babaero nating bida na girls para makikain sa kanila.

Pero isa lang talaga ang hindi n'ya naayawan. At yun ay si Pia.

Habang tumatagal lalong lumalim ang kanilang pagtitinginan.

Hanggang sa dumating na nga ang pagtatapos ng kanilang pagpapraktis dahil bukas ay performance na.

Dito naglakas na ng loob si babaero nating bida, at nag-isip muna s'ya ng ganito,

.

.

.

PBB TEENS!!

Seryoso na ba talaga si babaero nating bida?

Impossible?

Hinarap n'ya si Pia at lumanghap ng sariwang hangin…

Tapos…

.

.

.

.

.

.

Bumulong…

bumulong s'ya sa tenga nito.

.

.

.

.

.

.

.

.

Narinig mo?

Malamang hindi. Bulong nga eh.

Pero heto talaga ang sinabi n'ya,

"Crush kita!"

Nagulat si Pia, at nagblush…

At s'yang binalik n'ya,

"Crush din kita!"

WOW!

At natupad na ang mga pangarap netong ating mga bida.

Naging magsyota na ang dalawa.

And they live happily ever after…

.

.

.

.

.

.

Pero hindi ganon ang nangyari.

After a week…

Sabay na pumasok si Pia at babaerong bida sa room sa magkabilang pintuan.

Dumeretsyo sila sa kanilang mga upuan na kung saan magkatabi sila.

Pagkatapos ay sabay na nagkaharap sa isa't isa.

At sabay na nagsabing,

"May sasabihin ako sayong importante."

 ,sabi ni babae.

"May dapat kang malaman."

 ,sabi naman ni lalaki.

Nagulat ang dalawa kasi nagkasabay sila. Pero hindi sila natigilan at nagpatuloy sa sasabihing importante…

At heto na nga, na sabay pa nilang binanggit...

"Break na tayo…"

To Be Continue...

Game Love OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon