Chapter 2

56 9 0
                                    

Pasado alas 10 na nang umaga nang makarating si mama galing palengke. Kaya tumulong na lang ako sa kanya sa paghahanda para naman makapagpahinga sya nang konti.

"Ma ako na nyan umupo ka muna."

"Naku wag na anak,ako na lang." ni mama.

"Maaa, ako na lang magluluto ha? Maupo ka muna dun, at saka nakakahiya sa bisita natin." sabi ko.

"Haa?! Ano? May bisita ka? Sino? Asan?"

Ngumuso ako at tinuro ang pinakamamahal kong bisita.

"Haaay naku sayo Ella! Baliw ka na talaga. Karton lang yan di yan totoo, eh di nga umiihi yan eh." ni mama.

"Mamaa naman oh? Hayaan muna ako, okay? I will be chasing that dream ma...."

"Ano bang dream yan? Eh mukha ka lang namang tanga jan sa ginagawa mo... Obssessed ka lang, di yan love tanga!"

"Mama naman eh.... Dun ka na nga lang, ako na bhala rito."

Hindi nagtagal ay pumayag na din si mama na ako na lang yung magluluto. Umupo muna si mama sa couch na andun sa dining room namin habang ako ay busy sa pagluluto.

Ilang minuto pa lang ang nakalipas ay natapos na rin ako kaya inihanda ko na lang ang lahat sa hapag.

"Maaa halika na kain na tayo." tawag ko kay mama.

"Hhmmmm, mukhang masarap ah." ni mama.

"Ayy naku ma, masarap talaga yan kaya kain na tayo."

Pinagluto ko lang naman si mama sa paborito nyang menudo.

"Hhmmm masarap nga! Siguro dapat ka nang magkaroon nang jowa anak. Tumatanda na ako at saka nasa tamang edad ka na naman para makapag asawa." ni mama habang patuloy pa rin sa pagkuha nang pagkain nya.

"Mamaaaa naman oh? Masyado pa akong bata para sa mga bagay na yan at saka handa akong maghintay noh hindi ako mag-aasawa hanggat hindi ko alam kung wala ba talaga akong chance na ma notice dun kay Suga." sabi ko kay mama sabay tingin sa standee ni Suga na nasa gilid nang fridge namin.

"Okay okay! Ikaw ang bahala Ella. Basta ito yung tandaan mo ha, walang nagmamahal nang hindi nasasaktan."

"Opo ma. Kain na po tayo ha?"

"Pero wala naman akong problema sayo kasi di naman yan pagmamahal yang nararamdaman mo."

Napanguso na lang ako sa sinabi nito at ngumiti.

"Oh syanga pala kanina sa palengke, nagkita kami ni Jerwin kinakamusta ka nya." ni mama.

Gaaaad! speaking of the devil, ay nabilaokan ako. Langya talaga tong unggoy na 'to.

"Oh? anyare sayo? okay ka lang ba?"

"Mama naman kasi eh, wag na po kayo makipag usap dun sa taong yun."

"Bakit? mabait naman na bata yun di ba? At saka di ba naging kayo din?" tanong ni mama.

"Maa, noon lang yun. At ayaw ko nang balikan pa yun."

"Oh sige kumain ka muna, ako na bahala sa pagliligpit nito mamaya."



Pagkatapos naming kumain ni mama ay umakyat na lang ako sa kwarto ko at saka ko ibinagsak yung sarili ko sa kama.

Napaisip tuloy ako dun sa gagong yun! Walang hiya talaga sya hinding-hindi ko nakakalimutan yung ginawa nya sakin kahit ilang taon na yung nagdaan. Kapal nya talaga!
Sa isip na yun ay nainis tuloy ako sa kanya. >.<

"Sige na Ella, matagal na rin naman tayo eh."

"Jerwin naman eh, hindi pa ako handa sa mga bagay na yan."

Chasing DreamsWhere stories live. Discover now