"Wow! Ang galing mo talaga mag drawing Ella." papuri sakin nang kaibigan kong si Amy.
"Alam mo Amy, kung mabibigyan lang ako nang pagkakataon na makapunta sa ibang bansa, gusto ko talaga pumunta nang Korea at dun ko tutuparin ang lahat nang mga pangarap ko." sabi ko sabay hinga nang malalim.
Noon pa lang pangarap ko na talaga na maging isang magaling na graphic artist pero sa ngayon ay kasalukuyan akong nagtatrabaho dito sa Sunrise group of companies bilang isang interior arts designer, in short ako yung taga drawing at taga disenyo sa panloob na anyo nang mga buildings.
Katrabaho ko naman si Amy, sya yung financial manager namin. Halos tatlong buwan lang din naman yung agwat namin kaya ayaw nya na tatawagin ko syang maam kasi nga daw masyadong pormal haha!
"Ano na naman bang pangarap yan? Yung magiging boyfriend yung KPop idol na yun? Ano nga ulit pangalan nun?"
"Min Yoongi pero screen name nya yung Suga."
"Asoooos! Asa ka pa dun, hindi yan mangyayari ano pa'no ba naman eh isa syang idol at saka pangit kaya nang pangalan mo ELLA YOONGI? Okay ka lang ba?" sabi nya saka tumawa.
"Amy, Min yung apelyido nya hindi YOONGI." pag ko-correct ko sa kanya.
Oo si Suga. Yung miyembro sa isang sikat na KPop group hindi lang sa Korea kundi sa buong mundo. Sya yung naging inspirasyon ko sa lahat nang bagay na ginagawa ko. Sa kanya o sa kanila, sa BTS ako natutong mahalin ang sarili ko. Noon pa lang ay pinapangarap ko na mabigyan nang pagkakataon na mahalin nya rin ako, hindi bilang isang ARMY kundi mas higit pa dun. Sya nga rin naman yung dahilan kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin akong boyfriend. Eh kasi nga sabi nya cheater daw yung ARMY na may boyfriend at ang pinakamalupit sa lahat ARMY's keep your ring finger empty at saka hindi rin naman ako nawawalan ng pag-asa na ma notice nya rin ako.
"Ahh basta yun na yun."
Natawa na lang ako sa sinabi ni Amy.
"Hoyy Cali wag nang umasa kasi sa taong wala namang kasiguradohan na magiging sayo! Masyado namang sikat yung taong yun...di mo reach girl!" ni Arman saka humalakhak ng tawa..
"Hoy baklaaaa! Wag mo nga akong matawag tawag na CALI dyan!"
I hate it when someone calls me Cali! My father used to call me by that name and I hate it. I hate my father.
"Baka nakakalimutan mo na CALIELLA yung buong pangalan mo. Cali plus Ella is equals YOU, di ba Amy?" ni Arman.
Hindi na lamang ako sumagot but instead ay natawa na lang ako.
"Miss Montaire pinapatawag po kayo ni Mr.Shin sa office nya." awat bigla nang secretary ng CEO.
Nagtataka ako kung bakit, wala naman yata akong mali ahh bakit kaya pinapunta nya ako?????
"Naku Cali patay ka dyan. Puntahan mo na baka kainin ka pa sa galit nun, ingat ka ha? Naghihintay na sayo yung tigre." pananakot ni Arman sakin.
"Ano ka ba Arman, siguro may seminar na naman na kailangan umattend si Ella." ni Amy.
"Oh shaa, punta ka na dun." pagtataboy ni Arman.
Tumango na lang ako at saka umalis.
As soon as I get there, I knocked the door of his office and get in. Mr. Shin is facing through those glass windows in his office seeing the beautiful view.
"Sir pinapatawag nyo po daw ako?" I started.
"Take a seat first Ella."
I sat down on the chair at the front of his table.
"I was really impressed by your new design of the building Ms. Montaire, and an engineer already bought the design which is going to be constructed few months from now." he began.
"Talaga po?" I happily said.
"Yes, I sold at at the cost of 50 million with the trademark of the company."
Masyado akong natuwa dahil may 40% comission na naman ako dito. Pang dagdag na rin sa pangbayad ko nang mga papel ko papuntang Korea.
"By next week pwede mo na makuha yung comission mo. And Im hoping that you'll do another great job Miss Montaire." he added.
"Yes of course Sir, I will." I assure him.
After I was dismissed I'd still cant believe it. Imagine? 40% of 50 million?? Ang laki na nun at saka tuloy na tuloy na talaga yung plano kung pagpunta ng Korea. May naipon na rin naman akong halaga sa bank account ko at sa mama ko.
Maybe after 6 months ay magpa-file na ako nang resignation or maybe after all my papers will be done.Pagbalik ko sa office ko agad namang kinamusta nila Arman at Amy ang pag-uusap namin ni Mr.Shin.
"My gaaaaad Ella! magkakatotoo na talaga ang pangarap mong pumunta ng Korea." ni Amy.
"Pero di yung pangarap mong ma-notice ka nung koryanong mala-itlog sa kaputian." Sabwat ni Arman.
Totoo naman....pero di pa rin ako titigil...Matagal ko na tong pinangarap, and this is it.
"So dapat ba tayong mag celebrate dyan sa accomplishment mo na yan?" putol ni Amy.
"Sure, san ba tayo pupunta?"
"Lets go to Padis!" ni Arman.
"Taraaa" tuwang hiyaw ko naman.
Pasado alas 8 na nang gabi nang makarating kami dun dahil sa traffic. Kumain muna kami bago nag-inuman, since sabado bukas ay okay lang na magpuyat ngayon. Haha nag enjoy lang kami nang nag enjoy sa buong gabi.
Hindi ko na nga rin alam kung paano ako nakauwi nang bahay eh. Nagising na lang ako na nasa loob na ako kwarto ko. Ang bigat bigat ng ulo ko kaya naisipan ko na uminom ng kape. Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kusina at dun ko nakita si mama.
"Oh kumusta na pakiramdam mo? Lasing ka kagabi nang ihatid ka dito nila Amy at Arman." pagsisimula ni mama.
"Ganun po ba? Nagkasiyahan lang naman po kami."
"Ella anak, naiintindihan kita at saka karapatan mo rin namang magsaya eh. At saka matanda ka na rin naman, kailan mo ba balak magkaroon ng jowa?"
"Maaaa?! Hindi naman ako matanda eh, at saka masyado pa akong bata para sa bagay na yan. Saka nalang yan pag nakapunta na ako ng Korea, malay natin baka sya yung seoulmate ko." sabi ko sabay yakap sa standee ni Suga.
" Haaaaay naku sayo Ella, masasaktan ka lang. Malayo din naman siguro na mapansin ka nun. Hanggang kailan ka pa ba maghihintay?"
"Maa sabi nga naman sa kanta ni Tori Kelly di ba na IT'LL BE WORTH THE WAIT. Kaya hanggang sa kaya ko, ay maghihintay pa rin ako." sabi ko.
"Haaaay naku sayo Caliella! Inumin mo na yang kape at baka lalamig yan, punta muna akong palengke."
"Sige po, ingat."
Hindi ko muna sinabihan si mama tungkol dun sa pera at sa plano ko na tuloy na tuloy na talaga. Pagkatapos kong inumin ang kape ko ay nanood muna ako ng mga videos ng BTS sa youtube. Ganito lang din naman ako lage kapag walang trabaho at saka wala parin sa isip ko ang magkaroon ng jowa at kontento na rin ako sa kung ano ang meron ako at masaya na ako dun.
Sorry talaga for the long wait sa update nito medyo busy kasi sa school.Enjoy reading☺☺☺ Vote & Comment lang po kayo.God Bless!
- JheyyEnnBelle❤❤
YOU ARE READING
Chasing Dreams
FanfictionHe's an idol and I'm just a fan. Is it possible for this IDOL to fall for me? I'm keeping my ring finger empty for someone who doesn't even know my existence. Does it make sense? It sounded ridiculous and impossible but I want to give it a try. Bei...