PASADO alas 9 na nang umaga ako nagising. Since may one week vacation kami ay naisipan kong gawin lahat nang bagay na gusto ko, gaya nang kumain sa ibat-ibang restaurant at mamasyal ng mag-isa. Yeah ako lang kasi si Liz may pasok at saka si Jhen naman ay rumaraket bilang isang dance instructor dun sa maliit na grupo ng kabataan dito. Paglabas ko ng kwarto ay wala na sila, ayun umalis lang ng walang paalam yung dalawa, hahay!
I took a shower para mas maaga akong makapagpasyal at mas masaya pagkatapos nun ay kumain muna ako at saka umalis.
HHMMM! San kaya magandang puntahan? I asked myself. Hhhmmm alam ko na! First target ko ngayon ay ang Tapgol Park dito sa Seoul. It only took 15 minutes for me to arrive at the said place.
I released a sigh, filling my eyes with all the beautiful scenes in the place. So peaceful, so quiet. Hhmmm, this place is really good. Its really a perfect place for some poet to write a poem. So refreshing talaga ang lugar na'to. May mga tao ding nagpupunta dito pero kadalasan ay yung mga mag-jowa. Ayun, date there, date here! Ugh! Lovers suck. Naglakad-lakad muna ako, at saka konting selfie din. Galing di ba? Haha. Ilang minuto ng paglalakad-lakad ay naupo muna ako sa bench. Nakakapagod talaga maglibot-libot dito Haha! Para akong tanga na pabalik-balik sa paglilibot dito. Wala naman silang pakialam sakin eh.
Ilang minuto din ang nagdaan ay na boboringan na din ako at saka not to mention nagugutom din. Haha kaya naisipan ko nang umalis at nagpunta sa pinakamalapit na bus stop para sa next target ko.
NASA loob na ako ngayon ng bus papunta sa next target ko- WOLMYEONG DONG PARK Im coming for yaaa! Haha hindi rin naman yun kalayuan dito sa Tapgol kasi pareho lang itong nasa Seoul. Habang nasa bus ay nagutom ako kaya bumaba na lang ako sa isang bus stop at nag hanap ng restaurant. Habang naglalakad ako ay may nahagip yung mata ko na isang Pinoy Style restaurant kaya dun ko balak kakain. Pagpasok ko ay dumiretso ako sa counter para mag-order.
"Isang plain rice at saka calamares, at chicken curry nga." order ko.
"Any drinks po ma--."
"Jerwin?!" gulat kong sabi.
"E-Ella, ikaw pala." nauutal din na sabi nya.
"Kamusta ka na Ella? Matagal-tagal na rin tayong di nakakapag-usap mula nung huling pagkikita natin dun sa labas ng BigHit." ni Jerwin.
"Yeah. Okay lang ako. Dito ka pala nagtatrabaho?"
"Ikaw, kamusta ka na? Kayo ni Erika kamusta na kayo?" tanong ko.
Kahit isang taon din na naging kami ni Jerwin ay wala na akong nararamdaman pa para sa kanya ngayon. Tama na yung halos apat na taon na pagdurusa at sakit na naramdaman ko. Nakapag-move on na ako ngayon. Masaya at kontento na ako sa buhay single ko. Sabi nga nila di ba contentment is happiness. Kung marunong kang makontento magiging masaya ka.
"Wala na kami ni Erika. Tatlong taon na mula nang makipag-break sya sakin." ni Jerwin.
"Ahh ganun ba."
"Teka, isang four season lang yung sakin ha. Dun sa bandang yun ako uupo, pakihatid na lang ah? Salamat." pagtatapos ko sa usapan namin.
Ayokong maka-usap ang taong minsan na ring naging dahilan sa pagiging miserable nang buhay ko noon. Yung taong sinaktan ako nang lubos. Pero laking pasalamat ko na rin na sinaktan nya ako kasi kung hindi dahil sa kanya wala sana ako dito ngayon sa Korea. Hindi ko sana makikilala si Suga at ang Bangtan. BTS set my dreams up high.
Ilang sandali lang din akong naghintay sa order ko kaya hindi ako nagtagal dun sa restaurant na yun. The atmosphere there doesnt feel so good. Kaya pagkatapos kong kumain at magbayad ay umalis na ako.
YOU ARE READING
Chasing Dreams
FanfictionHe's an idol and I'm just a fan. Is it possible for this IDOL to fall for me? I'm keeping my ring finger empty for someone who doesn't even know my existence. Does it make sense? It sounded ridiculous and impossible but I want to give it a try. Bei...