Kataksilan ang siyang Ugat

1.1K 26 0
                                    

Chapter10

Binulungan siya ni Adel na lumapit na kay Don Leonardo na noon ay nakaupo sa sofa sa visiting area.Naghihintay ito sa kanya.
"Nahihiya ako.Parang ayaw ko nang tanggapin ang alok niya sa akin na pera kapalit ng pagpapakasal ko sa kanya.Isa pa pamilyado na siyang tao,"katwiran ni Mercy sa kasamahan sa trabaho.

"Bakit ka naman mahihiya samantalang hindi ka naman nanghihingi.Hihiram ka lang naman nang pambayad mo sa mga utang mo.Ikaw din?Baka mamaya niyan ang bagsak mo sa kulungan."

"Baka isipin niya na sinasamantala ko siya,kung tatanggapin ko ang alok buhat sa kanya.Paano kung idemanda ako ng original niyang asawa,Di pareho din iyon.Wala akong laban.Sa kulungan pa rin ang bagsak ko."

Atubili ba rin siyang lumapit sa may edad na lalaki.

"Eh,di ipaliwanag mo sakanya ang side mo.Na hindi mo tatanggapin ang alok niyang kasal dahil may pamilya na siya.Sabihin mo sa kanya na kailangan mo lang ng konting pera para makabayad at makapagsimula.Kapag nakaipon kana ibabalik mo na sakanya yung perang hiniram mo."

"Pero hindi naman ganu'n kadali ang sinasabi mo."

"Ano'ng hindi madali.Kusang loob na pahihiraman ka naman niya ng pera.Hindi naman sapilitan at saka nais lang naman siguro niyang magkaroon kayo ng kasunduan para hindi mo takbuhan ang uutangin mo sa kanya."

Ang inaakala siguro ni Don Leonardo ay nagkakamabutihan na silang dalawa dahil hindi ito nag-aatubiling pahiramin siya ng pera.Alam niyang maraming charity activities ang matandang lalaki dahil tumutulong ito sa mga mahihirap.

Hindi rin niya inakalang may asawa at anak pala ito ngunit naninirahan ang mga ito sa States dahil isang modela ang kanyang asawa.Siguro ay nalulungkot lang ito sa kanyang malaking mansion kaya nais siya nitong alukin ng kasal.Nakitaan siguro siya ng matandang lalaki na puwede niya itong pangalagaan.

Wala siyang nagawa kundi ang lapitan si Don Leonardo.Ang matandang lalaki ay nasa kalagitnaang gulang na ngunit sa edad nito ay magilas na magilas pa ito.Sa mura niyang edad ay naitatanong niya kung bakit nga ba siyang gustong pakasalan ng Don.

"Good morning,Sir,Leonardo,"bati niya rito na hindi madiretso ang mga tingin sa matandang lalaki at ngayon lang siya nakaramdam ng pagkailang kahit ilang beses na niyang nakasama at nakasalo ito.

"How are you,Mercy?"Bungad nito sa kanya.Pinaupo siya nito sa kanyang tabi.
Pagka-upo niya ay inabot ka-agad sa kanya ni Don Leonardo ang isang envelop.
"Buksan mo nang makita mo ang laman,"utos sa kanya ng matandang lalaki.

Magkahalong hiya at tuwa ang sumakanya ng makita ang laman ng sobre.Kalahating-milyong peso ang nakasulat doon ang nilagdaan ni Don Leonardo.Sobra-sobra na sa hinihiram niya sa lalaki.

Sa tuwa at saya ay bigla siyang napayakap rito.Ngunit bigla rin niyang binitawan ito at ini-distansya ang sarili sa Don dahil sa takot na may makakita sa kanila at makarating ito sa kanyang asawa.

"Is that enough?"nakangiting tanong ng matanda sa kanya.
"Sabihin mo lang kung kulang 'yan."

"Opo,Sir Leonardo.Sa katunayan nga po,ay sobra-sobra na itong perang pinahiram mo.Kaya lang,nakakahiya naman sainyo at baka magalit sa akin ang Misis niyo."

Kataksilan ang siyang UgatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon