Kataksilan ang siyang Ugat

962 27 1
                                    

Chapter16

"O,mukhang pinausok yata ng kausap mo ang iyong bumbunan?"tanong ng sekretarya niya na itinuring na rin niyang isang kaibigan.

"Hindi lang pinausok.Pinakulo pa!Hindi ko malaman kung bakit ganito ako pestehin ng lalaking iyon"

"He's a wise guy,in case na hindi mo alam."

"Paano mo alam?"

"May kaibigan akong nagtratabaho sa resort niya.Nagbakasyon na nga rin kami doon minsan.Pero mag-ingat ka sa kanya Madam.Palagay ko ay ginagamitan ka niya ng kanyang karisma sa babae para makuha ka."

"Hindi niya ako maloloko!"reaksiyon niya

Kaya?Surot ng kanyang konsensiya.Hindi ba at nahalikan na siya ng lalaki?Ni hindi siya nakapiyok nang mapangahas na angkinin ng lalaking iyon ang mga labi niya.Ni hindi nga niya nagawang sampalin.

Pakiramdam niya ng mga sandaling iyon ay buong-buong nasakop ng lalaking iyon ang pagkatao niya.Kinagabihan ay umuwi siyang hindi mapakali at makatulog.For the first time,sa gabing iyon ay umaagaw sa atensiyon niya ang mukha ni Hanz.

Kinabukasan,inisip niyang hindi umuwi kaagad.Ang gusto niya ay inisin ang binata at bahala itong maghintay sa kanya.Nagtuloy siya sa clinic at binalikan ang babaeng nanganak na naka-confine ng matagal dahil nagkaroon ito ng infection at apekto rin ang bata.

"Mabuti-buti na ho ang lagay niya,Ma'am,"wika ng nurse na nag-a-attend kay Lina,ang babaeng buntis na ngayon ay nasa pangangalaga niya.Sinagot niya ang hospital bills nito at pati na rin ang mga pagkaing kailangan nito.

Nag-stay siya ng matagal sa hospital.Nalibang siya sa panonood kay Baby Cris na nasa nursery.Guwapo ang bata.Marahil ay hitsura ng lalaking nakabuntis kay Lina at nang iwan kay Lina,naisaloob niya.

Hindi niya namalayan ang oras.Ganap na alas diyes na ng gabi nang maisipan niyang umuwi.Limot na limot niya ang usapan nila ni Hanz.Ngunit nagbalik sa kanyang huwesiyo iyon ng matanaw niya sa loob ng bakuran nila ang isang kotseng pamilyar sa kanya.

So,narito ang lalaking nagpapakulo ng dugo niya.
Malakas na bumusina siya.Natarantang lumabas si Yaya Patring para pagbuksan siya ng gate.Ibinaba niya ang bintana ng salamin ng kotse niya.

"Bakit po may nakaparadang kotse diyan?"

"Eh,Senyorita,nagpumilit po.Ayaw ko sanang papasukin kaso ang sabi may usapan daw po kayo."

"Ano'ng usapan?Wala po kaming usapan.Tresspasing po ang lalaking 'yan!Pakisabi po sa kanya na umalis na siya,"wala sa sariling utos niya.

Natarantang napasunod naman ang Yaya Patring niya.Pero nang magbalik uli ito ay hindi na naman magkandatuto sa pagsasalita.
"Eh,Senyorita,hindi raw siya puwedeng umalis.May inihahain raw ho siya sa kusina."

"What?Pati kusina natin pinakialaman niya?Sumusobra na talaga ang lalaking 'yan!"
Sumisingasing na ang butas ng ilong niya.Pinaharurot niya papasok ang kotse at nagdadabog na bumaba.

Mabangong aroma ng pagkain na hindi niya matukoy kung ano ang sumalubong sa pang-amoy niya.Naabutan niya sa kitchen si Hanz.Naka-apron ang lalaki at kasalukuyang naghahalo sa kawali.

Kataksilan ang siyang UgatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon